SKY POV
Marco and Trixie visited Chanelle and I sensed the dismay from their faces. Trixie almost cried when she entered our room. Chanelle's face is blank. No emotions can be seen in her face.
"Chanelle...... anong nangyari sayo? Ang tapang-tapang mo pero bakit sa ganitong paraan ka sumuko. Sana humingi ka man lang ng tulong sa amin." She said while sobbing.
Kahit hindi maganda ang nangyari kay Chanelle at Trixie noon ay napatawad din siya and they became good friends.
"I'm sorry Sky. We didn't know what happened. We're too busy taking care of the kids." Hinging-paumanhin ni Marco.
"It's okay Marco and Trixie. Masyado ring biglaan ang mga pangyayari. Sa sobrang biglaan she ended up like this." Naluluhang sabi ko. Simula nung mangyari ang lahat ng nangyari ay pinipigilan kong umiyak o panghinaan man lang.
Kailangan kong magpakatatag para kay Chanelle...para sa asawa ko.
Hinimas ni Trixie ang likod ko at niyakap. "Ayos lang mapagod at umiyak paminsan-minsan Sky, Hindi rin naman ganon kadali ang pinagdadaanan mo ngayon. Hindi mo kailangang magpanggap o pilitin ang sarili mo."
Sabi niya habang nakayakap sa akin. Mag-eemote na sana ako ng bigla siyang hinablot ni Marco palayo sa akin.
"Damn! You can comfort him without hugging him." Masungit na sabi ni Marco.
Imbis na mapaiyak ako sa sinabi ni Trixie natawa na lang ako. Ayos din itong Marco. Pareho na kaming kasal pero possessive pa rin kay Trixie.
"I can't believe you Marco. Friendly advice and comfort lang pero nagselos ka agad?" Natatawang sabi ko sa kanya.
"Tsk. No touching of wife Del Castillo. I am concerned about you and your wife but hugging you is a different story." Masungit na sabi nya. Pampalubag-loob lang ata ang pagsabi niya ng concern siya. Wala pa ring pagbabago.
"Ano ka ba naman Marco?! May pinagdadaanan ang pinsan mo pero nagagawa mo pang pairalin yang ganyang ugali mo." Medyo nagtaas na ng boses si Trixie.
"I'm sorry babe. I can't help it. You are mine alone." Sabi ni Marco ng buong pagpapakumbaba.
"Dito pa talaga kayo naglambingan ah? Nang-aasar ba kayo?" Natatawa kong sabi sa kanila. Pero may parte na naiinggit ako. Siguro kung okay lang si Chanelle ngayon baka kami naman ang nag-aasaran ngayon. Pikon pa naman sa akin yun.
"Pasensya ka na Sky ha? Nakakainis kasi itong si Marco."
"Ikaw lang pala ang makakapag-pababa ng pride nitong si Marco. Hindi pa naman basta nagpapatalo yan." Pang-aasar ko kay Marco. The mighty Marco De Luna ay tumitiklop asawa samantalang hindi kinakaya ng mga business tycoons sa business world.
"Ewan ko ba dyan Sky. Hindi ko naman siya inaaway. Hindi ko rin siya hinihigpitan pero lagi siyang ganyan." Medyo inis ng sabi ni Trixie.
Nanahimik naman si Marco mukhang nakahalata na sa reaksyon ng asawa nya.
"Anyway, asan ang triplets?" Pag-iiba ko ng usapan. Mukhang nagkakainitan na eh.
"Nasa bahay sila. Dadalhin sana namin kaso nakakahiya naman dahil sobrang kukulit na nila."
"Really?! Gustong-gusto pa naman sila ni Chanelle." Medyo nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi ko.
"We didn't bring the kids because you might feel bad because of what happened to your almost daughter." Malungkot na sabi ni Marco.
"Pasensya na Marco and Trixie. Pati yung happiness niyo sa mga anak niyo ay naaapektuhan dahil sa sitwasyon namin ni Chanelle."
"Don't feel bad about it. Totoong concern kami sa welfare niyo ng asawa mo. Pag okay na kayo lagi kaming papasyal dito para may mapaglibangan din kayo." Dugtong pa niya. Ngayon lang naging ganito ka-concern si Marco sa akin. Kahit naman laging highblood yan ay mabuti ang kalooban niya.
"Sky... no offense ah? Ayaw mo bang dalahin sa ospital si Chanelle? Mas maalagaan siya doon."
Tanong ni Trixie. Mukhang wala nga silang alam sa mga nangyari.
Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari kung bakit nangyari ang ganito kay Chanelle.
Napaawang pareho ang bibig ni Marco at Trixie.
Hindi sila makapaniwalang mga magulang mismo ni Chanelle ang naglagay sa kanya sa ganitong sitwasyon.
Lalong napaiyak si Trixie at napahawak sa kamay ni Chanelle.
"Hindi naman namin alam na ganon pala ang nangyari kay Chanelle. Ang akala lang namin ay nakunan siya hindi niya kinaya kaya nagkaganyan siya."
"No worries Trixie. Sinadya naman talaga naming hindi ipaalam sa iba ang nangyari dahil umiiwas kami sa mas malaking iskandalo hindi para sa mga magulang niya kundi para kay Chanelle din. Hindi makakatulong sa kanya kapag na-broadcast pa ito at pagpiyestahan pa ng mga tao."
"Do you need help?" Offer ni Marco.
"Yes, please. Nahihirapan ang mga abogado namin na ipakulong sila dahil masyado raw malinis ang pagkakagawa ng krimen sa kanya at siya lang ang pwede rin sanang maging testigo pero ganito ang kalagayan niya."
"Why don't use your money and influence para mapalabas ang may kasalanan Del Castillo?"
"Kung ganon lang sana kadali Marco matagal ng naghihimas ng rehas ang parents niya. Baka nakalimutan mong maimpluwensya rin ang pamilya nila Chanelle."
"I get your point. I will help find evidence para madiin sila sa kaso na dapat na isampa sa kanila. I can't believe na ganon ang parents niya. I thought mababait sila." Dismayadong sabi ni Marco.
"Ayaw nila sa akin para sa anak nila kaya ganon ang ginawa nila." Malungkot na sabi ko.
"That's unreasonable. Killing their own grand daughter just because they are against your relationship? f**k!"
"Calm down, Marco. Mabibigyan din ng hustisya ang nangyari sa mag-ina ko. Sa ngayon ang focus ko muna ay maging okay siya. Anyway, baka may alam ka tungkol kay Chesca, ate ni Chanelle." Nai-stress na ako sa paghahanap sa ate ng asawa ko. Napakailap niya. I wonder if she knows what's happening to her sister right now.
"Chesca? I thought she is in Europe. Na-try niyo na i-contact?"
"May ate si Chanelle?" Manghang tanong ni Trixie.
"Oo Trixie. Actually, pinapahanap ko siya baka sakaling mapabilis ang recovery ni Chanelle kapag nandito ang ate niya."
"I agree with that. But where is she?" Tanong ulit ni Marco.
"I don't know. Sabi ng hinire kong private investigator ay wala daw silang makalap na impormasyon tungkol sa ate ni Chanelle. Baka nga wala daw yun sa Europe."
"How come? Baka naman low-class private investigator ang kinuha mo?"
"I don't think so. Sina mommy ang nagrekomenda sa akin non. But he said wala daw siyang mahanap na Chesca sa Euope o kahit anong impormasyon tungkol sa kanya."
"Let me see what I can do. It's impossible that she's not there. Parents mismo nila ang nagpatapon sa kanya doon."
"Okay, Marco. We'll find out soon. May something fishy sa mga magulang talaga ni Chanelle." Hindi ako maaaring magkamali. Noon hinala lang pero sa nangyari ngayon. Kumpirmado ng may mali sa mga magulang ni Chanelle.
"You're right. We have to go Sky. May pasok pa ako at kawawa na rin si mommy sa pagbantay sa mga bata. See you next time. I'll call you when I have the information you needed."
"Thank you, Marco."
"Ingat kayo dito Sky. Basta pag may kailangan kayo wag kayong mahihiyang tumawag."
"Maraming salamat at pasensya na rin sa abala."
"Naku hindi Sky. Kami nga dapat ang humingi ng pasensya kasi nahuli kami sa balita kaya ngayon lang kami nakapunta dito."
I can say despite of this adversity we have a supportive family and friends.
Mahirap man itong pinagdadaanan namin, magpapakatatag ako para sa asawa ko.