Chapter 2

1420 Words
Chapter 02 Meeting Her Steven POV "Bakit sya biglang umalis?" tanong sakin ngayon ni Madie habang magkasama kami sa isang resto dito sa Japan. We're officially on, kami na ni Madie sa wakas! Pero ang ikinalulungkot ko lang biglang umalis si Francine na hindi man lang nagpapaalam. ‘Pati tong si Madie nagtataka tuloy. "I don't even know, basta ang sabi nya dun sa text nya something happens daw sa Pinas,mukhang emergency eh, di naman sya siguro uuwi ng ganun ganun nalang kung di importante" - Flashback - "Francine?!" sigaw ko habang papasok nako ng tinutuluyang naming hotel. kumunot ang noo ko dahil sa walang sumasagot. Kakarating ko lang galing sa date naming dalawa ni Madie. Madaling araw na ngayon. "Nasan na kaya ang babaeng yun?" Pumunta ako ng suite nya, pero wala sya don. Bigla nalang akong naka-receive ng text sakanya Siya: Steve, kailangan ko ng bumalik ng Pilipinas may nangyari kasi eh. Sorry ah. Hindi man lang sya nag-paalam sa akin ng personal?Yung babaeng yun talaga. Tinawagan ko sya pero out of reach ang kanyang phone! Nasa himpapawid na yata. Napapout ako, this past few days kakaiba ang kinikilos ni Francine. lalo na nung malaman nyang kami ng dalawa ni Madie, nagkibit balikat nalang ako. - end of flashback – "Sayang di nya man lang naenjoy ang pag i-stay nya dito sa Japan, eh kung umuwi nadin kaya ako ng Pilipinas?" untag ni Madie, ngumuso ako dahil don. Mas mahalaga yata si Francine na kaibigan nya kesa sakin. "Wag muna! Sulitin na natin ang nalalabing araw natin dito," humalakhak lang sya pagkatapos kong sabihin yun. "Para san pa? natapos nadin naman ang project natin together," aniya. "Ayaw mo nun? Madami tayong time, kaya dito muna tayo!" sabi ko. Nagtataka din ako dito kay Madie, nagtataka ako kung bakit nya ko biglang sinagot eh dati ayaw nya naman sakin. Naiinis din ako sakanya, kasi parang di naman boyfriend ang turingnya sakin. Hindi man sya sweet, pero ayos lang yun, ang importante ay kami na. Nakuha ko na din sya, salamat din kay Francine dahil tinulungan nya ko. Francine's POV Sa mga sumunod na araw, nalaman kong mag boyfriend girlfriend na nga si Steve at Madie, ng dahil don parang nawalan nako ng ganang manatali pa dito kasama sila together. Kaya minaigi ko ng umalis nalang, madaling araw ngayon hindi ko na ipapaalam kay Steve na uuwi na ko ng Pilipinas, kasi kapag sinabi ko sakanya ngayon, hindi yun papayag. Ang ginawa ko nalang ay tinext ko sya, gusto ko na syang iwasan. At gusto ko din ma fall out nako sakanya, kaso ang hirap. Habang nakatunganga akong naglalakad at hila hila itong maleta ko, suddenly bigla nalang may lumapit sakin na dalawang armadong lalake, they look like a thiefs! Kinabahan ako bigla ng hinawakan nila ang kamay ko, gusto kong sumigaw pero nanigas ako sa takot. Anong gagawin nila sakin? Walangya, pati pala sa isang maunlad na bansa ay may mga magnanakaw din? Hindi ako nakapalag, tuluyan nila akong naipasok sa bulok nilang kotse. Gusto kong makatakas pero pano! "What do you want!!!" sigaw ko pero di sila makasagot, maybe di nila gets yung sinabi ko. Dahil di sila marunong mag English. Sinimulan na kong kapkapin nung isa. "AHHHH!!!" sumigaw ako ng malakas, pero wala yung epekto. Katapusan ko na ba? Ang malas ko naman, pauwi nalang ako ngayon pa nangyari sakin to, lecheng buhay ito.. "Wallet?" sabi nung isa at inilahad nya sakin yung kamay nya, mukhang hinihingi nya ang wallet ko, sabi ko na nga ba eh! "NO!!!" piglas ko. Subalit bigla nya nalang inagaw ang bag ko, at kinuha yung wallet ko. Nung makuha na nila, tumigil ang kanilang sasakyan sa tahimik na lugar at itinulak ako pababa ng kotse! Iniwan nila kong walang wala.Kinuha nila lahat ng mga gamit ko, nagwala ako sa inis! "MGA WALANGYA KAYO!!!!!" Sumigaw ako, kahit na alam kong wala naman iyong magagawa. Wala na..nakuha nila lahat sa akin. Ang saklap, nabiktima ako ng mga walangyang magnanakaw. Pano nako uuwi neto? Pano na? Napaiyak nalang ako, dahil sa takot. Natatakot ako na baka di na ko makauwi, at manatili na ko dito. Bat nangyari sakin to, ano ng gagawin ko? I'm so helpless. Pati phone ko nakuha din nila eh. Wala akong matawagan ng tulong, ang saklap talaga.. Sumapit ang umaga nagpalaboy-laboy nalang ako. Gusto kong bumalik doon sa hotel subalit paano? Masyado na iyong malayo dito sa kinaroroonan ko. Naghanap ako kung sinong pwedeng tumulong sakin, pagod nadin ako sa kakalakad, kumukulo nadin ang sikmura ko, gutom na gutom na ko. Umiiyak padin ako, dahil sa di ko na alam ang gagawin. Napaupo ako sa isang walang taong kalsada, habang humahagulgol padin sa pag iyak. Nang bigla namang may humarap sakin, umupo din sya. Sino to? Mukha syang nawiwirduhan sakin. "Why are you crying?" hinarapan ko sya, at nagulat ako nung makita ko ang itsura nya. Mukha syang Pinoy. Pero may pagkasingkit. "I'm lost..." "Hm. Are you a Filipino?" napahawak ako sa bibig nung sinabi nya yun at the same time nabuhayan ako bigla. Pero napatigil din ako kalaunan, pano ako makakasiguro kung tutulungan ako ng lalaking ito? Eh mukhang di naman katiwa tiwala ang itsura nya, kamukha din kasi sya nung mga nagnakaw sakin kanina. Gusgusin pa sya, mukha syang gangster na holdaper na ewan. "Oo!" "Filipino din ako, ba't ka nawawala?” curious nyang tanong. Parang gumaan bigla ang loob ko, parang mukha naman syang mapagkakatiwalaan. "Naholdap kasi ako, wala na silang tinira sakin, kaya eto palaboy-laboy nalang ako, pwede muba kong tulungan?" pakiusap ko sakanya habang umiiyak padin, nakatulala sya sakin ngayon na mukhang naaawa. Pero para syang nagdadalawang isip kung tutulungan nya ba ko o hindi. "Pano kita tutulungan?" aniya. "Idala moko sa embassy o kung san man pwedeng ipagreportan nung mga humoldap sakin, please! Nagmamakaawa ako!" hinawakan ko ang kanyang braso at nangugunsap ko syang tinitigan. Zaki's POV Wengyang babae ito oh, kung alam ko lang sana hindi ko na sya nilapitan kanina. Nakakaawa kasi eh. Nanakawan daw sya sabi nya, kung alam nya lang din magnanakaw din ako. Tss. Pasalamat sya at may awa ako kaya ko sya tinulungan ngayon. Dinala ko sya sa isang restobar, gutom na gutom na daw kasi sya eh, halata nga namumutla at nanginginig na kasi sya. Buti nalang kaya ko syang itreat dahil may nanakawan ako kanina, buti nalang talaga. Sobrang takaw nya, talagang kulang nalang pati kutsara lamunin na nya eh. "Miss ano nga palang pangalan mo?" linunok nya muna yung puno nyang bibig bago sya sumagot. "Ako nga pala si Francine! Ikaw?" sabi nya at inilahad nya ang kamay nya sa akin, tinanggap ko naman iyon. "Ako naman si Zaki," ngumiti sya ng pagkalapad lapad pagkatapos. Infairmess maganda sya, kaso hindi ko sya type. "Filipino ka diba? Pano ka naman napunta dito sa Japan?" tanong nya. Pinagtaasan ko lang sya ng kilay, I don't want to answer her question, at tsaka sino sya para sabihin ko sakanya ang madrama kong buhay diba? Eh kakakilala ko lang din naman sakanya. "Wag munang alamin," malamig kong sabi, natahimik sya bigla. "Ah okay pero salamat talaga buti may nakilala akong kababayan ko dito! Salamat talaga," hanggang dito lang kaya kitang tulungan pero pagkatapos, iiwan nadin kita. Nagkatitigan kami ng saglit, parang na awkwardan sya dun sa ginawa kong pagtitig sakanya. "Sige, aalis nako huh? Pasensya kana, madami din kasi akong gagawin, sa iba ka nalang magpatulong," sabi ko at tumayo na. Nagulat sya dun sa ginawa ko, sa expresyon ng mukha nya parang ayaw nya kong paalisin. "Teka wag mo naman akong iwan! Pagkatapos ko dito, di ko parin alam kung san ako pupunta!" aniya. Hindi na. ayoko na syang tulungan masyado nakong napeperwisyo, problema nya na yan. Hindi lang sya ang may problema, kung alam nya lang vagrant lang din ako. "Zaki maawa ka naman!" Hindi ko sya pinansin at lumabas nako ng tuluyan dun sa restobar. Bumalik na ako dito sa tinutulayan kong abandonadong building. Ang nagsisilbing tuluyan namin ng mga kapwa ko, scam artist. Eksaktong pagkarating ko nakita ko ang mga gangmates ko na masayang masaya, mukha yatang may nabiktima sila. Lumapit ako, nakita kong kinakalkal nila yung isang bag gamit siguro ito nung nabiktima nila, may nakaagaw ng aking pansin, nakita ko yung passport, probably passport to, nung nabiktima nila. Pinulot ko iyon, at namilog ang mga mata ko nung nakita ko kung sino yung nasa picture nung passport, walang iba kungdi yung babae kanina! Yung Francine! Crap! Sya pala yung nabiktima ng mga gangmates ko. -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD