Chapter 5

1667 Words
"N-nadala lang ako! W-wala lang 'yon!" depensa niya. Arthur smirked again. "Wala lang 'yon? Oh, come on, Amanda. Don't play games with me. Halos kumapit ka nga sa balikat ko nang halikan kita. Muntik ka pang mabuwal dahil ramdam kong nanghihina ka—" "Tama na!" pagpipigil nito sa pagsasalita niya sabay takip ng mga palad niya sa kanyang mga tenga. Nahihiya siya sa ginawa. Gusto na lang niyang magpalamon sa lupa dahil may katotohanan lahat ng mga sinabi ni Arthur sa kanya. Paano niya 'yon malulusutan, eh, hindi siya pinapaniwalaan ng lalaki? 'Di bale na. "Just tell me the truth, Amanda. I'm waiting for you to tell what is your true feelings for me," sumeryoso na ang boses ni Arthur. He's desperate to know the truth. "Bakit ko naman sasabihin sa 'yo? At bakit kailangan ko pang sabihin? At hindi ba, may fiancee ka na? Bakit mo 'ko hinalikan? You're a cheater!" pagaakusa nito sa kanya. Arthur sighed deeply. Mauubos na yata ang pasensya niya dahil iniiba na naman ni Amanda ang usapan, pinapahaba niya na naman ang kanilang usapan. "Cheater, huh? Nag-enjoy ka nga sa halik ko then you will call me a cheater? Amanda, just tell me para matapos na 'to. Gusto ko lang naman malaman kung may nararamdaman ka ba sa akin o wala. Just answer my simple question." "Bakit, Arthur? Para saan pa? Hindi naman na importante 'yon, 'di ba?" "Kung sa 'yo, hindi, but for me it is. It's important to me. So please, answer my goddamn question, Amanda!" mariin niyang sinabi. "May magbabago ba kung sabihin ko sa 'yo—" "Meron!" agad niyang sagot. He's waiting for Amanda's answer, he can't wait. "Malaki ang magbabago!" "Hindi ko alam, Arthur. Baka kapag sinabi ko sayo ay pagtawanan mo lang ako." Mapaklang natawa si Amanda. Bukod sa nakakahiya na nga ang mga nagawa niya kanina ay baka mas lalo pa siyang mapahiya kapag nakita nito ang ayaw niyang makita na reaksyon mula kay Arthur, baka mabigo siya, masakit! "Baka hindi lang ako matuwa, baka mapangiti mo rin ako, Amanda," aniya. Napailing na lamang si Amanda, sa isip niya ay malabong mangyari na mapangiti si Arthur kapag sinabi niya ang totoo. Kinakabahan ibuka ni Amanda ang bibig. Ayaw niyang sabihin at umamin pero may naguudyok sa kanya na gawin 'yon, ang puso niya na hindi na nararamdaman ang sakit ng selos dahil natupok na 'yon sa mga halik ni Arthur kani-kanina lamang. "G-gusto k-kita... mali... m-mahal na yata kita, A-Arthur," mabagal at mahinang sabi niya. Kung hindi tahimik ang paligid ay hindi mo 'yon maririnig dahil sobrang hina lang ng boses niya nang ibunyag 'yon. Hindi naman nagulat si Arthur sa nalaman. Pero nakahinga na siya nang maluwag at napangiti nang malapad. He knew it! Amanda's had a feelings on him! Inisang hakbang ni Arthur ang pagitan nila at muling kinabig si Amanda sa kanya. Nilapit nito ang noo kay Amanda. Hindi naman agad nakapag-react si Amanda dahil lagi na lang itong nagugulat sa mga kilos ni Arthur. "I knew it! Damn! I knew it! You're in love with me!" Ang akala ni Amanda ay isang malaking hagalpak na tawa ang maririnig niya pero nagkamali siya dahil isang malumanay at masaya na boses ang narinig niya mula kay Arthur. Nakangiti ito sa kanya at hindi siya pinagtatawanan. Nagtaka siya sa reaksyon nito, ano ang ibig sabihin ng lalaki ro'n, kung gano'n? "A-Arthur, lumayo ka nga sa akin at baka may makakita sa atin!" pinilit niya itong itulak pero malakas ang lalaki. Nag-aalala ito dahil baka may kumatok o kaya naman may biglang pumasok sa kwarto at madatnan sila sa gano'ng sitwasyon, malalagot sila! "I don't care! Damn! You love me, right? Hindi ako bingi? You say you love me?" desperado ang boses nito nang magtanong, gustong masiguro kung hindi nga siya nagkakamali sa narinig. "O-oo nga! K-kaya pakawalan mo na 'ko dahil nasagot ko na ang tanong mo! Pero kalimutan mo na 'yon dahil wala 'yong kwenta kaya—" "I love you too," marahang sambit ni Arthur. Unti-unting napaawang ang bibig ni Amanda sa sinabi niya. Gusto niyang magsalita at magtanong pero hindi pa siya maka-get over sa ibinunyag nito. Shocked written on her face. Literal na nagulat dahil hindi niya inaasahan ang ibinunyag ni Arthur sa kanya. But is it true? Nagtatanong na naman ang utak niya. O baka naman nagkamali lang siya ng dinig, maybe she's just hallucinating dahil kulang siya sa tulog kagabi. "A-anong sinabi mo? P-pwede mo bang u-ulitin?" tanong niya, gustong malinawan. "I said... I love you. Mahal din kita, Amanda. Hindi lang ikaw ang may nararamdaman para sa akin, ako rin para sa 'yo," marahang ulit ni Arthur habang hindi pa rin nawawala ang tingin nito kay Amanda. "T-teka! H-hindi! Hindi totoo 'to! Nananaginip lang ako!" pangungumbinsi ni Amanda sa sarili. Kung totoo ang sinabi ni Arthur, papaniwalan niya ba? May fiancee ang lalaki, baka pinaglalaruan lamang siya nito! Umiling-iling siya sa isiping 'yon habang nakatingin kay Arthur. "K-kung totoo man 'yang sinasabi mo, mali! Mali 'to, S-sir Arthur! Mali! Hindi pwede! M-may fiancee ho kayo. Ikakasal kayo. H-hindi! K-kaya—" "But I don't love her. I do not love Scarlett! Siya lang ang pilit nang pilit sa akin. Ang pamilya ko lang ay may gusto sa kanya, hindi ako." "Hindi mo kailangang sabihin sa akin 'yan. Alam mong hindi pa rin pwede." Ilang segundong hindi nakaimik si Arthur, nag-iisip sa sinabi ni Amanda. Masaya man si Amanda sa narinig at nalaman, napalitan pa rin 'yon ng lungkot pagkatapos. Dahil kahit mahal niya si Arthur at nalaman niyang mahal din siya nito ay wala pa rin 'yong kwenta. May fiancee si Arthur. Ikakasal sila at malapit na 'yong mangyari. Kaya kahit gustuhin man niyang ipagpatuloy ang pagmamahal kay Arthur ay hindi pwede, kailangan niyang pigilan ang nararamdaman at kalimutan ang pagtingin sa lalaki. Hindi na hinintay pa ni Amanda si Arthur na muling magsalita, malakas muli niyang itinulak ito upang makalabas na nang tuluyan doon. Pipihitin na sana niya ang seradura ng pinto nang magsalita ang lalaki na siyang ikinatigil niya. "Pwede, Amanda... kung gugustuhin natin. Kaya kong iwanan ang lahat, ang pamilya ko, lahat-lahat, pati ang kasal, kaya kong hindi siputin 'yon, kayang-kaya ko para sa 'yo." Dahan-dahan niyang nilingon si Arthur at hindi makapaniwalang tinignan ito. He can't do that! Sa isip ni Amanda. Kapag ginawa 'yon ni Arthur ay siguradong may hindi magandang mangyayari. Magagalit ang pamilya niya sa kanya o kaya naman ay itakwil siya. Hindi, hindi maaari! "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Alam mo? Hindi 'to pagmamahal! Kalokohan lang ang lahat ng 'to, Sir Arthur. Oo, kalokohan lang dahil kahapon pa lang tayo nagkakilala, hindi ba kalokohan ang matatawag do'n? Ano 'yon? Na sa gano'ng kaiksing panahon ay nahulog na tayong pareho? Imposible!" Pagak pa na natawa si Amanda habang nagsasalita. "Hindi kalokohan ang nararamdaman ko at ang nararamdaman mo! Kung kalokohan 'yon bakit ka nasasaktan? Bakit ka nagseselos? Hindi 'yon kalokohan para sa akin, Amanda! Ang mahalin ka ay hindi kalokohan! You're beautiful and everything! Nakilala ko ang pagkatao mo nang gano'n kabilis, kahit kahapon pa lang 'yon. Dahil nang nakasama kita sa buong araw na 'yon ay alam kong nakilala na kita nang lubusan. At hindi ko maitatangi na kahit ilang oras pa lang kitang nakilala ay ginulo mo na ang buong sistema ko. Ginulo mo na ang utak ko! Pinakabog mo nang malakas 'tong puso ko! Amanda... sa isang tingin ko lang sa 'yo, alam kong pinatibok mo na ang puso ko, alam kong tinibok ka na niya. At alam kong mahal na kita dahil ngayon ko lang 'to naramdaman, 'yong parang kinikilig, 'yong tipong pinamumulahan ako kapag nakikita kita. Iniisip pa lamang nga kita ay napapangiti na 'ko. Kaya walang kalokohan sa mga nararamdaman natin." Hindi nakapagsalita si Amanda sa isiniwalat nito. Hindi niya alam kung ano'ng sasabihin o kung kailangan niya bang paunlakan ang pag-ibig na sinasabi ni Arthur sa kanya. "Amanda, I see forever when I first saw you." malumanay niyang sinabi. Alam ni Amanda na nagsasabi nga ng totoo si Arthur, ramdam niya 'yon. Kahit pa ang puso niya ay sinasabing mahal nga talaga siya ni Arthur, nararamdaman ng puso niya na totoo ang mga pinagtapat nito. "A-Arthur," halos walang lumabas na boses sa kanya, "Sobrang dilim ng mundo ko rati. Wala akong makitang liwanag. Parang hindi ko alam kung may makakapitan ba 'ko. Buong buhay ko ay wala man lang akong mapagsabihan ng mga problema ko, pero nang dumating ka, nakinig ka, pinakinggan mo 'ko, pinakinggan mo 'yong mga hinaing ko sa buhay. Chineer mo ako. Nakahanap ako ng makakausap. Nakahanap ako ng kaibigan kahit pa ok na ako na sarili ko lang ang meron ako. Nang makita kita, nang tumingin ako sa mga mata mo, alam kong sa sarili ko na nakandado na ako sa 'yo. Kahit pa wala kang ginagawa, kusang nahulog 'yong loob ko sa 'yo. At alam kong mahal din kita. At masaya ako na mahal mo rin ako." Mapait niya 'tong nginitian. "Oo, n-napatunayan kong mahal na rin talaga kita. Na pareho tayo ng nararamdaman. Na noong makita rin kita ay alam kong nahulog na 'ko kahit hindi pa ako sigurado. Kaya lang hindi ako makatulog, iniisip kita. Naiisip kita kahit iniiwasan kita. At n-nang makita ko kung gaano kayo kadikit n-no'ng fiancee mo, nakumpirma ko na ang nararamdaman ko sa 'yo ay totoo. H-hindi ko alam kung paano nangyari pero kailangan kong pigilan dahil mali 'to—" "Ano'ng mali kung mahal natin ang isa't isa?" si Arthur. "Kung pagbibigyan natin ang mga sarili natin para sumaya, iisipin mo pa ba ang iba kaysa sa nararamdaman ng puso mo? Amanda, wala na 'kong naging pakielam pa sa mga nasa paligid ko nang bigla ka na lang sumulpot sa buhay ko. Ikaw na lang ang nakikita ko, ikaw na lang gusto ko. Hindi ko na inisip pa ang mga bagay na kinatatakutan ko noon dahil hindi na 'yon mahalaga sa akin, ikaw ang importante ngayon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD