"Hijo, hindi sa nanghihimasok ako sa buhay mo pero sino ba 'yong babaeng kasama mo kanina? At... ikinulong mo ba siya roon sa taas? Nako, ay k-kakawawa naman siya, umiiyak," mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Arthur sa tanong 'yon ng mayordoma. Kita sa matanda ang kuryosidad at pag-aalala. "Asawa ko ho, manang," napatakip ng bibig ang mayordoma sa sagot 'yong ni Arthur. Ito pala ang sinasabing asawa ni Arthur noon sa kanya. Lagi kasi siyang ikinukwento ni Arthur sa matanda nang umalis siya limang taon na ang nakakaraan. Ito lang ang bukambibig nito rati kahit pa nasaktan siya sa ginawang pag-alis ni Amanda. Rito rin sa Baguio namalagi si Arthur nang umalis siya sa puder ng kanyang pamilya. "Ay juskong bata ka, oo! Asawa mo pala 'yon, eh, bakit mo ikinulong?" pagalit na sabi ng

