CELINE POV
I am worried about my son. Hindi na siya nakakakain at nakakatulog ng maayos dahil sa pag-aalala kay Chanelle.
I am truly happy to see him become a responsible man and husband to her wife.
I can't believe what they are going through now. Napakabigat ng pagsubok na ibinigay agad sa relasyon nilang mag-asawa.
"Honey..." malambing na sabi ng asawa ko. Bagama't pagod kami sa trabaho at nakahiga na para ipahinga ang katawan ay di natitigil ang isip namin dahil sa problema ng aming anak.
"Kawawa naman ang anak natin, John." Malungkot na sabi ko sa asawa ko. Nagpakawala naman siya ng malalim ng paghinga.
"Oo nga. I can't believe this is really happening. Our supposed to be first grand daughter is gone. Parang hindi na tao ang mga magulang ni Chanelle." Punong-puno ng dismaya na sabi nya. Hindi ko rin maitatanggi na sobra yung ginawa ng sarili niyang mga magulang sa sarili pa nilang ospital.
"Dati pa lang alam natin na may pagka-psycho ang Helena na yun dahil baliw na baliw kay Cesar. Sobra nga ang galit no'n sa akin nang malaman na may gusto sa akin si Cesar."
Napatawa lang si John.
"Nag-aalala ka ba dahil sa pagiging psycho nung Helena na yun o binabalikan mo lang ang matamis na sandali dahil sa minsang pagkagusto niya sayo." Pang-aasar ni John sa akin.
"Bakit parang nangangamoy selos ang kwarto natin?" Natatawang sabi ko sa kanya.
"Sinong nagseselos? Bakit naman ako magseselos? Ikaw nga ang humabol sa akin noon kaya tayo ang mag-asawa ngayon." Mayabang na sabi niya.
Hinampas ko siya ng bahagya sa braso. "Aba ! Ako pa talaga ang naghabol sayo noon? Kaya pala sobra ang galit sayo ngayon ni Cesar."
Napatahimik siya sa sinabi ko. Hindi maayos ang relasyon namin sa mga magulang ni Chanelle kaya ganon na lamang ang pagtutol nila sa relasyon nila ni Sky.
"Hanggang ngayon iniisip pa rin ni Cesar na inagaw kita sa kanya. Ikaw kasi masyado kang lalakero noon. HAHAHAHA."
"Well, wala ka namang inagaw dahil pareho ko lang kayong manliligaw noon. Nagkataon lang talaga na pareho kayong nabighani sa karisma ko." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Until now that we are in our 50's, ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa paningin ko."
Sabi niya habang nakatitig lang sa akin. Kahit 56 na kami ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang kiligin.
"At ikaw pa rin ang pinakamatipuno at gwapo sa paningin ko maliban sa unico hijo natin."
Parehong nanliligaw sa akin si John at Cesar noon pero mas matimbang si John para sa akin kaya siya ang pinili ko. Mabait naman si Cesar at masugid na nanligaw sa akin. Dahil sa pagpili ko kay John ay nasira ang pagkakaibigan nilang dalawa. Inisip ni Cesar na inagawan siya ni John, na ngayon ay asawa ko na. Akala ko naman dahil pareho na kaming may kanya-kanyang pamilya ay makakalimot na si Cesar. Masyado namang mapaglaro ang tadhana at ang mga anak naman namin ang nagkaibigan ngunit tutol naman si Cesar.
"Kidding aside, honey. Alam naman natin na mabait yung Cesar na yun. Kahit mahilig sumali sa mga patimpalak yun noong kapanahunan namin ay mapagpakumbaba siya at marunong tumanggap ng pagkatalo. Nag-iba lang ang lahat nang pumunta siya sa Europe at namalagi doon." Malungkot ni John sa akin.
"Kaya nga honey. Nang malaman niyang nagpakasal na tayo ay nagdesisyon siyang tumungo sa Europe at nagkaroon na lang tayo ng balita sa kanya nong bumalik siya dito sa Pilipinas na kasal na sila ni Helena at may dalawa ng anak."
"Schoolmate din natin si Helena pero hindi pa rin ako makapaniwala na yun ang pinatulan ni Cesar." Dismayado niyang sabi.
"Grabe ka naman honey."
"Totoo naman honey. Alam naman natin malakas din ang appeal ni Cesar sa mga babae noong kapanuhan namin. Alam rin natin na sobra ang pagkagusto ni Helena sa kanya. Halos sambahin na nga niya si Cesar non."
"Isama mo pang halos kalbuhin nya ako nung malaman niyang nililigawan ako ni Cesar. Pinapadalhan nya ako ng kahong may laman na patay na daga, death threats at kung anu-ano pa. Yun din ang dahilan kaya inayawan ko si Cesar. Hindi pa man kami ay pinipeste na ako ng Helena na yun." Napapailing na lang ako kapag naaalala ko yung mga ginagawa ni Helena noon sa akin.
"I still can't believe na naging asawa ni Cesar yun at nagkaron pa ng dalawang anak."
"Hindi naman nakakagulat honey na nagustuhan siya at pinakasalan ni Cesar. Ang mas nakakagulat naman ay yung asal niya sa sarili niyang mga anak."
"I agree with that. Ang balita ko ay nasa Europe ang panganay nilang anak dahil nagrebelde daw, but according to our son sinuhulan daw ni Cesar ang long-time boyfriend nito para hiwalayan ang anak niya at ipinadala sa Europe para makaiwas sa iskandalo."
Napanganga ako sa sinabi ni John. Ngayon ko lang narinig ang tungkol sa gawain ng parents ni Chanelle sa kanilang magkapatid. Lalo akong nakaramdam ng awa kay Chanelle.
"You know what honey? Baka hindi naman si Helena ang mother nilang dalawa. I'm not trying to be judgmental, baka lang naman..
Sino ba namang nanay na nasa tamang pag-iisip at nagmamahal sa anak niya ang papayag na masira ang buhay ng sarili niyang mga anak."
"Ayaw ko ring maging mapanghusga at pakialamero pero hindi naman tama ang nangyayari sa pamilya nila. As much as possible ayaw ko sanang makisawsaw tayo sa kanila Celine dahil ayaw ko rin ng iskandalo. Makakaapekto yun sa negosyo natin. But our son is married to their daughter. Hindi natin pwedeng hayaan na lang ang anak natin na balikatin ang lahat ng problema. Mas kailangan tayo ng anak natin." Punong-puno ng pag-aalala na sabi ng asawa ko.
"And you what again?"
"Hmmm.."
"That's why I chose you.. napakabuti mong asawa at ama sa amin ni Sky. Kahit kailan hindi ako nagsisi na ikaw ang pinili ko over Cesar. Kung nagkataon ako siguro ang miserable ang buhay ngayon."
"No, Celine. Ako ang maswerte sayo. Kung hindi ikaw ang naging asawa ko hindi ko mararating kung ano man ang meron ako ngayon. You supported me althroughout our journey. At kung si Cesar ang naging asawa mo, siya naman ang magsasabi sayo ng ganito. You are a great woman with a heart of gold and wise understanding."
"Dinadaan mo na naman ako sa ganyang linyahan mo honey. Kaya lalo kitang minamahal eh. Para walang talo ay maswerte tayo sa isa't-isa."
He hugged me. "Don't worry honey, malalagpasan din ng anak natin ang mga pinagdadaanan nya. Aalalayan naman natin siya."
"Yes, honey. We will help them overcome their trials. Normal lang naman sa mag-asawa ang may pagdaanan para mas tumatag ang pagsasama."
"Look at us now. Staying stronger until the end."
"Bakit hindi kaya natin hanapin ang ate ni Chanelle? Di ba may mga kaibigan ka sa Europe? Malaki rin ang maitutulong ng ate niya sa recovery niya. Wala naman tayong maaasahan sa parents niya dahil sila ang dahilan ng lahat ng ito."
"Okay. Let's sleep honey. We'll talk about that tomorrow."