Matapos kumain ni Amanda ay agad na iniligpit ni Arthur ang pinagkainan niya saka na siya nito iniwan. Ilang oras hindi bumalik si Arthur sa silid niya na kung saan nandodoon si Amanda. Nainip na si Amanda dahil wala siyang ibang magawa dahil awtomatikong naka-lock ang pinto para hindi siya makatakas kaya naglibot-libot na lamang muna siya sa apat na sulok ng kwarto ni Arthur. Sa paglilibot ng mga mata niya habang naglalakad ay napansin nito sa itaas ng pader ang isang malaking picture frame, parang gusto niyang maiyak sa nakita, litrato nila 'yong dalawa ni Arthur nang ikinasal sila 5 years ago, pareho silang nakaputing damit habang nakangiti sa kamera. "Kung maaari lang talaga, Arthur. Kung pwede lang," maiyak-iyak na sabi niya habang pinagmamasdan ang kanilang litrato. Pinalis nito an

