Bigla siyang napaisip, ganito rin ba ang naramdaman ni Arthur nang palayuin ko siya? Masakit pala, masakit pala ang mataboy lalo na kung mahal mo 'yong tao. Pero nasaktan nga ba talaga si Arthur? O siya lang ang nasasaktan? Mukhang siya lang dahil sa nakita naman ng mga mata niya kanina kung gaano kadikit nina Arthur at Scarlett kaninang umaga. But what she doing here by the way? Chasing him, too? "A-Arthur, k-kahit sandali lang sana. M-may gusto lang sana akong sabihin," nanginginig ang boses nito. "I don't care. At sa pagkaka-alala ko, hindi ba't lumalayo ka sa akin? So, ano'ng ginagawa mo ngayon dito? Ano'ng kailangan mo?" Nangingilid ang mga luha ni Amanda, ayaw niya ang treatment na ibinibigay ni Arthur sa kanya, parang nadudurog ang puso niya. Nang lumuwas ito, wala sa isip niya a

