Chapter 3

1636 Words
"Babe, saan ka pupunta?!" sigaw ni Scarlett saka ito humarap sa Donya nang may inis sa kanyang mukha. Hindi naman pinansin ni Arthur ang ina at si Scarlett, nagpatuloy ito sa paglalakad kahit tinatawag siya nang paulit-ulit ng mga 'to. He felt bothered. Hindi nito maulahan kung ok lang ba 'yong gano'ng tingin ni Amanda sa kanya dahil kahapon lang ay hindi 'yon gano'n, ibang-iba 'yong nakita niya kahapon sa ngayon. 'Yong ngayon ay para 'yong malungkot na may halong sakit, hindi tulad kahapon na may makikita kang pagkislap at saya. Dumagdag pa sa isipin niya ang parang nangingilid na luha kanina ni Amanda nang magtama ang mga mata nila. He's clueless. Nang makalabas sa pintong 'yon si Arthur, agad niyang hinanap si Amanda. Agad niya 'yong sinundan nang makita na mabagal itong naglalakad malapit sa fountain. "Amanda," tawag niya na siya namang ikinalingon ng dalaga sa kanya. At sa halip naman na tumigil sa paglalakad si Amanda ay mas binilisan niya pa ang lakad niya patungo sa gate. Gusto na nitong umuwi. Gusto rin sana niyang magpaalam muna sa ama pero hindi niya 'to makita sa mansyon, marahil ay nasa ibang lugar sila sa loob ng mansyon. "Amanda, sandali," muling tawag ni Arthur saka siya nito hinabol. Hindi naman sapat ang bilis ni Amanda para makalabas agad kaya naabutan pa rin siya ni Arthur. Hinablot siya nito sa isang kamay niya kaya napaharap siya rito. "I'm calling you pero hindi ka man lang tumigil. Are you in a hurry kung kaya't hindi ka man lang tumigil kahit na sandali?" tanong ni Arthur habang nakatitig sa mga mata ni Amanda na siyang ikinaiwas nito ng tingin. Binawi ni Amanda ang kanyang kamay na hawak-hawak ni Arthur. Dumistansya pa siya nang kaunti at tumingin muna sa paligid kung may nakakakita ba sa kanila o wala, nang makumpirmang wala ay saka siya sumagot. "S-sorry po, sir. H-hindi kita narinig, eh," pagdadahilan niya. "You stopped once and looked at me, so paanong hindi mo 'ko narinig?" Liar, Amanda! Tumaas ang kilay ni Arthur, hindi alam kung papaniwalaan ba ang dahilan ni Amanda o hindi. Gustong sampalin ni Amanda ang sarili sa ibinigay niyang paliwanag na wala namang kwenta. Ok, she lied. Good reason, Amanda! Mariin na lamang itong napapikit nang yumuko siya nang bahagya bago muli ito sumagot para mag-isip ng bagong maipapalusot. "A-ahmm... ano... nagmamadali... n-nagmamadali kasi ako... oo, 'yon... Nagmamadali ako! S-sige, ha? Aalis na po ako." Akma na itong aalis nang humarang si Arthur sa harapan niya. He looked at her with a curious face. "Huwag na huwag kang magsinungaling sa akin, Amanda," mariin nitong sinabi. "At bakit ka ba nagmamadali? Nagmamadali ka ba talaga o tinatakbuhan mo 'ko? Kasi 'yon ang nararamdaman ko, eh—" "Hindi!" irita nitong sinabi pero nang ma-realize ang naging reaksyon niya ay bumalik 'yon sa kalmadong tono. "I mean h-hindi. Hindi, Sir Arthur. Sadyang nagmamadali lang ako kaya hindi na 'ko tumigil. Pasensya na ho, pero kung ano man ang naiisip at nararamdaman niyo ay mali po kayo ng inaakala. H-hindi ko ho kayo tinatakbuhan —aalis na po ako," muling paalam nito pero hindi pa rin siya hinayaan ni Arthur na makalabas sa maliit na gate na 'yon, muli niyang iniharang ang katawan niya. Sa inakto ni Amanda sa kanya ay mas lalo siyang naguluhan. What's with that act? Alam niyang may mali kaya may kung ano sa puso at isip niya na hindi siya mapakali. Kung kahapon naman kasi ay nakakatingin ang dalaga sa kanya nang deretso pero ngayon ay may pag-iwas na ito. May mali talaga. "Hindi kita hahayaang umalis kapag hindi mo sinagot nang maayos ang tanong ko. So, tatanungin kitang muli, bakit parang iniiwasan mo 'ko?" "Hindi nga sabi!" napataas na ang boses ni Amanda, nagulat si Arthur doon. Now he knows, may mali talaga sa dalaga. "I-im sorry, pasensya na po, Sir Arthur. Pero inuulit ko po, hindi ko kayo iniiwasan. Wala naman din po akong dahilan para iwasan kayo, hindi ba?" "Talaga lang, ha?" sarkastikong natawa si Arthur, hindi kumbinsido sa sinabi ng dalaga. "Come on, Amanda. Ano ba ang nangyari? Kasi hindi 'ko matatanggap 'yang explanasyon mo, hindi ako kumbinsido. Pakiramdam ko ay walang katotohanan sa mga sinabi mo. Kaya sabihin mo sa akin, anong problema?" muling tanong nito, nagsusumamo ang boses niya, gustong malaman kung ano ang tunay na dahilan. Napabuga na lamang ng hangin si Amanda. Parang wala siyang kawala kay Arthur. Pero hindi pwedeng malaman ni Arthur ang dahilan, bukod sa mapapahiya siya ay wala siya sa lugar para sabihin 'yon. Dahil sino ba naman siya? She's just a maid in their house, nothing else. "Wala na po akong maibibigay na ibang rason sa inyo, Sir Arthur. Kung hindi po kayo kumbinsido ay hindi ko na kasalanan 'yon. Kaya paraanin niyo na po ako dahil nagmamadali talaga ako," muling paliwanag nito. Narinig naman nito ang munting mura ni Arthur. Ngayon niya lang narinig na nagmura ito kaya naman, sigurado si Amanda na naiinis na si Arthur sa mga sagot niya. But she needs to lie. Kailangan niyang pagtakpan ang sarili! "Hindi ako nakikipaglokohan! Ano nga sabi, eh?!" pagalit niyang sinabi. Kumukulo na nga ang dugo ni Arthur kay Scarlett kanina pa, nakisabay pa sa isipin niya si Amanda kaya doble-doble ang inis niya. He's not contented on Amanda's answers. "Wala nga sabi! Kailangan ko na talagang umalis, excuse me, sir!" Hindi naging handa si Arthur nang dumaan si Amanda kaya naman ay nagtagumpay ito na makalabas upang makaalis na. Hindi niya talaga maintindihan si Amanda. Hindi na nga siya nakatulog kagabi sa kakaisip dito, dumagdag pa 'tong ngayon. Naiwan si Arthur sa kinatatayuan niya nang tulala at hindi makapaniwala. At umuwi naman nga si Amanda sa kanilang bahay nang may lungkot sa kanyang mukha at may kirot sa kanyang dibdib. "Hindi! Hindi! Hindi pwede! Hindi ko pwedeng maramdaman 'to! Hindi! Tama! Hindi 'to pag-ibig! Hindi! Naguguluhan lang ako. At hindi ako nasasaktan! 'Yong nakita ko? Wala lang 'yon, Amanda! Bakit ka naman magseselos? Wala kang nararamdaman, Amanda, ok?! At hindi pwede! Hindi at hindi!" pangungumbinsi ni Amanda sa sarili habang nakahiga sa maliit na kama niya. Nakatakip pa ang dalawang palad nito sa kanyang mukha habang paulit-ulit na sinasabi ang mga salitang 'yon. Pero kahit ilang beses na niyang sinabi 'yon sa kanyang sarili ay bumibigat lamang lalo ang nararamdaman niya, 'yong bang sa tuwing nagsisinungaling siya tungkol sa feelings niya para kay Arthur ay lalong dumadagan ang mabigat na kung ano sa puso niya. Kaya naman mas lalo niyang napatunayan ngayon na ang nararamdaman nito para sa lalaki ay totoo kahit ilan pang pagsisinungaling ang gawin niya dahil una sa lahat nakaramdam siya ng selos, nararamdaman niya ang sakit, gusto niyang maluha sa isiping 'yon... Mahal na nga niya si Arthur kahit kinukumbinsi niya ang sarili na hindi. Ngunit hindi pwede! Hindi talaga! Bakit naman kasi ngayon pa? Ngayon pa talaga sumabay ang feelings niya?! Ano bang gagawin ko? Ilang beses na niyang natanong sa sarili 'yon. Hapon na at hindi pa rin siya bumabalik sa mansyon, nakahiga pa rin siya sa kama. Hindi niya alam kung babalik pa siya ro'n dahil baka magkita muli sila ni Arthur at kulitin muli siya nito panigurado. Kaya ayaw niya! Gusto niyang umiwas! Pero paano? Paano niya gagawin 'yon kung ano mang oras ay pwede silang magkita sa mansyon? Gusto nang sumabog ng utak niya. Paano ba niya iiwasan si Arthur nang hindi napapansin ng lalaki na iniiwasan niya 'to? Bahala na! 'Yon na lang ang nasabi niya sa sarili bago tumayo at dumiretso sa banyo para mag-ayos ng sarili. Hindi siya pwedeng manatili sa kanilang bahay dahil baka ay hinahanap na siya ng ama at sayang ang sasahurin niya. Nang matapos ito ay agad siyang bumalik sa mansyon. Panaka-naka pa ang tingin niya sa paligid, takot na baka makita siya ni Arthur. Nang wala naman siyang nakitang rebulto ni Arthur ay nakahinga siya nang maluwag. "Anak? Aba'y, saan ka galing?" lumingon si Amanda sa pinanggalingan ng boses, ang ama pala nito. "A-ahmm... umuwi lang po ako, tay. May g-ginawa lang po ako s-sandali, opo. Magpapaalam po sana ako sa inyo kanina pero hindi ko kayo nakita, eh," paliwanag niya. "Gano'n ba? O sige, alam mo na ang gagawin mo, ha? Maiwan na kita dahil marami pa 'kong gagawin. Magkita na lang tayo pag-uwi," paalam ng ama bago umalis. Tumango lang si Amanda. Nag-isip pa si Amanda kung saan siya pipirmi sa loob ng mansyon bago siya pumasok doon. Kinakabahan kasi siya dahil baka kung saan siya nagtatrabaho ay biglang bumungad sa harapan niya si Arthur. Kung maaari ay ayaw na nitong makita siya, iwas na rin sa nararamdaman niya na hindi pwede. "Ay, Amanda, mabuti naman at nandito ka na, hija. Aba'y saan ka ba galing at kanina pa kita hinahanap dahil may iuutos sana ako sa 'yo?" bungad ni Manang Salem sa kanya nang dumiretso siya sa kusina. Sa likod pa siya dumaan para lang sigurado na hindi niya makakasalubong si Arthur sa harap. "Ahmm, umuwi lang po ako sandali, manang. Pero ano po bang ipapagawa ninyo?" tanong niya. "Ay si Ma'am Annalisa kasi, gusto niya raw na nilisin mo 'yong isang kwarto sa taas," aniya. "Wala pong problema, saan ho ba ro'n?" tanong niya na siya namang ikinagulat niya dahil sa sagot ng matanda sa kanya pagkatapos. "Doon sa pangatlong kwarto, kwarto 'yon ni sir Arthur. Bilisan mo raw at umakyat ka na ro'n para raw matapos ka agad," halos manlaki ang mga mata ni Amanda. Iwas na iwas nga siya kay Arthur pero para namang tadhana ang naglalapit sa kanilang dalawa. Pero oo nga naman, paano nga ba niya 'yon maiiwasan? Hindi pwede dahil nasa iisang lugar lamang sila! "K-kwarto po? N-ni S-sir Arthur?" hindi makapaniwalang sabi niya. "Oo, aba'y nautal ka? May problema ba, hija?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD