Chapter 30 Crystal Makalipas ang ilang sandali ay dumating na ang sundo ko na si Greg. Nagpaalam na ako kina Donya Bel at Jasper. Hinatid nila ako sa labas ng bahay at manghang-mangha sila sa suot ko. ''Ang ganda mo talaga, Crazy,'' papuri sa akin ni Donya Bel. ''Thank you, Donya Bel. Hayaan ninyo kapag ako ang ikakasal gagawin ko kayong ninang,'' nakangiti kong sabi sa kaniya. ''Eh, paano naman ako, Bruhilda?'' kunwa'y tampong tanong ng malandi kong kaibigan na si Jasper. ''Gawin ka niyang kabayo tagahila ng karosa na sasakyan niya. Total mukha ka namang kabayo,'' pang-aasar na sagot ni Donya Bel kay Jasper. Natatawa na lamang ako sa kanilang dalawa at sumakay na lang sa sasakyan para matigil na sila. ''Aalis na ako, bahala na kayong dalawa dito sa bahay, ha?'' paalam ko sa kanil

