"Wala siyang kinalaman dito, ma! Kung galit man ako ngayon, 'yon ay dahil kasalanan niyo 'yon! Hindi niyo po dapat sinasabi ang mga 'yan sa asawa ko lalo na sa harapan ko pa mismo!" "Bakit? Totoo naman ang mga sinabi ko—" "Bawiin niyo 'yong sinabi niyo, ma!" mariing saad ni Arthur. "Bakit ko babawiin? Hindi ko babawiin ang mga 'yon dahil sa mahirap na nga ang babaeng 'yon malandi pa siya! Alam nang malapit ka nang ikasal tapos sasabit pa siya? Sige, ngayon mo sabihin sa akin na hindi nga siya malandi?" "Mahal lamang namin ang isa't isa, ma!" depensa niya. "Talaga lang, ha? Mahal? Sigurado ka bang mahal ka ng asawa mo?" bahagyang yumugyog ang balikat nito nang tumawa. Matalim siyang tinignan ni Arthur. "Mahal ka ba talaga niya o ang pera mo lang ang mahal niya?" "Hindi kami magpapa

