Chapter 20

1357 Words
IT'S been already three months and still no improvement. I am really frustrated seeing her like this everyday. Wala pa ring balita tungkol sa ate niya na nasa Europe daw. I feel so hopeless. Kinakaya ko ang mga pagsubok but it's draining me. I went to my bar counter and grabbed a glass of whisky. I really need a break. Ang daming gumugulo sa isip ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat unahin. Napapasabunot na lang ako sa buhok ko. Tanggal na din ang butones ng polo ko. I look horrible. Katanghaliang tapat pero umiinom ako ng alak at naabutan ako ng parents ko sa ganitong kalagayan. "My God hijo! Ang aga naman niyang paglalasing mo." Maagap na inagaw ni mommy ang baso sa kamay ko. "Stop it Sky. Paano na lang ang asawa mo kung pati ikaw magkasakit na din." Matapang pero puno ng pag-aalala na sabi ni daddy. "I am sorry mom and dad. Yung unico hijo nyo may asawa na pabigat pa rin sa inyo." Sabi ko habang nangingilid ang luha sa mga mata ko. Eversince sakit ako ng ulo sa mga magulang ko. Hindi pa nga ako nakakabawi sa lahat ng sakripisyo nila para sa akin pero heto ako at may panibagong problema na inaalala din nila. "No Sky. Never naming inisip ng daddy mo na pabigat ka sa amin. Mahal ka namin. Andito lang kami para alalayan ka at tulungan sa abot ng aming makakaya." Sabi ni mommy habang tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha niya. "Don't worry about us son. Yung makita namin ng mommy mo na naging responsable kang tao dahil sa asawa mo ay sobra-sobra na para sa amin. Yun naman ang mahalaga sa amin at para sayong kabutihan din yun. Magpakatatag ka lang anak. We got your back hijo." Comforting words from my dad is something really precious. This is the first time we had a heart-to-heart talk. "Thank you mommy and daddy. I promise susuklian ko lahat ng hirap at pagod niyo para sakin at sa pamilya ko." Niyakap ko sila bilang pasasalamat. This is my first time hugging them. Nababaduyan kasi ako noon. But it actually feels good lalo na sa ganitong sitwasyon. HABANG nagmomoment kami ng pamilya ko ay nakarinig kami ng malakas na palakpak mula sa isang babae na papalapit sa amin. "What a touching scene. Happy family, I guess? Nakakainggit naman." Sarkastikong sabi ng babae. Bigla namang pumasok ang mga tauhan namin at humingi ng pasensya. "Pasensya na po Ma'am and Sir, hindi po namin siya napigilan. Marami pong kasama, baka magkagulo po." Hinging-paumanhin ng isa sa mga tauhan namin. Maraming kasama ang mommy ni Chanelle. Ewan ko ba naman kung ano ang pumasok sa utak niya at may gana pang magpakita dito sa sarili naming teritoryo. Hindi nakapalag ang mga tauhan namin dahil higit sa 30 katao ang dala niyang bodyguard. Naikuyom ko ang palad ko dahil sa galit na dumadaloy sa buong sistema ko. I want to kill her. "H-Helena?!" Gulat na sabi ni mommy. Hindi rin marahil inexpect ni mommy na pupunta dito ang isang demonyo. "Sino pa ba, Celine? May ini-expect ka bang iba?" Mataray na sagot niya kay mommy. "What do you need?" Cold na tanong ko. Bagama't sobra ang galit ko sa kanya ay kailangan kong magtimpi dahil baka mauna pa akong maikulong kesa sa kanya. "Nothing much, my son-in-law. Just my daughter. May karapatan naman ako sigurong kunin ang anak ko di ba?" "Anak? Seriously Helena? Anak ang turing mo kay Chanelle?" Matapang na tanong ni mommy. "Who are you Celine to question my way of parenting to my child?" "Natatawag mo pa siyang anak pagkatapos ng kahayupan ninyong mag-asawa?! Actually, hindi naman ako na-surprsise na kaya mong gawin ang ganong gawain, kay Cesar ako disappointed. Marangal siyang tao pero wala na siyang pinagkaiba sayo ngayon." "I don't care about your disappointments, kahit mamatay pa sa galit wala akong pakialam. Hindi naman yan ang ipinunta ko dito. Kukunin ko na ang anak ko." Mariin niyang sabi. "Have you forgotten that YOUR SO-CALLED DAUGHTER is married with me?" Cold na sabi ko. Hindi ko hahayaan na basta na lang niya kukunin ang asawa ko lalo na sa ganitong kalagayan niya. "Married?! You're making my laugh Sky. May consent ba kami as parents nung nagpakasal kayo?" Sarcastic niyang sabi habang tumatawa. Si mommy na ang sumagot para sa akin. "Consent Helena? Seriously? Baka naman nakakalimutan mong nasa tamang edad na si Chanelle. Mukha ba siyang menor de edad para sayo? She can decide on her own and she is under the custody of his husband." Natahimik ang mommy ni Chanelle. Pero nakabawi din agad. "Voidable ang kasal na yan. Pwede naming palabasin na pinilit lang ng anak mo ang anak ko. Ano pang silbi ng pera at impluwensya." Nakangising sabi niya. "Sabagay ganon ka naman gumalaw Helena. Masyadong madumi. Kaya nga hindi pa rin kayo nakukulong sa pwersahang pagpatay ninyo sa apo niyo sa sinapupunan ng sarili niyong anak." "You are talking non-sense, Celine.I can decide with or without your consent. Kahit mag-asawa pa siya o tumanda ako pa rin ang nanay niya kaya may karapatan akong bawiin siya sa paraan na gusto ko. Nasaan ba si Chanelle?!" Hindi na niya hinintay na makasagot pa si mommy at tinangka ng umakyat sa hagdan patungo sa kwarto namin ni Chanelle. Agad siyang nilapitan ni mommy at hinawakan ng mahigpit sa braso. "Pwede rin siguro kitang kasuhan ng trespassing dahil hindi ka naman bisita dito di ba?" Palaban na sabi ni mommy. Bago pa mauwi sa matinding awayan ay inawat ko na si mommy at agad ding siyang bumitaw sa pagkakahawak kay Tita Helena. "Tita, as much as possible ayaw kong magkaron tayo ng alitan. Pwede po bang umalis na lang kayo ng maayos?" Mahinahon na sabi ko. "Aalis ako dito kapag kasama ko si Chanelle." Mataray na pagpupumilit niya. "I am sorry to tell you this tita, pero hindi po ako pumapayag. She is my wife, my better half. Siguro naman po ay may karapatan din akong magdesisyon para sa kanya. Lalo na at hindi maayos ang kalagayan niya." "Don't be sorry Sky kasi wala akong pakialam sa mga dahilan mo pareho kayong madrama ng mommy mo." Hindi pa rin siya nagpapigil at nagsimula ng umakyat. Maagap na hinila ni mommy ang buhok niya. Napahawak nalang ako sa sentido ko. Sobrang nakaka-stress. "OUCHHHHH!" Sigaw ni Tita Helena. Hindi naman siya nagpatalo at hinablot din ang buhok ni mommy. Ako ang naging referee nila. Humingi rin ako ng tulong sa mga tauhan namin. Pareho na silang hawak ng mga tauhan. "You're really pissing me off, Helena. Noon pa man pinipeste mo na ang buhay mo. Ngayon pati buhay naman ng anak ko. Yan ba ang role mo sa mundong to? Maging dakilang peste?!" Gigil na turan ni mommy. "Ikaw ang peste sa buhay ko Celine. Ikaw ang dakilang kontrabida sa buhay ko." "SHUT UP!" Sigaw ko sa kanila. Hindi ko na matagalan na makita silang nagbabangayan sa harapan ko. Binalingan ko naman ng tingin ang mommy ni Chanelle. "Since hindi naman po kayo madadaan sa pakiusap, you leave me no choice. You are getting out to this house by force whether you like it or not. This our house so we can decide without your consent." Agad kong sinenyasan ang mga tauhan ko para kaladkarin siya palabas. As expected para siyang baliw na nagsisisigaw. "This is how you treat your mother-in-law? You don't have manners, that's why we don't like you for our daughter." Sigaw niya habang hawak ng mga tauhan ko. "I pleaded you to leave OUR HOUSE in peace and you choose this way. And it's not a favor now, it's an order. Sa susunod na susugod kayo dito, I'll make sure na may kalalagyan kayo. I just want to remind you TITA, hindi lang pamilya niyo ang may pera at impluwensya. I will use everything from my power to protect my wife from you." Mariin at may otoridad na sabi ko. Natahimik lang ang buong bahay ng tuluyan ng napalabas si Tita Helena. She is really something... psychotic. She's getting into my nerves. Humingi lang ng pasensya si mommy sa nangyari. I understand her. Hindi lang siguro siya nakapagpigil. Pareho kaming nagulantang ni mommy ng may boses kaming narinig mula sa hagdan. Si Chanelle. Saying my name.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD