Episode 2

2770 Words
Chapter 2 Crystal Hindi ko inaasahan na magkikita kami ni Reynold sa ganoong sitwasyon. Nakipagsuntukan siya kay Mr. Gabriel dahil sa best friend kong si Allysa. Hindi ko akalain na si Reynold pala ang masugid na manliligaw ng kaibigan ko. Ilang taon na ang nakalipas ay nawala ang lahat sa akin. Una ay ang Daddy pangalawa ay si Reynold at ang pangatlo ay si Allysa na akala ko ay patay na. Pero, hito at bumalik siya ngunit kahit ako ay hindi niya maalala. Nawala ako ng karamay sa mga masasakit na bagay na pinagdaanan ko. Ngunit heto unti-unti silang bumabalik pero hindi na katulad nang dati. Nang panahong nakipag-break ako kay Reynold dahil pera lang ang habol niya sa akin ay halos nadurog ang puso. Pero umasa ako na makausap siya muli at gusto ko magpaliwanag siya kung bakit niya nagawa iyon sa akin. Lagi ako sa tagpuan namin tuwing malungkot ako. At minsan iniisip ko na darating siya para magpaliwanag sa akin. Pero kahit anino niya ay hindi ko nakita simula noon. Lagi kong suot-suot ang kuwentas na ibinigay niya sa akin dahil sa apat na taon ang lumipas ay narito pa rin siya sa puso ko. Sinabi ko sa sarili ko na hanggat hindi siya mawawala rito sa puso ko ay hindi ko tatanggalin ang kuwentas na ibinigay niya sa akin. Hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya kahit ganoon ang ginawa niya sa akin. Sa muli naming pagkikita kanina ay halos hindi ako makahinga. Masakit na titig ang ipinupukol niya sa akin. Pero nagulat ako noong dalhin niya ako sa isang restaurant na mamahalin. Ibang-iba na siya kaysa dati. Noon ay palangiti siya pero ngayon ay halos matunaw ako sa mga titig niya. Nag-abroad pala siya kaya siguro nagkaroon siya ng pera. O 'di kaya baka may nabingwit siyang mayaman kaya mukhang mayaman na siya tingnan. O baka nakapag-ipon siya ng pambili ng sasakyan na mamahalin o ibinigay sa kaniya ng nauto niyang mayamang babae. Pero sa kabila ng mga iniisip ko ay may isang bahagi ng utak ko na hindi naman siguro siya nakabingwit ng mayamang babae. Baka sumikap lang siya sa abroad kaya nagkaroon siya ng maraming pera. Nasa silid ako ngayon ni Tita sa hospital. Bumalik lang ang ulirat ko nang magising si Tita. Nanghihina kasi ito kaya kinailangan ko na naman siyang dalhin dito sa hospital. Kailangan ma chemo na siya ngunit mahina ang katawan ni Tita. Kaya kailangan niya munang magpalakas ng kaniyang katawan. Hinatid lang ako ni Frany rito sa hospital at umalis na rin siya. Kailangan niya kasi puntahan ang bago niyang pinatayong restaurant. " Crystal, malungkot ka na naman. Ngumiti ka naman para maibsan ang sakit na nararamdaman ko," untag ni Tita sa akin. "Tita, kailangan mo magpalakas. Para machemo ka na ulit," pilit long ngiti na sabi sa kaniya. "Iha, ayaw ko na magpa-chemo. Huwag mo na akong alalahanin naramdaman ko na malapit na akong mawala. Kaya, huwag ka na maghanap pa ng pera para sa chemo ko," aniya sa mahinang boses. "Tita, ikaw na lang ang mayro'n ako ngayon. Kaya, huwag ka naman magsalita ng ganiyan," sabay halik ko sa kaniyang noo. "Magpapalakas ka, kailangan mong magpagaling." "Nariyan pa si Frany, kaya huwag mo na akong alalahanin. Alagaan mo ang sarili mo para hindi ka matulad sa amin ng Daddy mo," sabay haplos nito sa buhok ko. Yumakap ako kay Tita ng mahigpit. "Tita, gagawin ko ang lahat para gumaling ka, kaya huwag ka sumuko." "Tahan na, Crystal. Huwag ka na umiyak. Ako ba talaga ang iniiyakan mo o 'yong boyfriend mong nanloko sa'yo?" biro pa nito sa akin, kaya kumalas ako ng yakap sa kaniya. Sinabi ko na rin ang lahat kay Tita ang tungkol sa amin ni Reynold noon dahil lagi niya akong nakikitang umiiyak. Kasama na rin sa pag-iyak ko ay ang pagkawala ni Daddy. "Tita, nagkita kami kanina. Pero ibang-iba na siya,'' sumbong ko sa kaniya. "Ano ang naramdaman mo noong nakita mo siya? Huwag mo akong gayahin, Crystal. Hinayaan kong mawala sa akin ang lalaking mahal ko. Hinayaan kong maagaw siya ng iba. Kaya, heto at naging matandang dalaga ako dahil sa pagmamahal ko sa kaniya. Kung pinakinggan ko lang sana siya noon ay siguro kami pa ang nagkatuluyan," malungkot na bosses niyang sabi "Tita, iba naman ang kuwento ng buhay ninyo ng boy friend mo noon. Iba naman ang kuwento namin ni Reynold. Minahal ko siya Tita, pero nakita ko sila ng babae niya at narinig ko ang pinag-usapan nila noon. Gusto niya lang akong perahan." "Pero dapat ay pinakinggan mo muna ang paliwanag niya. Para malaman mo kung nagsasabi siya ng totoo," pagtatanggol ni Tita kay Reynold. "Maliwanag na po sa akin ang narinig ko, Tita. Pero ang masakit hanggang ngayon ay narito pa rin siya sa puso ko. Hindi ko nga alam kung bakit nagkita pa kami. Saka ang masaklap pa ay si Allysa pa ang nililigawan niya ngayon ang best friend ko," nalungkot kong sabi. "Iha, kung mahal mo siya hindi masama na ibaba mo ang pride mo at humingi ka ng sorry sa mga sinabi mo sa kaniya. Baka hindi lang kayo nagkaintindihan noon," payo ni Tita sa akin. "Tama na 'yong narito siya sa puso ko, Tita. Hindi ako hihingi ng sorry sa sinabi ko sa kaniya dahil walang-wala na ako at kinalimutan ko na ang mga nangyari sa amin," sabi ko. "Basta huwag mo akong gayahin. Mag-asawa ka at magkaroon ng anak. Kahit anak man lang. Para may makakasama ka sa pagtanda mo." Tumango lang ako sa sinabi niya. "Magpagaling ka na po, Tita," sabay haplos ko ng kaniyang buhok. Pagkatapos namin mag-usap ni Tita ay kinausap ko naman ang doctor niya. "Dok, kumusta na po ang kalagayan ni Tita? Pwede na ba siya ma chemo?" "Hindi pa dahil kumalat ang cancer niya sa kabila. Kaya kailangan namin tanggalin ang isa niyang dibdib. Kailangan mong mag-handa ng half milyon para sa operation at mga gamot ng Tita mo. Kailangan matanggal na ang isa niyang dibdib pero hindi pa iyon sigurado kung maka-survive siya," paliwanag ng doktor sa akin. Nanlambot ako sa mga narinig ko "Sige po, Dok. Gawin niyo po ang lahat para gumaling si Tita." "Kailangan maoperahan na kaagad ang Tita mo. As soon as possible," wika pa ng doktor. Tumango-tango na lang ako at nang umalis na ang doktor ay nanlambot akong napaupo sa mahabang sofa. Napahilamos ako sa mukha ko at iniyak na lang ang problema. Naibinta ko na ang mga ari-arian na natira sa akin. Pati ang Mall ay naibinta ko na rin. Wala ng natira sa akin kundi ang maliit na bahay ko sa San Agustin. At kahit ibinta ko iyon ay hindi pa rin maging sapat sa pagangailangan ko. Hindi ko na alam kung sino ang malalapitan ko. Umuwi ako sa apartment na inuupahan namin ni Tita dito sa Holand. Hindi ko na alam kung saan kukuha ng pambayad sa upa sa sunod na buwan. Naisip kong manghiram kay Frany pero naisip ko na kabubukas lang ng restaurant niya at alam kong wala rin itong sapat na pera. Makalipas pa ang ilang araw ay nagtungo ako sa opisina. Naabutan ko naman si Claris na abala sa pagguhit. Hindi naman pumasok ang mag-asawa dahil siguro sa pag-away nila mga nakaraang araw. Kinahapunan ay tinawagan ko si Gabriel dahil kailangan ko ng umalis dahil babalik na ang secretary niya. Binigyan naman niya ako ng sahod kahit wala naman akong ginagawa sa opisina niya. Ayaw ko pa sana tanggapin iyon ngunit hinulog niya na iyon sa account ko. Kahit papaano ay may pambayad na rin ako sa renta ng bahay. Nang hapong iyon ay sabay na kami ni Claris na umuwi. Si Claris ay kaibigan ni Allysa noong nasa New York pa sila. Habang naglalakad kami ni Claris ay tinanong ko siya. "Bakit wala kaya si Allysa at si Gabriel?'' "Well, alam mo naman may m.u pa rin siguro ang dalawa. Saka narinig ko na magkikita yata sila ni Mr. Jonhson," sagot no Claris sa tanong ko. "Gano'n ba.?" tipid kong sagot. "Alam mo matagal na nanliligaw si Mr.Johnson kay Allysa. Kaso bantay sarado siya ng Daddy niya. Ang suwerte ni Allysa mga bilyonaryo ang nakapaligid sa kaniya," kinikilig pang turan ni Claris sa akin. "Sino ba 'yon si Mr. Jonhson?" tanong ko. "Hala! Hindi mo kilala si Mr. Jonhson? Eh, siya kaya may-ari ng RJ Hotel, RJ tower , RJ Mall, RJ restaurant, RJ Farming, RJ construction, RJ Island at marami pang iba," aniya. "Alam ko ang mga binabanggit mong property. Pero, hindi ko naman alam kung sino ang may ari ng mga iyon," sabi ko. "Ano ka ba? Siya 'yong nakasuntukan ni Mr.Moore noong nakaraang araw." Napahinto ako sa paglakad sa sinabi ni Claris. Eh, si Reynold lang naman yata ang nakasuntukan ni Mr. Moore noong nakaraang araw. Imposible naman kung si Reynold ang tinukoy niya? "Sino? Huwag mo sabihin na si Reynold Thompson ang may-ari no'n dahil imposible," sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit naman imposible? Eh, secret billionaire iyon dito sa bansang Maharlika, noh!" Tinitigan ko naman siya ng mabuti. "Paanong maging secret billionaire 'yon? Eh, halos hindi nga iyon makabili ng damit?" "Haler? Hindi mo ba nakikita sa pananamit niya? Maraming property iyon sa New york. Kaya, nga roon siya nakilala ni Allysa. Ang tsismis pa ngang nasagap ko ay kamuntikan na iyon magbigti dahil lang sa isang babae," wika pa sa akin ni Claris. Parang hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya, kaya hinila ko siya sa isang tabi at naupo muna kami. At nang makaupo na kami ay inusisa ko siya. "Teka, Si Reynold ba talaga ang tinutukoy mo? 'Yong manliligaw ni Allysa at laging nagpapadala sa kaniya ng mga bulaklak?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. "Oo nga! Si Reynold Johnson. Ang dami kaya ang mga babaeng nagpapansin sa kaniya sa New York!" sabi pa ni Claris. Napatakip ako ng aking labi. Hindi ako makapaniwala na mayaman si Reynold. Pero kung mayaman siya bakit niya naman naisipan na kunin pa ang pera ko? Ang pera ko na wala na ngang natira sa akin. Pero hindi pa rin talaga ako kumbinsido. "Paano siya yumaman? Nakabingwit ba siya ng matandang Mayaman, kaya yumaman siya?" sunod-sunod kong tanong kay Claris. At ang alam kong apelyido niya ay Thompson at hindi Jonhson. Tumawa naman si Claris sa tanong ko. "Gagi! Ipinanganak na iyong bilyonaryo, noh!" "S-sigurado ka ba sa mga sinasabi mo, Claris?" sabay hawak ko sa mga kamay niya. "Oo naman! Matagal rin kami nagkikita sa New York, ah. Basta ang usap-usapan noon kaya siya pumunta sa New York para maka-move on doon sa girlfriend niya. Nakipaghiwalay raw kasi iyon sa kaniya, kaya hindi niya natanggap at muntik pa nga raw siya nagpakamatay. Dapat magpapakasal na sana sila," sabi pa ni Claris. Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Claris. Ako ba ang girlfriend na tinutukoy niya? Pero hindi siguro ako baka ang babae na nakita ko noong gabing iyon na kasama niya. Ngunit bakit siya nagsinungaling sa akin? Minsan ba minahal niya ako? Bakit nagpanggap siya na mahirap kung gano'n pala siya kayaman? At ano ang kailangan niya sa akin? Bakit niya ako pinaasa kung may iba naman pala siyang mahal? Nagpaalam na ako kay Claris na umuwi at nagpara na lang ako ng taxi. Bukas ay iisipin ko na naman kung ano ang maari kong gawin. Ang mga paninda kong mga damit sa San Agustin ay hindi ko na rin nabuksan. Nagbukas rin ako ng maliit na botique roon pero simula nang magkasakit si Tita at natuklasan namin na may cancer na siya ay hindi ko na naasikaso iyon. Sa hospital ako dumaretso at sabi ng doktor ni Tita kailangan na siyang maoperahan. Kaya, nagtungo ako sa restaurant ni Frany para magbabaka sakali. Pagdating ko naman roon ay nakita kong nag-aaway sila ng ex niya. Mabuti at walang tao. Agad akong umiksina sa kanilang dalawa. "Anong nangyayari rito?" tanong ko. Si Frany ay masakit na tintigan ang babae. "Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin mabitaw-bitawan ang babae mong ito? Ano ba ang mayro'n sa babaeng ito na wala sa akin,ha?" garalgal na tanong ng babae kay Frany sabay duro sa akin. "Hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong mo. Matagal na tayong tapos! Kaya, huwag mong duruin ang babaeng iyan dahil wala ka pa sa kalinkingan niya kung ihahambing kita sa kaniya. Nagsisikap ako para bumagay sa pamilya mo. Para maipagmalaki mo sa mga kaibgan mo. Pero, ikaw ang unang bumitaw. Huwag mo ng sayangin ang luha mo sa akin dahil hindi na kita mahal! Umalis ka na rito!" bulyaw ni Frany sa babae. "Nakipag-break ako sa'yo dahil sa babaeng ito. Ano sa tingin mo ang iisipin ko nang makita ko kayong magkayakap. Pero kahit minsan hindi mo pinaliwanag sa akin kung ano ba ako sa'yo. Pinagsisihan ko ang araw na nagkakilala tayo, Frany! Pagsisisihan niyo rin ng babaeng ito ang ginawa mo sa akin!" sigaw ng babae sabay tinginsa akin ng masakit at lumabas ng restaurant. Damang-dama ko ang sinabi ng babae. Malalim nagbuntong hininga si Frany at napapailing. "Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagbabago, kaya tama lang na kalimutan ko na siya." "Maupo ka," malambing kong utos kay Frany at sinunod naman niya ang utos ko. Tumabi ako sa kaniya at niyakap siya at hinalikan sa ulo. "Kung mahal mo siya bakit hindi mo sabihin sa kaniya ang totoo?" "Para ano pa, Crystal? Ginawa ko na ang lahat. Nag-aral ako ng mabuti, nagtapos ako at pinangako ko kay Mommy at kay Daddy na magtatapos ako at magpapatayo ng restaurant na pangarap ko para maipagmalaki nila ako. Hindi lang 'yon para may mukha akong iharap sa pamilya ng girlfriend ko. Pero dahil nakita niyang niyayakap mo ako halos mag-histerical siya sa galit at nakipaghiwalay sa akin. Kaya, bakit pa ako magpapaliwanag sa kaniya? Kung talagang mahal niya ako hindi niya ako dapat pinahiya sa maraming tao," malungkot na Sabi ni Frany sa akin ngunit may nararamdamang galit para sa girlfriend niya. Kumalas ako sa pagkayakap sa kaniya nang may mga taong pumasok sa loob ng restaurant. Pagtingin ko sa mga iyon ay may isang matang masakit na nakatitig sa akin. Si Reynold at nagtama ang mga mata namin. Umupo sila sa malapit sa inuupuan namin ni Frany. Agad namang lumapit ang waiter sa kanila. Dalawang babae na nasa edad 50 na rin siguro ito at dalawang lalaki na hindi rin nalayo sa edad na 54. May kasama pa silang isang sexy na babae na katabi niya sa pag-upo at kung hindi ako nagkamali ay ito ang babaeng nakita ko na kasama ni Reynold noon. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Bumalik ang katinuan ko ng magsalita si Frany. "Gusto mo ng chocolate drink and cake? Alam ko favorite mo iyon." "Ahmm...Sige. Siguraduhin mong masarap ang cake na 'yan, ha?" ngiti kong tugon sa kaniya at alam ko na may mga taingang nakikinig sa amin. "Ofcourse! Kailan pa ba kita pinag-bake ng chocolate na hindi masarap? Ang takaw mo kasi sa chocolate," ngiti pang sabi ni Frany at tumayo na para ipaghanda ako ng cake. Narinig ko naman ang usapan sa kabilang mesa. "Sa wakas ay matutuloy na rin ang pagiging balae natin Mr. Rafael Johnson. Kung noon pa sana nagpakasal itong Unica Hija ko at si Reynold. E 'di sana ay may mga apo na tayo ngayon," sabi pa ng isang lalaki. Parang sinundot ng karayon ang puso ko sa narinig. Ikakasal na pala sila dapat noon? Pinindot-pindot ko na lang ang cellphone kunwari ay busy ako at walang pakialam. Alam kung nakatitig siya sa akin dahil nakikita ko ito sa tagiliran ng aking mata. "Sagot ko ang honeymoon ninyo sa ibang bansa. Kaya, kailangan pagdating ninyo ay may laman na ang tiyan ni Honey," sabi pa ng isang babae. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Kaya, hindi ko napansin na nakatingin na pala ako sa kaniya. At masakit naman na tingin ang ipinukol niya sa akin. "Don't worry, Tita. Kahit isang dosenang apo pa ang ibigay namin ni Honey sa inyo," sabi naman ni Reynold at tiningnan niya ang babae. " 'Di ba, hon? Isang dosenang anak ang ibibigay natin sa pamilya natin?" sabay akbay niya sa babae. Binawi ko ang tingin ko sa kanila at parang hinihiwa at sinusunog ang puso ko sa subrang sakit. Narinig ko pa ang sagot ng babae. "Ahh... Oo, hayaan po ninyo at maraming kaming ibibigay na apo sa inyo," sagot ng babae. Tawanan naman ang namayani sa kanila. Napalingon naman ako kay Frany nang tawagin niya ako. "Love, come here! I want to show you how I bake your favorite cake!" Mabuti na lang talaga at tinawag ako ni Frany para hindi ko na marinig ang usapan sa kabilang mesa dahil sa bawat matatamis na salita na binibitawan ni Reynold sa babae ay siya namang masakit na nararamdaman ko sa aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD