"Hijo, ano'ng nangyayari?" natataranta ang boses ng matanda dahil baka may ginawa na naman na hindi maganda si Arthur. Binalaan na niya 'to pero sadyang padalo-dalos din talaga minsan si Arthur sa mga bagay na hindi niya pinag-iisipan. "Manang, help me," humahangos na sabi ni Arthur nang buksan niya ang pinto. KINABUKASAN. Napakislot si Amanda sa takot, takot dahil sa naalala niya ang nangyari kagabi. Good thing, walang Arthur na bumungad sa kanyang tabi. Wala ni anino nito siyang nakita. She thought he's here kaya naman sobra ang takot niya. Nakalagay pa ang kanang kamay niya sa kaliwang didbib niya. Hinihingal ito habang nililibot ang paningin sa buong kwarto. Muling sumagi sa kanyang isipan, muntik na siyang-- ayaw na niyang isipin pa, lalo lamang siyang natatakot. Tumayo na ito ngun

