Chapter 23 Crystal Habang nasa bahay ako at nakahiga ay naisip ko si Reynold. Nakakapanibago lang dahil wala na siya sa tabi ko. Pero, kailangan ko ng tanggapin sa sarili ko na hindi na siya ang dating Reynold na minahal ko. Kaya, kailangan ko na mag-move on. Sapat na sa akin ang maikling panahon na kasama siya. Kung darating man ang araw na magkita kami at ipapakulong niya ako sa ginawa ko sa kaniya ay handa kong harapin iyon. Kaya, dapat ko lang ilagay sa isip ko na nag-iisa na lang talaga ako at tatanda akong mag-isa rito sa mundo. Wala na rin ang kuwentas sa leeg ko na ibinigay niya. Binawi niya na iyon sa akin. At sana sa pag-alis niya ng kuwentas na iyon sa leeg ko ay mawala na rin ang pagmamahal ko para sa kaniya. Para ang sarili ko naman ang mamahalin ko. Gusto ko bumangon sa

