Chapter 23 Torete Zaki's POV "Zaki.. Halika dito dali!" napatigil ako sa pagliligpit ng pinagkainan ng mga customers ng bigla akong tinawag ni auntie Beth. Nagbabasa sya ng dyaryo ngayon na halatang gulat? Nacurious ako kaya ko sya nilapitan agad. "Bakit po?" curious kong sabi, ngumuso sya at tsaka tumayo, sabay lahad ng binabasa ng dyaryo sa akin. "Look! Hindi ba si Francine ito?" saad nya habang namimilog ang mga mata, ganun din ako, namilog ang aking mata tsaka napalunok. Kinuha ko yung dyaryo, nagulat ako ng sobra ng makita ko nga si Francine! kasama si Steve habang magkaholding hands. Binasa ko yung title nung article. 'Popular Singer Actor, Steve Perez and his Fashion Coordinator Dating?' Pagkabasa ko palang non ay nakaramdam na 'ko na parang kinurot ang puso ko, hindi ko alam

