bc

If You Are The One (Filipino)

book_age18+
545
FOLLOW
1.8K
READ
family
fated
arranged marriage
badboy
drama
bxg
abuse
self discover
cruel
lonely
like
intro-logo
Blurb

If You Are The One

Si Zaki ay isang holdaper na pakalat kalat sa mga matataong streets ng Tokyo, isang lalaking vagrant, na sa tingin nya ay walang saysay at walang kwenta ang kanyang buhay, napunta sya sa bansang Japan nung pinaampon sya ng panandaliang kumupkop sakanya simula sanggol hanggang sya ay maging sampung taong gulang, nung di na sya kayang buhayin nito, napagdesisyonan nyang ipa ampon sya sa dalawang mag asawang hapon, dahilan yun kaya napadpad si Zaki sa Japan, Unfortunately, he mistreated by them, minaltrato sya ng mga to. Kaya dun nya napagdesisyonan na lumayas nalang, at dun na nagsimulang maging 'mas lalong naging walang kwenta ang kanyang buhay,' sinisisi nya ang tunay na nanay, dahil daw kasi kung di nya ito iniwan sana hindi ganoon ang nangyari sakanya, mas lalo pa syang nawalan ng pag asang mabuhay nung iniwan sya ng kanyang pinakamamahal na girlfriend na si Sunny, his life make miserable.

One day, nagtagpo sila ng landas ni Francine isang Filipinang sa di alam na kadahilanan nya ay nagawa nyang tulungan nung naholdap ito.

Until Sunny, his x girlfriend now help him to go back to Philippines, dahil nanganganib ang buhay nya sa bansang Japan, dahil pinapapatay sya ng ngayon ay asawa na ni Sunny na si Mizuke, pinapapatay sya dahil sa ginagawang pangugulo nito nung araw ng kasal nila, galit sya kay Zaki na kaagaw nya kay Sunny, makapangyarihan si Mizuke dahil sobrang napakayaman nya.

Sunny helps him, sinabi nya na bumalik nalang sya sa Pilipinas, para hanapin ang totoo nyang nanay at magsimula sya ng bagong buhay doon. Sinunod naman sya ni Zaki, at bumalik nga sya sa Pilipinas, at doon nya na nga nadiskubre ang lahat lahat tungkol sa pagkatao nya.

Until sa di inaasahang pagkakataon, nagkitang muli ulit sila ni Francine, ang babaeng tinulungan nya sa Japan, si Francine ba ang babaeng magbibigay pag asa sakanyang walang kwenta at pariwarang buhay?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
IF YOU ARE THE ONE by ketchupprince Nakapamulsa akong palakad-lakas dito sa isang hindi tanyag na street dito sa Tokyo. Seryoso akong naghahanap ng biktima na mahuhuthutan ng pera…I admit it magho-holdap ako at isang vagrant. I move from place to place because I have no permanent home and job. I steal things on others in order to live…. Madalas kong ninanakawan ay ‘yung mga turistang nawawala, kunyaring tutulungan ko sila pero ang balak ko lang naman talaga ay ang nakawan sila. Nagtataka kayo kung bakit nasa Japan ako pero nagtatagalog ako? Filipino ako ngunit, inabandona lang naman ako ng walang kwentang panandaliang kumupkop sakin . Si tita Lucy, Sya lang yung kasama ko hanggang sa maging ten years old ako. Ten nako ng makarating ako dito mejo may isip nadin ako nun kaya di ko parin nakakalimutan ang Tagalog. Matatas parin akong managalog hanggang ngayon. Hindi ko pa kasi nakikita ang totoong nanay at tatay ko. Malamang sa malamang inibinandona din ako kay tita Lucy. Kinupkop ako ng dalawang mag asawang hapon, na masama naman ang ugali. Mas minabuti ko nalang na maging ganito ako, kesa manatili dun sa mga ‘yun, nilayasan ko sila pagkatapos kong mag high school, kaya dun na nagsimula ang pagiging palaboy ko, kailangan eh para mabuhay ako. Napangisi ako nang makakita ako ng isang biktima. Paniguradong Pinoy ito, itchura palang. Napangiti ako dahil sa wakas nakakita din ako ng biktima. Sinundan at minachagan ko muna sya, nagpapalinga-linga sya na parang bang nawawala.. Lumapit ako sakanya para kausapin sy, ang balak ko ay magpanggap na isang concern citizen. "Miss Pilipino ka?" napalingon sya sakin, at namilog ang kanyang mga mata. Sabi ko na nga ba eh! "Oo!" bakas sa pagkasabi nya ang pagkarelief, para bang feeling nya ligtas sya dahil nakakita sya ng kapwa nya Pinoy. "Sabi ko na nga ba eh! Nawawala ka?" kunyaring concern kong tanong, tumango tango sya at may pinakita syang address at mapa sa akin. "Alam muba kung san ito?" alam ko yung lugar na tinatanong nya, pero sorry kailangan ko tong gawin. "Ah Oo! Halika, sasamahan na kita papunta jan!" nagwala sya sa saya, pagkatapos kong sabihin yun, ako naman ay ngumisi lang. Panay ang salita nya, pero di ko naman sya pinapansin, ang gusto ko lang ngayon ay makuha ang pera nya, di naman sya mukhang mayaman eh, para lang syang turistang mahirap, pero pwede ng pagchagaan. Nagpupumiglas na sya, mukhang pansin na nya yata na nilalayo ko sya sa mataong lugar. "San muba ko talaga dadalhin?" nanginginig nyang tanong. Ngumisi lang ako, at sinandal ko sya sa isang pader. At tinutukan ko sya ng kutsilyo. "Nasaan na pera mo?" bulong ko sakanya, bakas talaga sakanya ang pagkatakot dahil nanginginig at umiiyak na sya. Hindi na sya sumagot at nanginginig nyang kinuha ang kanyang pitaka sakanyang bag, mabilis ko yung hinablot, at dali-dali akong kumaripas ng takbo. Walang awa kong ninakawan yun, pero di ko na iniisip ang pag ka awa pag ginagawa ko ito, dahil ang ganitong tanging kabuhayan lang ang nagpapabuhay sa akin. ------------------------------------ Chapter 01 Broken Hearts *Tokyo Japan* "Madie, Sino na naman yung kausap mong lalaki kanina?" bungad ko dito sa kay Madie. Ang girlfriend ng kaibigan ko. sya lang naman ang kilala kong babae na papalit-palit ng lalaki. "Wala yun Francine," tugon nya habang nagte-text, wala lang daw iyon? E halata namang flavor of the week nya ito… "Mads? Hindi kana ba talaga magbabago?” seryosong tanong ko, napatigil sya sa pagte-text at nakangisi nya akong binalingan na tila wala lang sakanya. "Oo Francine…Ayokong mag-seryoso.” Ngumiwi nalang ako at tsaka umiling…Mukhang hindi naman na talaga sya magbabago. Inayos ko nalang itong mga damit na susuutin ni Steve. Ako pala si Francine Mendoza, isang puchu puchung stylist.. nandito ako ngayon sa Japan with Steve Perez, angatalik na kaibigan at kababata ko. May lihim din akong pagtingin sakanya ngunit hindi nya iyon alam.. subalit ang masaklap pa doon ang mahal nya ay si Madie. Ako ang nagsisilbing stylist ni Steve kaya nandito din ako sa Japan. Meron kasi silang sinoshoot na project together.. Habang abala akong nag-aayos ng mga damit ay nagring ang cellphone ko. Nakita kong si Steve ang nag-flash sa screen kaya mabilis ko itong sinagot. “Hello Steve?” Bungad ko sakanya. Subalit napangiwi ako nang panay lang ang kanyang bayolenteng buntong hininga. “Steve may problema ka ba?” Untag ko. “Fansss…Binusted ako ni Madie..” Kanyang sagot. Napatampal ako sa aking noo.. Paano sya hindi babastedin e may iba na syang kinahuhumalingan ngayon…Open na open si Steve sa feelings nya dito but Madie always rejecting him. “Saan ka ngayon?” Saad ko. “Dito sa suite ko.”Malungkot nyang tugon. Hindi nako nagpatumpik-tumpik pa at agad agad akong nagtungo doon sakanyang suite. Pagpasok ko ay bumungad sya sa akin na ngayon ay biyernes santo ang mukha. "Ano bang nangyari?" bungad ko kaagad sakanya, halata sa mukha nya ang lungkot. Ayoko syang nakikitang ganito. "I got rejected again by her," mahina nyang untag habang diretso ang tingin sa kawalan. Dati pa kasi sya nagpapansin sa kay Madie subalit hindi nya ‘to pinapansin. "Si Madie ang tinutukoy mo diba?" tanong ko, tumango sya at tsaka nya ako mabilis binalingan. Naaawa ako pero at the same time gusto ko syang batukan. Ba't ba kasi di nya ko pinapansin? Kaibigan lang ba talaga ang turing nya sa kin at masasandalan? dati pa ko nagpapansin sakanya, ngunit wala namang yung epekto. "Hindi sya ang para sayo Steve, maghanap ka nalang ng iba," sabi ko ulit, ngumuso sya tapos inirapan nya ko. Ayaw nya panigurado dun sa sinabi ko, pero tama naman yung sinabi ko diba?, hindi bagay ang isang lalakerong Madie para sakanya, baka saktan nya lang ito. At ayoko kung mangyari yun, ayoko din dahil mahal ko sya ayoko syang mapunta sa iba. "Sinasabi mo bang di akong nararapat na lalake sakanya?" aniya. Di mu kasi alam e Steve, hindi mo alam ang ugali ni Madie, sasaktan kalang nya. "Oo, madami namang iba jan," nagpaparinig talaga ako. Pero umiling lang sya. "No! Mapapa sa akin sya Francine, sa tingin mo ano ang kailangan kong gawin para mapasagot ko sya?" sabi nya. At dahil dun mas lalong kinurot yung puso ko. "Di ko alam Steve," sagot ko. Nagulat nalang ako ng bigla nyang hinawakan ang dalawang balikat ko. "Tulungan moko please Francine, diba kaibigan mudin naman yung si Madie, pakiusapan mo sya, at ibida mo ako sakanya," sabi nya habang diretso ang pagtitig nya sakin. Ang sakit. Hindi ako makasagot. "I'll try Steve," sabi ko at yumuko ako. "Thanks," sambit nya. "Sige, bukas diba may taping kayo para sa music video ng album collaboration nyo?" utas ko, sumigla bigla ang mukha nya. Ganun nalang talaga ang pagkahumaling nya kay Madie. Ano bang meron kay Madie? At kahit nireject na sya na nito, ay mahal na mahal nya padin. "Yep," sabi nya. "Ayun, kulitin mo sya bukas, yayain mo syang magdate," sabi ko. Tumango-tango naman sya at lumabas sya ng kwarto at pumunta sya dun sa living room. Zaki's POV Pakalat-kalat na naman ako ngayon, hindi ko alam kung san na naman ako mambibiktima neto, ubos na kasi yung nahuthot ko nung isang araw. Habang buhay na kayang ganto ang buhay ko? Na palaboy nalang? Kung may chance lang, gusto kong bumalik nalang ulit ng Pilipinas. Habang naglalakad ako, nakakita ako ng isang magandang jewely shop. kumislap ang mga mata ko, paniguradong magugustuhan ito ni Sunny, mahilig sya sa mga gantong sing-sing. Si Sunny, sya ang aking girlfriend. Filipina din sya na nagtatrabaho dito. Paano ko kaya to mabibili eh wala naman akong pera? Eh kung nakawin ko kaya? Tsk. Di yun pwede masyadong secured tong shop. makukulong ako pag nagkataon. Papasok nalang ako, at titignan ko ang presyo nya, baka sakaling mapag ipunan ko yon. Pumasok ako sa loob para tignan ng malapitan yung dress at para tignan na din ang presyo. Mabilis akong sinundan nang clerk. Matama nya akong tinitignan habang pinagmamasdan ko itong sing-sing. Ang sama nang tingin nya sa akin. Ayaw nya ako paniguradong i-entertain dahil halata sa itsura ko na hindi ko naman ito afford. "That's expensive," sabi nya. Tanginang clerk to ah? Alam kong mahal to, bakit masama bang mag canvass? Kaya ko itong bilhin, pag naka chamba ako na madaming pera ang mananakawan ko. Suddenly biglang may pumasok na syang nakapagpalaglag ng panga ko. Para din akong binuhusan ng malamig na tubig sa king nakita. Si Sunny kasi ito. Pero bakit may kasama syang matandang hapon na lalake? Pinagpalit nya na ba ako? The thought is so depressing subalit parang nahihinuha ko na rin naman. This past few days kasi ay hindi kami ayos. Palagi kaming nag-aaway. Panay kasi ang reklamo nya na ayaw nya sa akin. Na wala syang magiging future sa akin. At parang di nya na din maatim na ang pinamimili kong binibigay sakanya ay galing lamang sa nakaw. Nagtagpo ang mga mata namin ni Sunny ngunit ang ikinalulungkot ko ay hindi nya ako pinansin, at pinagpatuloy nyalang ang pamimili ng mga singsing. What the hell? Tinry kong pakalmahin ang sarili ko, kahit na sa totoo lang gusto ko ng magwala dito dahil sa panggagago ni Sunny sa akin? Panay ang tawa nila nong hapon na kasama nya. Mas pinalupot din noong lalake ang kanyang kamay sa bewang ni Sunny. Unti-unti ng nag sink in sakin na ganun nga, pinagpalit nya ko sa isang mayaman. Lumabas nako dun sa shop at hinintay ko syang makalabas. Nung makalabas na sya agad kong hinigit ang kanyang kamay. Nagpaalam sya dun sa matandang hapon na kasama nya, sinabi nyang hintayin nya nalang sya sa kotse dahil kakausapin nya pa ako. "Anong ibig sabihin nung nakita ko ah Sunny!" taas boses kong tanong sakanya. "Ano sa tingin mo Zaki?" walang-gana nyang sagot. Nagbuntong hininga naman ako ng marahas. "Ginagago mo ba ko?" sabi ko habang nakayukom. "Zaki…Hindi ba’t nasabi ko na din naman sa iyo na wala akong kahihinatnan sa isang katulad mo," parang piniga ang puso ko dun sa sinabi nya, talagang sinampal nya sa akin ang katotohanan na wala akong kwenta. Pero totoo naman yun, praktikal lang sya, mas pinili nya ang mayaman kesa sakin. "Hindi muna ba ko mahal huh Sunny? Alam kong pineperahan mulang yung matandang yon, tinatry ko namang ibigay lahat ng mga gusto at pangangailangan mo ah, kulang padin ba yon ah!" sabi ko habang inalog alog ko sya pero wala lang sakanya. Nananitiling impassive ang kanyang ekspresyon. "Sorry Zaki.” Inalis nya ang pagkakahawak ko at tsaka nya ako iniwan. Tangina! Ang hirap tanggapin na hiniwalayan nya ko dahil sa mahirap lang ako. At isang malaking sampal din sa p*********i ko na mas pinili nyang sumama sa mayaman! Nice… Nag-igting ang panga ko at kumuyom rin ang aking kamao habang tinitignan ang paalis na Sunny. This is too much..Napakasakit ng ginawa nya. Francine's POV "Manager malapit naba tayo sa location ng shooting para sa music video?" tanong ni Steve sa manager nya, habang nakasakay kami ng kotse, nandito kami ngayon sa back seat, habang ang driver naman ay ang manager nya. "Ahm oo!" "Alright," tipid nyang sagot habang nakangiti, ako naman ay lumungkot. Alam kong masaya sya dahil makakasama nya na naman si Madie… Pagkababa namin ng kotse, agad kong inayos yung suot nya. Then I retouch him. "Thank you Francine, basta yung hiling ko sayong paglapitin kami ni Madie ah?" pinaalala nya na naman. And it breaks my heart again. Ngumiti ako ng pilit. Makalipas ang ilang sandali, nagsimula na silang magshoot para sa music video nilang gagawin, grabe parang gusto ko ng umalis, lalo na nung makita ko silang parang maghahalikan na. ‘Yon kasi ang utos noong director. Napapikit nalang ako, at pinili kong huwag ng manood. Pumunta na lang ako dito sa dressing room. Naninikip na naman ang dibdib ko. The biggest heartbreak is watching the one you love, loving someone else. Nung mejo ok na ko, lumabas nakong muli, at buti pahinga muna sila sa pag sh-shoot. Agad na lumapit sakin si Madie. "Francine, mamaya labas tayo ah! Magsaya tayo!" pag ayaya nya, yumuko nalang ako. Hindi ko alam kung kaya kong magsaya ngayon. "Pumayag kana please! May papakilala akong lalake sayo." Talagang kumindat kindat pa talaga sya, akala nya naman interesado ako sa ibang lalake, eh kay Steve lang naman umiikot ang mundo ko. "Wag nalang Madie, hm. Si Steve nalang yung yayain mo, magdate kayo kung gusto mo," mahinang untag ko. Talagang ipinipilit ko sakanya si Steve. "Ang K.J!" aniya. Hindi pa man ako nakakasagot bigla namang dumating si Steve, sumingit sya bigla. "Can I join?" sabi nya, mukhang narinig nya yung pag yayaya ni Madie kanina, tumaas naman bigla ang kilay ni Madie. "Pwede naman," sabi nya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Steve. "Kayo nalang huh? Baka busy ako mamaya," ngumiti si Steve dun sa sinabi ko, yun naman ang gusto nya eh, na masolo nya si Madie. Umalis nalang ako, ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin ni Steve sakanya..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.9K
bc

Unexpected Romance

read
38.7K
bc

Hired to Be Yours

read
2.9M
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.8K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook