Chapter 60 Meant To Be Francine's POV Papa drive's me papunta sa bahay nina Tita Stella, ngayon na kasi yung araw na kung saan nagpaparty si Tita para ipakilala sa mga tao at pati nadin sa mga media si Zaki. Mabuti nang maipakilala sya ng pormal. Para hindi na maguluhan ang mga tao kung sino nga ba si Zaki sa buhay ni tita Stella. Nasa mood talaga ako, magsimula nung gabing sinagot ko ulit si Zaki. Basta, ang saya ng nararamdaman ko, para kasing secured na ang pakiramdam ko e. Nang makarating na kami sa bahay nila. Hindi na 'ko nagulat kung bakit star studded at punong-puno ng media ang paligid. Pinasadahan ako ng tingin ng mga ibang artista, yung mga ka-close ko ay kinawayan at nginitian ko naman. Hinanap kaagad ng paningin ko si Zaki. Nasan na kaya yun ngayon? Baka siguro kasama

