Kinakabahan si Amanda sa kung ano ang mga pwedeng mangyari. Kung alam niya lang ay hindi na siya nagtapat pa dahil baka may gawin na desisyon si Arthur na siyang ikakasira niya sa pamilya niya. Kahapon pa lang naman sila nagkakilala, eh. Hindi pa naman lumalalim ang pagtingin nila sa isa't isa. Siguro ay kung iiwas si Amanda, siguradong mawawala ang nararamdaman na meron sila para sa isa't isa. Oo, 'yon ang gagawin ni Amanda. 'Yon ang naiisip niyang paraan para makaiwas sa gulo, ang iwasan si Arthur. Kailangan niyang maging pormal muli sila sa isa't isa. 'Yong bang turingan ay hindi na kaibigan kung hindi amo na ang trato niya rito at tauhan ang trato niya sa kanya. Parang balik sa normal, strangers kumbaga. 'Yong tipong hindi nila kunware kilala ang isa't isa. Just a stranger doesn't kno

