"A-ano po'ng ibig niyong sabihin?" naguguluhang tanong niya. Kinabahan ito sa sinabi ng Donya Annalisa kahit hindi pa niya alam kung ano ang ibig pakasabihin nito sa kanyang sinabi. "Kapag hindi mo nilayuan ang anak ko, itatakwil namin siya. Palalayasin namin siya sa pamamahay ko at mas lalong wala siyang makukuha sa amin ni singko. O, ano? Gusto mo bang mangyari sa kanya 'yon? Ang maghirap siya dahil lang sa pinili mong manatili sa tabi niya? Sige, mag-isip ka. Bibigyan kita ng ilang minuto para pag-isipan ang sinabi ko." Halos manlumo si Amanda sa narinig. Hindi nito kayang makita si Arthur nang nahihirapan ng dahil sa kanya. Hindi na alam ni Amanda! Naguguluhan siya! Ano'ng gagawin ko ngayon? Ano ba'ng tamang desisyon ko? Ang manatili sa kanya pero nahihirapan siya o ang layuan siya

