PILIT pinakalma ni Madison ang sarili habang katabi si Dylan. Halos magha-hatinggabi na at naroon siya, tumatawa at nakikipaghuntahan sa isang lalaking ngayon lamang niya nakilala.
Mula sa bar ay niyaya siya ni Dylan sa club sa huling palapag ng gusali kung saan kasalukuyang nagkakasiyahan ang mga kasamahan nito sa banda. Si Marky sa bass, si Armand sa keyboard, si Leo sa drums at si Chester sa lead guitar. Ipinakilala siya ni Dylan sa mga ka-grupo bago siya nito paupuin sa pinakadulong upuan. Madilim ang lugar kaya hindi masyadong maaninag ni Madison ang paligid pero ramdam niya si Dylan na nakaupo sa kanyang tabi at sapat na iyon para sa kanya.
“Sigurado kang okay lang sa 'yo na narito ka?”
Tumango siya. Sino ba naman ang makakatanggi sa imbitasyon ng isang Dylan Marquez? “Ikaw, sigurado ka bang okay lang nandito ako?" balik niyang tanong. Dahil mukhang ekslusibo ang kasiyahan na para lamang sa mga miyembro ng banda.
“No worries, we won’t stay long anyway. It’s just Chester’s birthday at ayoko lang masabihan na KJ. They’re going to have a pool party a little bit later so aalis na tayo by then.”
Napatingin siya sa tinutukoy nitong birthday celebrant na noon ay nakatingin sa kanilang direksiyon habang naggigitara. Bahagya siya nitong nginitian, na kanyang ikinagulat, lalo na nang bigla itong tumayo at lumapit sa kanila.
“Madison, right?” Naupo si Chester sa tabi niya bago nagpatuloy. “Matagal ka na naming gustong makilala pero masyadong masikreto ‘tong si Dylan. Wow, it’s nice to finally meet Dylan’s new girl.”
“Oh no, hindi ako-”
“She’s not it, Ches,” putol ni Dylan sa kanyang sasabihin.
“Oh.” Agad na nagliwanag ang mukha ni Chester. “That’s good news for me, I guess.”
Napailing si Dylan at agad na nagsisi sa nasabi. Dahil sa tinagal-tagal ng panahon ay kilalang-kilala na nito si Chester lalo na pagdating sa mga babae at sa tinagal ng panahon ay hindi pa rin ito nagbabago.
“So, Madison, we are going to have a pool party at the rooftop in a while. Come on, join us!”
Umiling si Dylan bago pa man siya makasagot. “Hindi siya p'wedeng magtagal. Diba, Madison?”
“Well…” Tinapunan niya ng tingin si Dylan, na kaagad umiling.
“Dumaan lang talaga kami, Ches. May curfew si Madison so we have to leave in a bit.”
“Wow, really?” Natawa si Chester, maging ang mga kabanda ang mga ito. “Dylan, sabihin mo na lang sa amin ang totoo. Maiintindihan naman namin kung sasabihin mo na may pupuntahan pa kayong dalawa, na may importante pa kayong gagawin. Don’t worry, what happens within Velvet, stays within Velvet, hindi ba, guys?”
Nakuha agad ni Dylan ang ibig sabihin ni Chester. He looked at Madison apologetically but she just smiled, letting him know that she’s not offended.
“Sigurado kang okay lang, Mads? Wala bang maghahanap sa iyo?” Dylan leaned forward and whispered.
Umiling siya. “Nag-message na ako kay Becca,” bulong niya. “Na-inform ko na siya na hindi ako makakauwi tonight.”
“How about your parents?”
“Alam nila na kay Becca ako tutuloy after the event. Sa kanya naman ako natutulog every time na may event na katulad kanina. Besides, I’ve got my own place naman. So, don’t worry about me. Para tapos na ang usapan, let’s stay. I’m sure you won’t hear the end of it if we won’t.”
Sa wakas ay ngumiti ito. “Are you sure? Hindi ko maipapangako na makakauwi ka kaagad, Madison. The party might last until tomorrow morning.”
“I’m a big girl, Dylan. I can manage.”
~~
OH yeah, Madison was able to manage alright. Alam niyang medyo lasing na siya bago pa man sila umakyat sa rooftop at alam niya na hindi na dapat siya uminom pa ng kahit ano pero wala siyang nagawa.
Mas maliit ang lugar kaysa inaasahan niya. The pool was just at the corner of the rooftop, which didn’t really occupy much of the space. Private. Intimate. Mayroong gazebo sa tabi ng pool at sa likod niyon ay ang balcony na kumokunekta sa penthouse.
Madison didn’t have anything to wear for the pool party but Dylan was nice enough to ask his assistant to buy something for her. It was a simple black two-piece, which was something she never imagined wearing.
Dahil wala na, kasubuan na. She acted as a flirty confident woman in front of Dylan the entire night, ngayon pa ba siya aatras? Bahala na, sabi niya sa sarili. Bahala na kung mapahiya siya, kung magmukha siyang tanga sa suot niya dahil sa mga oras na iyon isa lang ang mahalaga para kay Madison at iyon ay ang mapansin ni Dylan kahit ngayong gabi lang.
“Oh, wow.”
And that’s all it took for Madison to gain the confidence that she needed. Habang palapit siya nang palapit sa kinatatayuan ni Dylan ay palaki nang palaki ang ngiti nito. Hawak ang dalawang bote ng beer, agad nitong iniabot ang isa sa kanya.
“I guess I’ve made the right decision that we stay.”
“You think so?”
Tumango si Dylan habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. “On second thought, parang -”
“Well, well, well. What do we have here?”
Si Chester iyon, dala pa rin ang gitara. Bukod sa board shorts ay wala itong suot pang-itaas kaya kitang-kita ang abs nito na halatang pinaghirapan. Pinaliit nito ang mga mata para suriin siyang mabuti.
“Ngayon mo sabihing she’s not your girl, Dylan.”
Nagkatinginan sina Madison at Dylan at kapwa napangiti. “She’s not my girl, Ches.”
“Pero bakit?” taka nitong tanong. “I mean, she’s perfect!”
Madison blushed. She’s far from perfect, sigurado siya ro'n at ang marinig iyon mula kay Dylan? Heaven.
“We just met, Ches. Besides, she is not that kind.”
Sabay na napatingin sina Madison at Chester sa kanya. “Anong ibig mong sabihin na...I’m not that kind?”
“Oo nga, Dylan. Ano ang ibig mong sabihin sa she’s not that kind?” natatawang tanong ni Chester na kay Madison pa rin nakatingin. “Anyway, Madison. Totoo ba na you just met, the two of you?”
“Yup, that’s true. Kanina, sa event.”
“Ooh, nasa event ka!” Saglit itong natahimik at hinimas-himas ang balbas na patubo pa lang. “Oh wait, I think I remember. Ikaw ba ‘yung girl sa front row, ‘yung may dalang camera?”
“That’s me,” pag-amin niya.
“I see. medyo nage-gets ko na.” Lumapit ito kay Dylan at inakbayan. “Siya 'yon, bro, diba? The hot girl you’re talking about backstage, isn’t she?”
“Hot girl?” Kumunot ang noo ni Madison at hindi naituloy ang pag-inom ng beer. Napatingin siya kay Dylan na napakamot naman sa ulo.
“Well..sorry pero totoo naman. You are…hot. By ‘hot’, I mean…gorgeous. It’s supposed to be a compliment. I meant nothing no’ng sinabi ko ‘yon, Madison, believe me.”
“That’s right, Madison. Gano’n lang talaga kaming mga lalaki kapag nag-uusap about women. We’re just admiring you, that’s all,” sabi pa ni Chester.
“No problem. Hindi naman ako na-offend or anything.”
“Good. And you shouldn’t. I’m sure Dylan won’t do anything to make you feel that way, hindi ba, Dylan?”
Tumangu-tango lang si Dylan dahil alam nito na nakainom na si Chester kaya kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig nito. Tinapik niya ito sa balikat, hudyat para paalisin na ito.
“Alright, I’ll leave the two of you for a while. Dylan is already giving me that stare.”
Hindi alam ni Madison kung ano ang mararamdaman. Of course, she’s flattered. Masabihan ba naman siya na ‘hot girl’ ni Dylan na ni minsan ay hindi niya naranasan. Sa totoo lang, iyon ang unang pagkakataon na masabihan siya ng ganoon. Partida, isang simpleng summer dress lang ang suot niya kanina.
Teka, ang ibig sabihin ba noon ay sa event pa lang ay napansin na siya ni Dylan?
“I’m sorry about that. ‘Yan ang problema kay Chester kapag nakakainom. Nagiging madaldal.”
Mula sa lounge area ay magkatabing naglakad sina Madison at Dylan patungo sa swimming pool. Walang ibang tao maliban sa kanilang dalawa dahil abala ang iba sa pagja-jamming habang nag-iinuman. Napansin niya na bukod sa miyembro ng banda at mga date ng mga ito ay wala nang iba pang bisita si Chester. Totoo nga ang sinabi ni Dylan na wala siyang dapat ipag-alala at hindi niya kailangang mahiya dahil sila-sila lamang naman ang naroon.
Ramdam ni Madison ang malakas na hampas ng hangin kaya tinanggal niya ang sarong sa baywang at ibinalabal sa kanyang balikat.
“How about we take a dip?”
“Sure.” Ngumiti siya at bahagyang inilubog ang paa sa tubig at agad niyang naramdaman ang lamig niyon. Napatingin siya sa binata at nakita niya itong nakangiti at titig na titig sa kanya. Agad nitong tinanggal ang sapatos at hinubad and T-shirt at pantalon…
Okay, okay wait lang. Is this really happening? Is this seriously happening right now? Why is he taking off his shirt like that? Bakit may pa-toss sa air? Bakit slowmo? Sh*t Mads, huwag kang tumingin….Eh hindi ko napigilan. Girl, I’m so weak.
Teka lang, bakit niya hinuhubad ang jeans niya? May pa-thumb hook sa waistband pa siya? Hindi man lang siya tumitingin sa paligid, as if wala siyang pakialam kung may nakatingin o wala...Because he knows. He knows he looks like a damn Greek God who writes angsty lyrics at 2AM.
Sh*t. Low-slung black board shorts with a peek of black boxers waistband showing….Tapos may abs pa. AND THAT V-LINE. ‘Yung parang sinadya ng Diyos para lang i-point yung way to sin!
Stop staring, Maddie. STOP. This is how girls die of visual dehydration. You’re better than this. You have a degree. You pay taxes...pero sh*t. May tattoo sa hip bone. Okay. I’m done. I’m deceased.
Meanwhile in real time: 2 seconds lang ‘yung pangyayari, pero sa utak ni Maddie? 30 minutes, 2 nosebleeds, 1 panic attack, and a spiritual awakening.
“So…”
Napalunok na lamang siya nang tuluyang makalapit sa kinatatayuan niya si Dylan. Walang anu-ano’y kinabig siya nito at isinabay siyang tumalon sa tubig.
“Dylan, teka lang…hindi ako-aah!”
Kahit siguro sina Chester na nasa loob na ng cabin ay dinig ang tili niya nang pilit siyang hatakin ni Dylan at isama sa pag-dive sa swimming pool. Nag-panic si Madison at napakapit nang mahigpit sa balikat nito.
“Hey, okay ka lang?” natatawang tanong nito. “Takot ka ba sa tubig?”
“Oo! Takot ko sa tubig dahil hindi ako marunong lumangoy, Dylan.”
“Oh my…bakit hindi mo sinabi agad?” Nanlaki ang mga mata ni Dylan at maingat siyang inalalayan para dalhin sa mas mababaw na parte ng pool.
“Paano ko masasabi, eh hindi mo ako binigyan ng chance. Bigla mo na lang akong hinila at itinapon sa tubig!”
“Dahil hindi ko ini-expect na hindi ka marunong lumangoy. Bakit hindi ka marunong lumangoy?”
“You know what? Ilang beses ko na ring naitanong ‘yan sa sarili ko.”
Napalitan ng ngiti ang kunot ng noo ni Dylan. Naramdaman ni Madison ang dahan-dahang paghigpit ng pagyakap nito sa kanyang baywang para mas ilapit ang katawan nito sa kanya.
Mainit ang katawan ni Dylan nang madikit iyon sa kanya. His chest was hard and so were his arms. She could hear his heavy breathing and smell his minty breath. Napapikit siya nang bumaba ang isa nitong palad sa kanyang hita para ikawit iyon sa baywang nito.
“Are you okay?” pabulong nitong tanong habang titig na titig sa kanya.
“I guess I am now.”