"W-wala po, oo. W-wala," agad niyang sagot. Tumango-tango ang matanda.
"O sige na, maiwan na kita, marami rin akong gagawin. Pumunta ka na ro'n at magdala ng mga gamit panlinis," bilin pa ni Manang Salem bago iwan si Amanda na natulala nang ilang segundo.
Gusto man na umatras ni Amanda at sabihing ayaw niya ay hindi naman pwede. Kaya wala na siyang choice kung hindi gawin pa rin. Magiging pormal na lamang siya at pipilitin niya, tutal naman ay nasa loob siya ng mansyon kaya dapat walang personalan.
Huminga muna siya nang malalim bago kunin ang mga gamit na gagamitin niya at pagkatapos non ay dumiretso na siya sa taas kung nasaan ang kwarto ni Arthur.
Humugot siya isang malalim na Buntong hininga nang nasa tapat na siya ng kwarto na sinabi ni Manang Salem sa kanya kanina bago niya hawakan ang seradura ng pinto.
Nang makapasok na ito ay binitawan niya sa tiles ang mga dala niyang gamit. Nilibot nito ang paningin sa kabuoan ng kwarto, hinahanap ang rebulto ni Arthur pero wala. Nakahinga siya nang maluwag ngunit kumabog ang dibdib niya nang marinig nitong nagsarado ang pinto. Napaharap siya roon at napalunok. Mali siya ng akala, she thought Arthur is not there! But he's there! Standing in front of her habang nakatingin ito sa kanya ng may galit sa mga mata.
"Mali ako na pinakawalan kita kanina, na hindi man lang nasagot ang mga tanong ko nang maayos. But now... we will talk about it," sabay lock pa ni Arthur sa pinto. Biglang kinabahan si Amanda sa ginawa niya.
"A-ano ba'ng ginagawa mo?" hindi nito maituwid nang deretso ang sinabi. Mas nangingibabaw ang kaba sa kanyang dibdib.
Unti-unti namang lumapit si Arthur sa kanya na siya namang ikanaurong niya, ngunit ang mga dala nito kanina ay nasa likod niya pala kaya naman nawalan siya ng balanse at kamuntikan nang matumba. Mabuti na lang at maagap si Arthur, nahawakan niya agad si Amanda sa bewang niya. Para namang nag-slow motion ang mga nasa paligid nang gano'n ang ayos nila, magkalapit ang mga mukha, nagkatinginan ang kanilang mga mata at parehong hinahabol ang hininga.
"Hmm," tumikhim si Amanda at mabilis na lumayo kay Arthur saka inayos ang sarili.
"M-maglilinis ho ako, kung ano man po ang sasabihin niyo ay sa susunod na lamang po 'yan. Marami pa po akong gagawin," si Amanda na hindi man lang makatingin kay Arthur, bahagya itong nakayuko.
Arthur just smirked at her.
"Hindi mo na kailangan linisin ang kwarto ko dahil wala ka namang lilinisin dito, nalinis na 'to kanina pa," sabi ni Arthur na siyang ikinaangat ng ulo ni Amanda at ikinakunot niya ng noo.
"Huh? A-ang sabi ni manang —sandali... huwag mong sabihin sa akin na pakana mo lang 'to para... para makausap ako?" takang tanong niya nang ma-realize ang ginawa ni Arthur.
"What if... yes? Na inutusan ko lang talaga si Manang Salem? Na nagpatulong ako sa kanya na gumawa ng dahilan para lang pumunta ka rito? May magagawa ka ba?" Ngumisi pa lalo si Arthur, ngisi ng tagumpay.
"Hindi pa ba kayo tapos diyan? Sinabi ko na kanina ang rason, inulit-ulit ko pa pero ayaw niyong maniwala. Ano ba'ng hindi niyo matanggap do'n?" iritadong sabi ni Amanda. Ito na nga ba ang sinasabi niya, eh!
"Ang hindi ko matanggap ay 'yong iniiwasan mo 'k—"
"Sinabi nang hindi nga kita iniiwasan! Bakit ba ang kulit mo?" Inis na inis na rin si Amanda sa pagiging makulit ni Arthur.
"Iba ang sinasabi ng bibig mo sa nagiging aksyon mo. Sinasabi mo na hindi mo 'ko iniiwasan then why I feel that you are avoiding me?" inis na tanong ni Arthur. Napaigtad naman si Amanda sa lakas ng boses niya, nakaramdam siya ng takot bigla.
"E-ewan ko sa 'yo! Aalis na 'ko, tabi!" saka niya tinulak nang bahagya si Arthur at nilagpasan ngunit hinigit siya nito sa mga braso niya at isinandal sa likod ng pintuan.
"I'm still talking to you. Sige, ngayon mo sabihin sa akin na hindi mo nga ako iniiwasan. I'm just asking you pero hindi mo man lang masagot ang simpleng tanong ko."
"Ano ba'ng dapat kong isagot kung gano'n? Nagmamadali nga lang ako kanina. Ano ba'ng gusto mong explanasyon?" giit pa nito habang sinusubukan na kumawala sa hawak ni Arthur sa mga kamay niya. Gusto na niyang lumabas, hindi na siya makahinga sa sobrang lapit nila sa isa't isa.
"'Yong totoo ang gusto kong marinig. At bakit parang naiiyak ka kanina? Ang lungkot ng mga mata mo. Don't you dare lie to me, I know that there's something wrong nang makita kita na tumakbo na lang nang basta habang hinahabol kita kanina—"
"Tumakbo ako dahil nakita kitang may kasamang iba, ok na?!" Biglang naitikom ni Amanda ang bibig nang mapagtanto ang sinabi. Minumura na nito ang isip at nagdadasal na sana hindi narinig ni Arthur ang sinabi niya.
Damn, Amanda!
"What did you just say?" mahinang sabi ni Arthur. Pilit na hinuhuli ang tingin ni Amanda. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
"W-wala. Guni-guni mo lang 'yon." pagsisinungaling muli nito. Sarkastikong natawa si Arthur sa sagot niya.
"Are you kidding me? Hindi ako bingi, Amanda! Pero anong sabi mo? It's that a big deal for you? Tumakbo ka dahil nakita mong kasama ko si Scarlett?" ngumisi si Arthur. "So, ano ngayon kung nakita mo 'kong kasama ko siya kanina? Why? Answer me, damn it!"
Hindi alam ni Arthur kung kailangan niya bang magsaya sa sinabi ni Amanda. Pero hindi niya maiwasang mapangiti sa kaloob-looban niya.
"Bitiwan mo na nga ako! Lalabas na 'ko, sir Arthur!" mariing wika nito saka matalim na tinignan si Arthur.
"Hindi ka lalabas dito nang hindi sinasagot ang mga tanong ko sa 'yo. So, kung gusto mo nang lumabas ay sagutin mo muna 'ko! Kaya inuulit ko, it's that a big deal to you?" muling tanong niya, nangigigil na ang boses nito.
"At bakit naman magiging big deal 'yon sa akin? Ano ba kita? Boyfriend ba kita? At girlfriend mo ba 'ko para umakto nang ganito—"
"Then why are you acting like my girlfriend? Bakit aalis ka na lang nang bigla kung wala ka ngang nararamdaman? Bakit mo 'ko tatakbuhan kung gano'n? So tell me, may nararamdaman ka ba sa akin? Are you jealous with that girl? Nagseselos ka ba kung kaya't iniiwasan mo 'ko kanina pa? Kung kaya't tinataboy mo 'ko—"
"Hindi! Wala akong sinabi! Ikaw lang ang nagsabi niyan! Naga-assume ka lang! Wala naman akong sinabi na nagseselos ako—"
"Pero 'yon ang nararamdaman ko! Bakit hindi mo na lang sabihin? Aminin mo na lang, Amanda!"
"Wala akong aaminin dahil wala naman akong feelings para sa 'yo!"
Hindi pa rin natatapos ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Parehas na nagtatalo ang mga mata at parehong may gustong patunayan.
"Psh! Ok, i-deny mo pa nang paulit-ulit pero, hindi ako maniniwala. Sa nakikita ko sa mga mata mo ngayon, satingin mo ba papaniwalan ko ang mga sinasabi mo kung pati mismong puso ko ay hindi kumbinsido sa mga paliwanag mo?"
"Hindi naman kita pinipilit na maniwala sa akin. Ang sinabi ko lang, tumakbo ako dahil may kasama kang iba, wala namang meaning 'yon, ikaw lang nagpupumilit. Idagdag mo pa ang gusto mong paniwalaan na may nararamdaman ako para sa 'yo kahit wala naman! Kaya tigilan at bitiwan mo na ako dahil lalabas na 'ko!"
Hinablot ni Amanda ang mga kamay mula kay Arthur. At binitawan naman nga siya nito pero hinapit naman siya nito sa bewang niya kaya nagkalapit ang mga katawan nila. Mas lalong kumabog ang dibdib niya, 'yon na lang ang naririnig ng tenga niya. Parang naramdaman din nito ang pamumula ng mga pisngi niya. Para siyang kakapusin sa hininga. Para siyang nakukuryente sa mga hawak nito sa kanya, naghahatid 'yon ng kilabot sa buong katawan niya.
"I told you, don't lie to me!" saka niya inilapit at tinagilid ang mukha nito para salubungin ang labi ni Amanda. Nakapikit siya nang ginawa 'yon. Si Amanda naman ay nanatiling nanlaki ang mga mata. Para siyang naestatwa sa nangyari. Ngunit nang mas pinalalim pa ni Arthur ang ginagawa ay tuluyan nang nanghina si Amanda. Kaya naman mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa bewang nito.
Kung kanina naman ay nasa baba lamang ni Arthur ang mga kamay ni Amanda, ngayon ay nasa balikat na niya ang mga 'to habang tumutugon si Amanda sa mga halik niya, sa madaling salita nakakapit na si Amanda sa kanya. Pero gusto niyang matawa dahil mukhang hindi pa marunong humalik si Amanda, sumasabay lang ito sa kanya. Ngunit hindi 'yon mahalaga sa kanya, ang mahalaga rito ay siya ang unang nakatikim sa mga labi ni Amanda na kahit hindi ito marunong humalik ay para naman siyang maaadik sa sarap. He knows that Amanda is still innocent. She's too naive for this thing. Sadyang hindi lang din siguro niya napigilan kung kaya't gumanti ang babae sa mga halik na ginawa niya.
Nang humiwalay sila sa halikang 'yon, pareho silang hinihingal, parehong kinakapos sa hininga. Pinagapang ni Arthur ang isang palad niya sa pisngi ni Amanda saka niya ito malalam na tinignan sa mga mata. Nakatitig lamang din sa kanya si Amanda na hindi pa maka-get over sa nangyari sa kanila.
"Hindi mo na kailangan pang sagutin ang mga tanong ko. Your kiss already answered my question."
Malakas na itinulak ni Amanda si Arthur nang mahimasmasan siya sa nangyaring halikan sa kanilang dalawa. Isang mapaglarong ngiti naman ang pinakawalan ng lalaki habang nakatingin sa kanya.
"Ngayon mo sabihin sa akin na wala ka nga talagang nararamdaman para sa akin? You responded to my kiss, Amanda—"