Prologue

1386 Words
Nasa kusina si Amanda at hinuhugasan nito ang mga huling natitirang plato at mga tasa nang marinig nito ang ingay mula sa labas. Napakunot siya ng noo habang naririnig nito ang mga palitan ng usapan ng mga kasamahan niya, bukas din kasi ang pinto ng kusina kung kaya't dinig nito ang mga nangyayari sa labas. Dala ang isang plato ay sinilip ni Amanda ang kung ano'ng nangyayari sa labas habang may bula pa ng sabon ang mga kamay niya. Nang hindi naman nito makita ang mga pinagkakaguluhan ng mga babaeng kasama niya sa kusina kanina na sina Kit at Laine dahil nakaharang ang kanilang mga likod sa tinitignan niya kung kaya naman ay mas lalo pa siyang lumapit upang makita ang pinagbubulungan nila. "Ang gwapo ni sir!" "Oo nga! Grabe, ang hot!" Rinig ni Amanda na sabi ng dalawa. At nang ngang makalapit na siya roon ay nagawi muna ang paningin niya sa mga kasama na bahagyang nakapaikot bago 'yon nagawi sa isang lalaking nasa harapan nila, ang mismong boss nila. Halos manlaki ang mga mata niya, sabayan pa na para siyang malalagutan ng hininga dahil sa gulat. After 5 years, nakita niya rin 'tong muli. After 5 years, nasilayan niya rin ang lalaking minahal niya. After 5 years, muli nitong naramdaman ang pagtibok ng kanyang puso. At dahil nga sa gulat na bumungad sa harapan ni Amanda ay nabitawan niya ang platong hawak dahil nawala siya sa sarili sandali, pero nang mapansin na nasa kanya lahat ng atensyon ng mga tao sa loob lalo na ang lalaking iniwan niya 5 years ago ay nakatingin sa kanya. Hindi siya makagalaw. Nanlamig ang lahat sa kanya. Nanginginig ang mga kamay niya pati na rin ang labi niya na napaawang nang makita siya. Nangangatog din ang mga paa niya, parang ano mang oras ay pwede siyang mabuwal. Pero totoo ba talaga ang nakikita niya? Ang dati ba talaga niyang asawa ang nakikita ng dalawang mata niya ngayon? Si Arthur Dela Vega ba talaga ang nasa harapan niya? At ito nga ba ang sinasabi nilang boss nila? Sa platong naglikha ng isang malakas na ingay ay agad na nabaling ang atensyon ni Arthur sa kinaroronan non. Bahagya siyang nagulat at bahagyang napaawang din ang labi sa nakikita niya, si Amanda, ang asawa niya, ang babaeng minahal niya noon na siya ring nang-iwan sa kanya ay nasa kanyang harapan ngayon? He can't believe this! Am I dreaming? Tanong niya sa kanyang isipan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Hindi kailanman niya naisip na muling magkikita sila. Na muling magku-krus ang mga landas nila. Pero sadya nga yata talagang mapaglaro ang tadhana, heto ngayon sila, parehong gulat ang reaksyon dahil parehong hindi inaasahan na ang isa't isa ang bubungad sa kanila. Arthur cleared his throat before talking. Parang nang kumalma ang puso niya ay bigla niyang naisip na bakit siya mag-iisip ng kung ano? Umayos ito ng tayo. Walang anong emosyon ang inilabas, seryoso ito at taas noo itong tumingin sa mga taong nasa harapan niya lalong-lalo na kay Amanda, para bang may gusto itong patunayan sa ayos niyang 'yon. "Hindi niyo naman sinabi sa akin na nag-hire pala kayo ng tanga sa business ko? Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang ta-tanga tanga sa trabaho!" sabay baling ni Arthur sa mga employee niya bago 'yon bumalik kay Amanda. Parang muli namang pinagpira-piraso ang puso ni Amanda sa narinig. Parang isang pitik na lamang din ay tutulo na ang mga luha niya. Hindi niya alam kung sa trabaho pa ba 'yon o may halo na 'yong pangungutya at galit sa paraan ng pagkakasabi non ni Arthur. Para siyang hihimatayin sa lakas ng t***k ng puso nito. At hindi niya inaasahan ang mga salita ni Arthur. Hindi ganito magsalita ang lalaki. Ngayon niya lang 'to narinig na gano'n ang pananalita niya. Ano'ng nangyari? Bakit ganito si Arthur? Tanong na naman ng kanyang isipan. Hindi niya ganito iniwan si Arthur, ibang-iba na 'to ngayon, para bang nagmamataas na. "A-ahm, s-sir . . . we're sorry for that. —Nako, Amanda, linisin niyo agad 'yan. Diyos ko, nakakahiya kay sir," may takot sa boses ng manager nila. Natakot ito sa paraan ng pagsasalita ni Arthur, parang sobra naman kasi ang mga salita nito, parang may halo na 'yong galit, hindi lang galit, sobra pa sa galit. Hindi naman magkandaugaga sa pagpulot ng mga nabasag na piraso ng plato si Amanda at ang mga katabi niya. Pare-pareho silang nataranta dahil nakakatakot ang awra ng kanilang boss. Habang nililinis nila 'yon ay hindi naman inaalis ni Arthur ang kanyang mga tingin sa dating asawa. Pero matalim ang mga tingin niya rito na para bang may ginawa siyang kasalanan. Pero meron naman talaga, hindi ba? Pero trabaho ang pinag-uusapan, bakit parang napupunta 'yon sa nakaraan? Bakit parang may personalan na nagaganap? Nang malinis kahit papaano ang mga bubog na kumalat ay tumayo nang pagkatuwid-tuwid ang mga kasama ni Amanda at pati siya. Pero hindi siya makatingin nang deretso kay Arthur. Ayaw nitong salubungin ang parang nag-aalab niyang mga mata. "What is your name?" tanong ni Arthur kay Amanda na siyang ikinaangat niya ng tingin. Ang mga kasama rin nila sa loob ay nagkadikit-dikit na, natakot yata talaga. Hindi rin sila nagsasalita, nanonood lang sa kung ano'ng mangyayari dahil sa nangyaring eksena na nagawa ni Amanda. "A-Amanda, A-Arth-- S-Sir," gustong matawa ng pagak ni Amanda. Wala naman sigurong amnesia si Arthur? O sadyang nananadya lamang talaga siya? Hindi ba talaga siya kilala ni Arthur? Malayo! "Maganda sana ang pangalan mo kaya lang ta-tanga tanga ka! Nambasag ka pa talaga ng plato!" Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Amanda dahil sa katahimikan at ang tanging ingay lang ay ang malakas na sigaw na boses ni Arthur. Napayuko na lang siya at napakagat sa kanyang labi para pigilan ang kanyang nagbabadyang mga luha. Sobra na rin siyang nahihiya. At sobra na rin siyang napahiya sa mga kasama niya dahil sa mga sigaw ni Arthur sa kanya. Hindi naman siya rapat tratuhin ng gano'n. He don't need to treat her like a trash. Pwede naman niya akong kausapin nang maayos, pero ang sigaw-sigawan ako at ipahiya sa lahat ay hindi rapat, mali. At kailanman, wala pang nagsabi kay Amanda ng mga gano'ng salita. Bukod noon sa mga salita ng Senyora Annalisa sa kanya ay isa pang masakit ang mga narinig niya mula kay Arthur. Kung gaano kasakit ang mga narinig niya noon sa Senyora ay doble non ang sakit sa ngayon. Mas masakit pa lang marinig ang mga 'yon kapag galing mismo sa taong mahal mo. Kapag galing mismo kay Arthur. "P-pasensya na po, Sir," muntik pang pumiyok si Amanda. Napabuga na lamang siya ng hangin sa kanyang bibig. Lihim na napalunok dahil parang may bumabara na naman sa kanyang lalamunan. Ang ganda ng araw na 'to! Sobra! Sarkastikong napatawa si Amanda sa kanyang utak sa isiping 'yon. Great! Just great! Gusto nang tumakbo ni Amanda nang mga oras na 'yon. Gusto nitong umuwi na at makalabas sa lugar na 'yon. Ang laki-laki ng cafe na 'yon pero para siyang walang makuhang hangin. Naisip niya rin bigla na mag-resign, pero hindi! Hindi pwede! Sayang ang trabaho niya. Malaki rin ang sweldo niya rito kaya mahihirapan yata siyang bitawan ito. Kailangan niya 'to, kaya hindi siya pwede basta umalis kahit gustong-gusto na niya. Damn! Amanda! Bakit ngayon ka pa minalas sa buhay mo?! Mataimtim na lang siyang nananalangin sa kanyang isipan na sana, nagha-hallucinate lang siya. Pero hindi talaga nang sinubukan niyang kurutin ang palad niya ng palihim. "Your sorry is not enough. Mukha ngang mahal pa ang mga gamit na pag-aari ko rito kaysa sa buhay mo," saka siya mapanghusga na tinignan ni Arthur mula ulo hanggang paa. Kahit hindi niya 'to tinignan ay alam niyang nakatingin ito sa kanya kanina. Pagkatapos naman niyang sabihin 'yon ay basta na lang umalis si Arthur. Naiwan silang lahat doon nang hindi nagsasalita at natulala talaga. Pinupunit namang muli ang puso ni Amanda. Kung hindi pa non umalis si Arthur ay baka hindi na niya napigilan at napahagulgol na siya ng iyak sa mismong harapan nito. Iyak naman na ang pinanggalingan ay ang nakaraan kasama ng mga salitang natanggap niya ngayon na hindi niya inaasahan na sasabihin ng lalaking akala niya ay kailanman hinding-hindi siya huhusgahan at pagsasalitaan ng mga gano'ng salita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD