Chapter 20 Umiiwas Francine's POV "Oh my G! Talaga! Yinaya ka ni Steve na gawing muse!" parang timang na sambit ni Camille habang hawak hawak ang kanyang dibdib at parang nag a-act na parang hihimatayin na. Sinabi ko kasi sakanya yung pag anyaya ni Steve sa 'kin na gawin daw akong 'muse' sa darating na birthday party ng kapwa nyang artista na si Megan Mendez. At eto, hindi sya makapaniwala. Tinampal ko ang kamay nya ng dahil sa ka o-A'n ng loka. "Ang exaggerated mo naman!" sabi ko, nag ayos sya ng upo at tinitigan ako ng diretso sa mata, pero hindi parin mawala ang ngiti nya sa kanyang labi. "Grabe Frans! Hindi ako makapaniwala na ikaw ang gustong i-muse ni Steve, bakit parang hindi ka masaya?" Ngumuso ako pagkatapos nyang sabihin yon. "Nahihiya kasi ako Formal event yun e Camille.

