"Ahh! Ginago niyo akong lahat! G-ginago niyo ako!" nanghihinang sabi niya. Mugto na ang kanyang mga mata dahil sa doble-dobleng sakit na ibinigay sa kanya. Ilang minuto siyang natulala at natahimik. Hanggang sa tumayo na ito at kinuha ang bag sa kanyang cabinet, inilabas nito ang mga natitirang pera niya at ang kanyang mga gamit. Aalis siya. Hindi na niya maaatim pa na tumira sa impyernong bahay na 'to at tiisin ang ginawa ng kanyang ina. Mababaliw siya! Bahala na kung saan siya mapapadpad, ang mahalaga ay makawala siya rito. Inayos nito lahat ng mga gamit niya. Nang lumabas siya sa kanyang kwarto ay iniwan nito 'yong parang binagyuan, gulong-gulo 'yon. Nang maglakad sa hagdan ay nasa sala pa rin ang ina na may hawak na magazine. At nang marinig nito ang mga yabag ni Arthur ay nabaling an

