Hindi kailanman naisip ni Arthur na saktan ang asawa. Iingatan niya 'to na parang isang mamahaling gamit at hindi hahayaang mawasak o masira. Sarili muna niya ang unang masasaktan bago ang asawa niya. Mauuna muna siyang madudurog. Mauuna muna siyang mahihirapan. Ang lahat ng sakit ay sasaluhin niya huwag lang umiyak at masaktan ang asawa niya sa piling niya. Hindi niya kakayanin kung iiyak ito sa harapan niya, masasaktan siya. Doble ang sakit na mararamdaman niya kapag nakita niyang nasaktan si Amanda. Nang nasa hotel na sila ay binuhat pa ni Arthur si Amanda ng bridal style patungo sa kanilang unit room. At nang ibaba niya ito nang makapasok na sila ay agad niyang ni-lock ang pinto saka isinandal si Amanda sa likod ng pintuan. Malalam nilang tinitigan ang isa't isa at hindi nagsasalita.

