TILA mga bituin ang string lights na nakasabit palibot sa mga sanga ng puno sa tabi ng swimming pool, Napakagandang tingnan ng repleksyon ng mga ito sa tubig, maging ang nagsasayaw na apoy mula sa Tiki torches na nakatusok sa gilid ng pool deck. Ang buwan nang gabing iyon ay nagbibigay rin ng banayad na liwanag sa tubig, na nagmimistulang sumasayaw na likidong pilak.
“Are you sure you’re okay now?”
Ngumiti lang at bahagyang tumango si Madison. Hawak pa rin nito ang kanyang baywang kahit pa naroon na sila sa mas mababaw na parte ng pool. Namumula pa rin ang pisngi niya dahil sa magkahalong kilig at kahihiyan.
“Sorry for dragging you here like this. Sabi ko sa ‘yo, hindi tayo basta-basta makakaalis nang gano’n lang.”
“Okay lang. Sabi ko nga, wala naman akong curfew. I’m an adult.”
Nakakuha iyon ng magandang ngiti mula kay Dylan. They both leaned back and looked up at the starry sky. Hindi naman na dapat bago ang ganoon kay Madison, ang tumingin sa mga bituin sa kalangitan pero hindi niya maitatanggi na kakaiba ang gabing iyon at iyon ay dahil sa presensiya ni Dylan. Dahan-dahan niya itong nilingon sa kanyang tabi at nagulat pa siya nang malamang nakatingin rin ito sa kanya, nakangiti.
“What is it?”
Bahagya itong umiling. Nakaupo na sila sa gilid ng swimming pool, nakalubog ang mga paa sa tubig. “So, tell me more about yourself,” sabi nito.
Napabuntung-hinga si Madison. “Well, ano ang gusto mong malaman?”
“Okay, let’s see. Bakit photography? 'Yun ba talaga ang pangarap mo?”
Tumingala siya sa kalangitan na para bang naroon ang sagot. “I have this uncle. Madalas niya akong isama sa studio niya. I practically grew up around cameras, lighting equipments, the works. Tinuruan niya ako kung paano humawak ng camera, kung paano kumuha ng shots. I don’t know, siguro ever since, I knew that photography is something that I should do.”
“You mean, wala kang ibang pinangarap bukod sa pagiging photographer?”
“Well.” The question made her blush. Dapat ba niyang sabihin dito ang secret dream niya? Wala pa yata siyang napagsasabihan sa totoo niyang pangarap, kahit pa nga si Becca.
“Well?”
“Alright. Don’t judge, okay?”
Natawa si Dylan. “No judgement whatsoever. Promise.”
Huminga muna siya nang malalim. “Pangarap ko talagang maging model...’yung nagpo-pose sa magazines, billboards,” pag-amin niya nang natatawa.
“Oh, bakit ka natatawa? Ano ang nakakatawa ro'n?”
“There are talent scouts who think so.” Maraming go-see na ang napuntahan niya noon at karamihan doon ay hindi naging maganda ang resulta. Okay lang sana ‘yung sabihin lang sa kanya na ma-reject pero ‘yung sabihan siya na she just doesn’t have what it takes to be a model at pintasan siya? Iyon ang parang naging wake-up call ni Madison. Since then, she tried to forget that dream and just settled with being a photographer, something that she learned to love.
“You’re beautiful, Madison,” Dylan said it as he looked into her eyes. “And nobody can tell you that you can’t be a model because you can.”
“You are being really nice, Dylan.” Or he’s already drunk.
“I am being honest.”
Habang lumalalim ang gabi at habang kinukuwento niya ang buhay niya bilang photographer, Dylan found himself captivated by the Madison’s passion. Sinabi rin niya rito ang iba pa niyang interes, at bilang ganti, nagsimula na ring mag-share si Dylan ng mga bagay tungkol sa adventures nito kasama ang banda.
Hindi inaasahan ni Madison na magkakaroon siya ng pagkakataon na makakuwentuhan ang isang Dylan Marquez. Sa ilang oras nilang magkasama ay marami siyang nalaman tungkol dito, isa ay kung gaano ito kasarap kausap. Madali itong matawa sa mga biro niya at madali rin nitong nasasagot ang kanyang pag-uusisa sa mga bagay tungkol sa pagiging rock star nito.
“Most unforgettable thing na nangyari sa banda n'yo?”
“Ano nga ba?” Itinukod ni Dylan ang isang kamay sa gilid. Napangiti ito nang maalala ang pangyayaring iyon. “Ah, minsan, naligaw kami papunta sa isang gig sa probinsiya. Walang signal no'n, grabe. Kami-kami lang din, nagkataon na wala ‘yung road manager namin. We ended up in a middle of nowhere! Nagulat na lang kami, ang daming kalabaw at kambing sa paligid ng van namin. Nakarating naman kami sa venue pero sobrang late na. No’ng kinuwento namin ang nangyari, tawanan ang crowd! Hanggang ngayon, isa pa rin ‘yon sa mga favorite experiences na binabanggit namin sa mga interview.”
“I’m sure may fans pa rin kayo na naaalala ‘yon.”
“Definitely.”
They continued telling each other stories, from Dylan’s funny experiences to unexpected encounters with fans. Habang tumatagal, lalong nadaragdagan ang paghanga niya sa binata at lalo niyang napapatunayan kung gaano siya kasuwerte nang mga oras na iyon. She’s sitting just inches away from him, she can actually feel the warmth coming from his gorgeous body. The way he smiles at her, she’s almost certain that he’s into her as much as she’s into him.
“Guilty pleasure?” patuloy niya sa pagtatanong, na nagpataas ng dalawang kilay ni Dylan.
“Guilty pleasure? Well…”
“Well?”
“Promise you won’t judge,” he joked, imitating her previous reaction.
“Promise.”
“Okay. I am a sucker for romantic 80s movies. There, I said it.” Itinaas pa nito ang dalawang kamay na para bang sumusuko.
Madison leaned in. “So, isang sikat na rock star na mahilig sa romantic movies? Wow.”
“Yeah, yeah. I’m cheesy like that. Pero secret lang ‘yon, please? I have a reputation to protect, you see.”
Natawa si Madison. “Promise!”
“Okay enough of me. How about you? Any secrets you want to share?”
“Well, hindi na secret ‘yon kung sasabihin ko sa ‘yo, diba?”
Natawa si Dylan at napailing. “That’s cheating.”
“Sorry!” tugon niya sabay kindat. “I just want to keep the mystery, you see.” As their eyes locked, some unspoken tension lingered between them. Their attraction was undeniable and she just hoped that Dylan would do something about it.
“Oh, Madison, you just made me want to know more about you.”
She winked at him, feeling satisfied. “I’m not gonna stop you from doing so.”
~~
MAS mahina na ngayon ang music – lo-fi beats playing over the backyard speakers, na kabaligtaran doon sa event kanina. May mas intimate na circle sa patio area, lit only by string lights and the warm glow of bug-repellant candles. Nakaupo sila sa mahabang mesa – si Dylan, si Madison, at ang mga miyembro ng Velvet Stains, kasama ang kanilang dates, groupies or ka-flings-for-the-week. Hindi naman intimidating para kay Maddie. Sa totoo lang, medyo nagulat siya na parang normal na tao lang din naman pala ang lahat, at mababait.
“Guys, this is Madison,” pagpapakilala sa kanya ni Dylan. Kaswal na kaswal ang boses nito na parang proud na proud ito. “She’s...ah, with The Glitz Mag.”
“Uy, hi, Madison!”
“Yooo, ikaw pala ‘yung photog na sinasabi ni Dyl!”
“Nice to meet you, girl!”
Sunud-sunod ang bati ng mga ito, sabay cheers ng mga hawak na bote. May isang nag-abot sa kanya ng baso – tequila, two fingers high. Tiningnan pa muna niya si Dylan pero ngumiti lang ito. “Kaya mo ‘yan, promise.”
Madison took the shot like a pro – swaying slightly, laughing at her own grimace. “Sh*t, bakit parang lasang gasolina ‘to with feelings?”
Tawanan. Kahit si Dylan ay muntik nang mabilaukan sa iniinom.
Pagkatapos ay isa-isa siyang pinakilala sa mga naroon.
Si Leo, ang drummer ay matangkad, with full-sleeve tattoo and a surprisingly soft voice. Kasama nito ang long-time girlfriend na si Mara, na parang isang yoga enthusiast pero grabe kung makapagmura.
Si Armand, ang pianista, may hawak pang yosi at sunud-sunod ang lagok ng alak. Morena ang ka-date nitong si Jenna na kasalukuyang nakaupo sa kandungan nito at sinusubuan ito ng chips na parang isang clingy cat.
At siyempre, naroon ang birthday boy, si Chester, ang bassist, ang baby sa grupo. Floppy hair, dimples and a smirk that spelled trouble. Maagang umalis ang ka-date nito pero kinindatan nito si Madison sabay sabing, “Kung single ka pa, Maddie, sabihan mo lang ako, ha.”
“Hoy, Ches!” seryosong pigil ni Dylan sa kaibigan sabay bato ng ilang pirasong mani sa direksiyon nito. “Paps, tigilan mo.”
It was playful but Madison noticed the sudden change in Dylan’s voice. Na para bang hindi pa ito handa na isali siya sa mga biruan ng kabanda. Medyo kinilig siya ro’n, she must admit.
As the night stretched on, mas naging relaxed na siya. Siguro dahil sa tequila o dahil sa mas malapit na ngayon si Dylan sa kanya. Literal. At first, legs brushing under the table, then his knee pressed to hers. Walang reaksiyon, as if natural lang. Comfortable. Pero ramdam na ramdam ni Madison.
Hanggang sa hindi na lang legs, hindi na lang tuhod. Mga daliri na. Sa ilalim ng mesa. Naramdaman na lang ni Madison ang likod ng mga daliri nito na dahan-dahang dumadantay sa mga daliri niya na para bang nananantiya. Nang hindi niya iyon pinansin, nagsimula nang gumalaw ang hinliliit nito, at pagkatapos ay isa pa, at pagkatapos ay lahat na. Napapikit na lang siya at napakagat-labi nang buong kamay na niya ang hawak nito sa ilalim ng mesa. Sikreto lang, sila lang ang nakakaalam.
Biglang nag-init ang batok niya, kahit pa nga malamig ang simoy ng hangin.
“Okay ka pa ba?” bulong ni Dylan sa kanyang tainga. “Baka nahihilo ka na.”
Tumango siya at pagkatapos ay umiling. “Medyo pero more like dizzy from...everything.”
Natawa ito. “Fair enough. First time mo with this kind of crowd, ‘no?”
“Actually, first time ko kasing mahawakan ng kamay ng isang rockstar sa ilalim ng mesa,” bulong rin niya, na mas nagpangiti rito. Napatingin ito sa kanya, seryoso ang mukha pero may bahagyang ngiti pa rin.
“Hindi ka ba natatakot sa akin?”
“Dapat ba?”
“No.” Umiling ito. “Gusto ko nga na huwag kang matakot.”
Napalunok si Madison, abot-langit ang kaba sa dibdib. She looked at him when his thumb brushed over the back of her hand slowly.
At doon sila nahuli ni Leo.
“Heyyy,” sigaw nito. “May something sina Dylan sa ilalim ng mesa, oh!”
Lingunan lahat pero hindi pinakawalan ni Dylan ang kamay niya. In fact, mas hinigpitan pa nito ang pagkakakapit.
“Hala, first base agad?” tawang tanong ni Marky. “Idol ka talaga, Dyl!”
Itinaas ni Armand ang baso. “To secrets under the table!”
Tinakpan ni Madison ng isang kamay ang mukha habang natatawa at pulang-pula. “Oh my God, stop!”
Pero ngumisi lang si Dylan, inakbayan siya at kinabig para mas mapalapit rito. “What can I do, she’s so damn fine!”
Madison looked up at him, flushed and tipsy. And just like that, her world tilted.
Hindi dahil sa alkohol kundi dahil kay Dylan.