Chapter 49 I Was Wrong Marubdob na pumipintig ang puso ko habang laglag pangang pinagmamasdan si Zaki, para bang hindi ako makapaniwala na nandito sya. Bakit sya nandito? Iyon din ang tanong sa aking isipan, hindi ba't galit sya? Malayo-layo pa sya sa kinatatayuan namin ni Steve, ngunit unti-unti akong natatauhan nang nakita ko syang umaambang papalapit sa amin. Bumaba ang tingin ko sa kamay naming dalawa ni Steve na magkahawak, he squeezes my palm tightly. Ang hirap lumunok, nanunuyo ang lalamunan ko, hindi ako makapagsalita, at para ding gusto ko nalang gawin ngayon ay ang umalis. Tumikhim si Steve, kaya nakuha nya ang atensyon ko, muli kong binaling ang tingin ko sakanya na ngayon ay sobrang seryoso ng ekspresyon. "Why are you here?" malamig na sabi ni Steve kay Zaki, napabaling

