"Oh my god! Hello, hija! Mabuti't nakapasyal ka na ulit dito. I miss you so much!" sabay beso ni Donya Annalisa kay Scarlett, she is Arthur soon to be wife. Siya ang napili ng mga magulang ni Arthur para sa kanya at magkasosyo rin ang pamilya ni Scarlett sa business ng mga Dela Vega. Malapit na rin ang kanilang kasal, mga ilang buwan na lamang ay magiging isa na sila.
"I miss you too, tita!" sabay ngiti niya rito na siyang nagpakita sa mga magaganda at mapuputi niyang mga ngipin na para kang masisilaw dahil sa kaputian non.
"Oh, come in. Doon muna tayo at magkwentuhan habang pinapatawag ko na si Arthur sa kwarto niya upang bumaba at salubungin ka," anyaya ng Donya sa kanya patungo sa living room saka na ito naglakad papunta ro'n.
Sumunod naman ang babae sa kanya, with her straight stand, good posture, mahinhin kung maglakad. Para rin itong professional model dahil sa kanyang katangkaran. And a good looking face. Ang manipis nitong mga labi. Ang mukha nitong clear skin. Ang kanyang matangos na ilong. Mga pilik-mata na sa sobrang kapal ay parang nagmumukha na siyang barbie dahil na rin sa kaputian niya. A full package woman that every man dreams of.
"Ilang buwan din tayong hindi nagkita but you're still gorgeous!" papuri ng Donya kay Scarlett nang umupo na sila sa couch.
Mahinhin na natawa si Scarlet bago sumagot. "I'm not, tita. Kayo naman po, ang galing niyo naman pong mambola," mahinhin pa rin siya kung magsabi. "But thanks, tita, you too actually, hindi pa rin kumukupas ang ganda mo," siya naman ang pumuri ngayon sa Donya Annalisa.
Habang pinapakinggan ni Amanda ang palitan ng usapan ng Donya at ng babae ay hindi niya maiwasan mapatigil sa kanyang paglilinis sa isang tabi. Kita niya sa kinaroronan niya kung gaano kaganda ang babaeng kausap ng Donya. Makikita mo talaga sa itsura nito na may kaya siya sa buhay at napaka-class din nito. Ngunit nagtatanong ang kanyang isipan kung sino ang babaeng 'yon. At nasagot lamang ang katanungan niya nang marinig nito ang sinabi ng Donya.
"Oh, Arthur, mabuti naman at bumaba ka na. Next time ay bilisan mo dahil ayokong pinaghihintay itong fiancee mo." Lumapit si Arthur sa kinaroronan nila without looking at Scarlett. Wala ring mababakas na kahit na anong emosyon sa kanyang mukha nang bumaba siya, hindi 'yon masaya, hindi 'yon excited, kung hindi wala 'yong gana, wala 'yong pakialam.
Tumayo naman si Scarlett at nilapitan siya. Niligkis niya ang dalawang kamay nito sa leeg ni Arthur, niyakap niya ito at hahalikan din sana nang tinagilid ni Arthur ang kanyang ulo, iniwasan nito ang halik niya. Para naman 'tong natalo sa kanyang mukha, parang napahiya siya sa ginawa ni Arthur, hilaw siyang napangiti, tinago ang pagkapahiya at inis.
Si Amanda naman ay natigil sa kanyang kinatatayuan, nagulat ito sa nakita at narinig. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng lungkot sa kanyang puso. Para bang bigla siyang nakaramdam ng sakit at pagkirot sa kanyang dibdib, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya at kung bakit niya nararamdaman 'yon. Basta ang alam niya lang ay bigla siyang nasaktan nang makita ang dalawa na malapit sa isa't isa. Naguguluhan talaga siya, hindi niya maintindihan.
"I miss you, babe!" masayang sambit ni Scarlett sabay hila kay Arthur sa tabi niya ro'n sa couch. Nagpatianod naman si Arthur, but he didn't respond on what she said. Nanatili itong walang kibo at walang ekspresyon. Talagang bulgar na bulgar niyang ipinakita ang pagka-bored niya sa harapan ng ina at ni Scarlett.
At kung puwede nga lang din na itulak niya ang babae palayo sa kanya ay gagawin niya pero nandito ang ina niya kaya hindi siya makatanggi o makaangal. Naiirita ito sa presensya ni Scarlett. Naiinis siya dahil kung makadikit ito sa kanya ay para siyang linta. Ang gusto ni Arthur ngayon ay bumalik sa kwarto niya at makalayo sa babaeng katabi niya.
Arthur is already 22 years old, pero wala man lang talaga siyang magawa. Nasa tamang edad na ito para magdesisyon para sa sarili niya pero pilit siyang kino-kontrol ng mga magulang niya sa lahat ng bagay. Hindi na siya bata pa pero parang nakasalalay pa rin dapat ang lahat ng gusto niyang gawin sa mga magulang niya. Tao siya pero para siyang robot dahil sunud-sunuran siya sa mga utos ng ina at ama. Ngunit paano siya makakatanggi? Hindi niya alam.
Nag-iisang anak lang kasi si Arthur, kaya siya lahat ang sumasalo. Kahit nga ang profession na gusto nito ay hindi niya makuha, pati 'yon ay ipinagkait sa kanya. Bata pa lamang siya, alam na niyang wala siyang kalayaan, wala siyang karapatan. At wala siyang ibang puwedeng gawin kung hindi ang sumunod lamang. Gustuhin man niyang umalis sa puder ng pamilya niya ay hindi pa niya kaya, wala pa siyang sapat na pera, kung meron man ay hawak 'yon ng mga magulang niya. Parang wala na nga sa kanya lahat, eh, wala na talaga. Tanging sarili niya na lamang ang meron siya. Sarili niya lang din ang nagco-comfort sa kanya. He only have himself.
Kung may problema siya, kung may pinagdadaanan siya, wala siyang ibang matatakbuhan kung hindi ang sarili niya mismo. Nasanay na lamang din siya sa gano'n simula pa noong magka-isip na siya.
"What did you do nang wala ako? Hindi mo man lang kasi sinasagot ang mga tawag ko, eh," nagtatampo ang boses ni Scarlett. Ngayon naman ay nakapalupot na rin ang mga kamay nito sa kamay ni Arthur. Mas lalong nairita si Arthur pero hindi niya pinahalata. Nagtitimpi na lamang siya at kinakalma ang sarili mula sa inis na kanyang nararamdaman.
"I'm just busy," tipid at walang ganang sagot nito.
"Hmm, ok. But can we go out? Mag-bonding naman tayo bago tayo ikasal," hinigpitan pa lalo ni Scarlett ang pagkakasaklay kay Arthur.
Sa kabilang banda naman, parang nanghihina si Amanda kaya naman napasandal siya sa pader habang nakikita ang dalawa. Ito ba ang tinatawag nilang selos? Tanong nito sa sarili.
Nagseselos ba 'ko?
Kahapon ay hindi maulahan ni Amanda ang ibat-ibang emosyong naramdaman niya. Masaya ang puso nito nang makasama si Arthur. Kahit isang araw pa lang silang nagkakila ay hinahanap-hanap na nito ang presensya ng lalaki. At excited pa siya kanina nang pumasok sa mansyon dahil baka makita niya ulit si Arthur. Parang gusto pa nga nitong maulit ang nangyari kahapon. Hindi nga rin siya nakatulog kagabi dahil sa tuwing pipikit siya ay bigla na lang niyang nakikita si Arthur. Nakakaramdam siya ng kilig bigla at nasabi na lang niya sa sarili ay "ito na ba ang sinasabi nilang pag-ibig? Dahil kung oo, aaminin ko na, na sa ganoong kaiksing oras ay... nahulog na 'ko".
Noong una ay indenial pa si Amanda sa nararamdaman niya dahil una sa lahat, hindi niya alam kung pag-ibig nga bang matatawag ang nafe-feel niya ngayon. Pero ang sabi, kapag tumibok nang malakas ang puso mo at para kang may nakikita na sparks sa isang lalaki o tao nang biglaan ay in love ka na nga. 'Yong bang kapag malapit sa 'yo ang isang lalaki ay biglang pipintig nang malakas ang puso mo at para kang lumulutang sa langit at kasabay pa non ay ang pagbagal ng mga pangyayari sa paligid. At doon nga niya napatunayan na nahulog na ang puso nito kay Arthur simula kahapon. Nang gano'n kabilis at nang hindi niya inaasahan. Kaya nga nasasaktan siya ngayon sa nakikita ng mga mata niya dahil may pagtingin na nga ito kay Arthur. Pagtingin na hindi pala pwede dahil may fiancee na ang lalaki.
Hindi nito inaasahan ang lahat, sa pagkahulog dito nang mabilis. Kung alam niya lang na mahuhulog siya nang biglaan at nang hindi niya nalalaman ay sana, sana naging aware siya at pinaalahanan ang sarili na iwasang mahulog sa isang tao na hindi naman siya sigurado kung magiging kanya ba.
Sa buong buhay ni Amanda, ngayon niya lang naramdaman ang lahat ng 'to, 'yong kilig, 'yong excitement sa isang tao, 'yong lahat, 'yong tipong lahat ng nararamdaman ng in love ay ngayon niya lang naranasan pero bakit kung kailan pa siya nahulog at nalaman ang salitang pag-ibig ay parang ngayon pa siya nabigo? Dahil ang lalaking napupusuan niya ay ikakasal na sa iba ngayon.
Anong dapat niyang gawin? Kumalimot? Tama, 'yon nga ang dapat.
"I have a lot things to do, hindi ako makakalabs," maikling sagot muli ni Arthur.
Gustong umusok ng ilong ni Scarlett sa mga naging sagot nito sa kanya simula pa kanina pero pinilit niyang maging kalmado kahit na naiinis na ang pakiramdam niya. Tinanggihan siya? Wala pang nakakatanggi sa kanya, only Arthur! Hindi niya tuloy matanggap na ang isang tulad niya ay hindi pagbibigyan ng isang Arthur Dela Vega.
"Arthur, ano ba'ng gagawin mo? Bakit hindi mo na lang pagbigyan si Scarlett? Tatanggihan mo talaga ang fiancee mo?" singit ni Donya Annalisa. Scarlett pouted while looking at Arthur na hindi man lang siya matignan-tignan pabalik.
Hindi pa rin sumagot si Arthur, nanatili siyang tahimik, ayaw pakinggan ang sinabi ng ina.
"Don't worry, Scarlett, ako ang bahala sa anak ko," pagsisigurado ng Donya sa babae. Naging maaliwalas naman ang mukha nito. Si Arthur naman ay nagpupuyos na sa galit, kino-kontrol na naman siya ng ina.
Sa halip na harapin sila ay nilibot nito ang paningin sa ibang direksyon, at sakto naman na nagawi 'yon sa kinaroronan ni Amanda. Their eyes met. Parang naging kalmado bigla ang puso ni Arthur. Patago niyang nginitian si Amanda pero hindi man lang ito gumanti ng ngiti sa kanya sa halip ay umiwas ito ng tingin saka nagmadaling umalis. Nagtaka siya sa inasal nito, para bang bumigat ang pakiramdam niya sa mga tinging 'yon ni Amanda na hindi niya mawari kung ano.
Kumunot ang noo niya at nabagabag.
"Lalabas muna 'ko." Sabay tayo ni Arthur nang hindi man lang nililingon ang mga kasama niya.
"Arthur! Where you going?" may bahid ng inis sa boses 'yon ng Donya habang tinitignan nitong naglalakad paalis ang anak.