Chapter 58 One Lucky Guy Francine's POV Sumapit ang gabi, hindi nagawang makauwi ni Zaki dahil nagkaya-yaan silang mag-inuman ni papa. Nakakainis nga, pinapauwi ko na nga kanina pa ngunit ayaw nya naman akong sundin. Masaya sila ngayong nag-uusap habang papikit-pikit na, alam kong pareho na silang may tama. Pinagmamasdan ko si papa, bakas sakanyang ekspresyon ang kasiyahan, lagi na syang ganto simula nung magkapatawaran sila ni Zaki na para bang nawala na ang bigat na nararamdaman nya. Ganun din si Zaki natutuwa ako dahil nakikita ko na syang ngumingiti at tumatawa, pero dati palagi syang mukhang malungkot. Tinry kong pakinggan kung ano ang pinag-uusapan nila, at ayun kahit pagewang-gewang na sila kung magsalita, nalaman ko parin kung sino ang pinag-uusapan nila, yun nga ay si tita S

