Chapter 27

1729 Words
HALOS patanghali na kami gumising at nag-agahan nila kuya Mikael. Since wala naman daw siyang gagawin ay mag-istay na lang daw muna siya dito sa amin. Pag-uusapan din kasi namin ang next move sa mga nalaman namin tungkol kay Hera at Helena. Nasa sala kami nakatambay. Curious din ako kung hanggang saan ang inabot ng pang-uuto ni Kuya Mikael kay Hera. Hindi ko na nakita pa ang mga sumunod na nangyari dahil hinila na ako palabas ni Sky. "What have you discovered Kuya?" Pagsisimula ni Sky. "Nothing important." Chill na sagot ni Kuya Mikael habang nakasandal sa upuan. "What? So you mean nakipag-make out ka lang sa kanya don?" "Actually. Magkikita kami sa mansion namin. Mag-isa lang ako doon kaya safe don. Maingat kasi siya about her personal information." Casual na sabi ni Kuya Mikael. "Owwww my part 2 pa pala kayo. Mukhang nagkakamabutihan na kayo ah? May nalaman naman ako sa babysitter niya na hinire ng kanyang beloved mommy. Let's work on that information." "Really Chanelle? How? Mas magaling ka pa lang spy kesa sa akin. Parang hindi mo naman ako kailangan." Gulat at natatawang sabi niya sa akin. Si Sky ang sumabat. "He's a random guy she met at the bar. Kung hindi pa nga ako naglakas loob pumasok ay baka nakipagsabayan na yan ng inom don." Masungit na turan niya. He's being a posessive nowadays, akala ko pa naman ay dahil lang sa nabitin pero nairaos na kaligayahan ang issues niya, meron pa pala. "What is it again this time Sky?!" Iritableng sabi ko sa kanya. "Nothing." Sabay walk-out. He's pissing me off. Hindi na nakakatuwa ang inaasal niya. Para siyang bata na nagta-tantrums. "Pasensya ka na kuya sa inaasal nong kumag na yon ah. Anyway, let's go back to our topic." "It's okay Cha. He's jealous you know. Obviously, he's head over heels with you." Pabiro niyang sabi. "Naku maarte lang siya kamo. Lahat na lang issue. Aware naman siya sa dahilan kaya ako nandoon." Inis na sabi ko. Nakakataas ng dugo ang trip ngayon ni Sky. "He's aware of our plan, but drinking with that guy is not part of our agenda. Kaya hindi mo naman siya masisisi kung bakit nagkakaganon siya. Maiintindihan din niya yan, hayaan mo lang muna siya magpalamig. Baka naman kasi hindi mo pinagbigyan kaya nagkaganon." Nag-init ang pisngi ko sa huling sinabi niya. Hindi pinagbigyan? Porke tinted ang bintana ng kotse sinamantala na nga niya tapos galit pa rin siya? Tumikhim ako at iniba ang usapan. "Let's stop talking about that. Going back to our topic, ang plano ko kasi ay after niyo magkita sa mansion niyo ay iimbitahin mo siya papunta sa mansion namin.. I mean ni Daddy. Gusto kong makita ang reaction ni Helena kapag yung pinakamamahal niyang anak ang bumisita sa kanya. Sabi kasi ng hired baby sitter niya ay itinatago daw ang Hera na yo'n." "You sure about that? I think it's too soon. Paano kung mag-backfire sayo yung plano mo? You should have a back-up plan. Hindi basta-basta ang binabangga mo. Knowing that she is a d**g dealer? Napakadelikado. Hindi na lang ito basta family issues." Seryosong sabi ni Kuya Mikael pero kampante naman ako. Wala naman akong masamang gagawin. Ipapasyal lang naman niya si Hera sa mansion at palalabasing kaibigan niya. Magkukunwari kaming binibisita lang si dad. "Why kuya? Wala naman akong gagawing illegal. Papasyal lang naman tayo don eh.. kasama nga lang si Hera. That's it. Gusto ko lang makita ang reaksyon ni Helena para malaman din natin kung pwede nating gamiting panlaban sa kanya ang anak niya." "Bibisitahin mo ang dad mo pagtapos ng ginawa niya sa inyo ni Sky lalo na sa baby niyo? Are you out of your mind already?" Alam na rin pala ni Kuya Mikael ang tungkol sa nangyari baka nasabi rin ni Marco sa kanya. "What's wrong with visiting my dad lying now in sick bed? I get your point kuya, masama pa rin naman talaga ang loob ko sa kanya. But after all, he is still my father. Knowing that Helena is a big time b***h and what she's capable of.. hindi ko pwede ipagkatiwala sa kanya si dad. I may not know the reason why he's head over heels to that woman but he needs me now. Ako lang ang anak niya na nandito para tumingin sa kanya. Kung nabubuhay pa siguro ang totoong nanay ko paniguradong yun din ang sasabihin niya." Nabalitaan ko sa mga tauhan ni dad na medyo matagal na siyang hindi pumapasok sa trabaho. Lagi na lang daw siya nakakulong sa kwarto at hindi humaharap kahit kanino. I felt bad for him. Tatay ko pa rin siya. "You have a heart of gold, Chanelle. Kaya naman pala patay na patay ang pinsan ko sa'yo." "Nambola ka pa kuya! Kailan siya pupunta sa mansion nyo?" "Ikaw.. depende sa plano mo. Go with the flow lang naman ako. We can set it tomorrow agad-agad. If that's fine with you." "Hmmm. Sabagay hindi naman ako busy bukas. Let's go tomorrow." "Uwi muna ako Cha." Pagpapaalam niya sa akin. "Okay, ingat ka kuya." Umakyat na rin ako sa kwarto at kakausapin ko ang batang nagtatampo. Masyado na siyang matampuhin ngayon, daig niya pa ang babae. Naabutan ko siyang nakasandal lang sa headboard ng kama habang busy sa pag-scroll sa cellphone niya. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya at tinignan ang ginagawa niya sa cellphone niya. Napamulaga ako dahil account ko ang gamit niya at titig na titig siya messages na galing kay Chandler Rivera. "Nagmi-message na pala sayo yung new found friend mo sa bar?" Seryosong sabi niya. Hindi pa rin talaga siya maka-get over sa eksenang yo'n. "H-hindi k-ko naman alam na nag-message siya. Matagal na akong hindi nag-oopen ng account ko." "And why are you stuttering? Hindi ka ba nag-iingat? Tauhan yo'n ng stepmom mo. Kilala ang ospital niyo at hindi imposibleng may alam na siya sa background ng pamilya niyo. Paano na lang kung magsumbong yo'n kay Helena? Edi sira na lahat ng plano mo?" He almost yelled at me. Napalunok na lang ako ng ilang ulit dahil kaka-sink in lang sa utak ko ang lahat ng sinabi niya. Ang tanga ko! Bakit ba hindi ko na naisip na kahit hindi niya pa nami-meet personally ang Helena na yo'n ay baka kilala na niya dahil sa nature ng business ni daddy. "I'm sorry. I never thought of that. Masyado akong nagpadala sa pagmamadali kong may matuklasan kay Helena laban sa kanya." "Hindi ako galit sayo, love. Nag-aalala lang ako. Ayaw ko namang mapasama ka dahil sa mga plano mo. You should be careful always." Mahinahong sabi niya at hinalikan ako sa noo. "Naiintindihan ko naman kahit magalit ka. May mali naman talaga ako." Sabi ko rin sa kanya sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Maya-maya pa ay may nagpop-up ulit na message galing kay Chandler. Chandler Rivera: "You look stunning even in your photos. Kaso mukhang taken ka na. The guy who took you out from the bar.. is he your boyfriend?" Bago pa man nagreact si Sky ay hinablot ko na sa kanya ang cellphone at itinago na. Mahirap na. Magsisimula na naman ang tantrums niya. "Bakit tinago mo na? Ayaw mo bang replyan?" Kunwari curious siya but deep inside nanggagalaiti na naman yan. "Okay. Let me tell you this straight forward. Wala akong balak na replyan yo'n, okay? Hindi ko naman malalaman na nagmesage siya kung hindi mo inopen ng account ko. I know you're jealous. But for Pete's sake, we're married and I love you yesterday, today, tomorrow, next week, next month, next year..--" Tumawa lang siya sa sinabi ko at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi. May nakakatawa ba do'n? Pinapagaaan ko lang ang loob niya. "Okay.. okay.. stop it already. You're too concern about this?" "Of course! Ano mo pala ako?" "Aba! Gaya-gaya ka ng linya ha.. asawa syempre. My one and only until our next life." Kinilig naman ako sa sinabi niya. "Next life? Hindi naman natin pwedeng piliin yung magiging next life natin. Malay mo mag-reincarnate ka bilang unggoy edi nasa zoo or forest ka na lang." "Okay lang yo'n, edi bisitahin mo na lang ako kung nasaan ako." "Baliw ka ! Paano ko malalaman na ikaw yo'n? Magkakamukha lahat ng unggoy." "Diyan ka nagkakamali. Makikita mo rin ang pinagkaiba no'n dahil pag nareincarnate ako bilang unggoy malamang ako na ang pinakagwapong unggoy sa balat ng lupa kaya madali mo akong mahahanap." Confident na sabi niya. Napahagalpak lang ako ng tawa sa sinabi niya. Bilib ako sa fighting spirit niya basta usaping looks. Kinuwento ko sa kanya ang napag-usapan namin ni Kuya Mikael. He's hesitant at first and agreed later on. Naawa rin siya sa sinapit ni dad at nag-aalala rin na baka may kinalaman si Helena sa nangyari. Ang kaninang seryosong mukha niya ay napalitan ng nakakalokong itsura at nakakakilabot na ngisi. "What is it again, Sky?" Parang alam ko na kung anong nasa isip niya. He's becoming p*****t althroughout our marriage. "Wala naman. But I love what you're thinking my love." Pang-aasar niya. "Wala akong iniisip noh?" Pagdedepensa ko. "Don't worry love.. pagbibigyan ko rin yang nasa isip mo. I will give you a great performance mamayang gabi." "Shut up Sky. You're talking nonsense." Sabay tayo sa kama at bumaba para uminom ng tubig. Parang nag-init bigla ang pakiramdam ko. Hindi ko namalayan na sumunod pala siya. He hugged me from my back. "Bakit naman nagwalked-out ka?" He said in a very low voice. It gives a tingling sensation on my skin. Lumayo nga ako dahil nadadala ako bawat salita at mumunting mga galaw niya pero sumunod naman. "S-Sky.." mahinang sabi ko rin. "You want here? Right now?" Mapang-akit niyang sabi. "It's not about that. Gusto ko sana mag-grocery ngayon." Mas humigpit pa ang yakap niya. "We can do that later... yung mas urgent muna." Pagpupumilit niya pero kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin. "Dadalaw tayo bukas kay daddy, gusto ko siyang dalahan ng prutas o kahit na anong healthy para sa kanya." "Marami namang grocery yo'n doon, so why bother?" "Syempre.. iba pa rin yung galing mismo sa atin. Makakatulong sa mabilis niyang paggaling kung magpapakita man lang tayo ng concern sa kanya." "Okay, I get it. Let's go then." Walang protestang turan niya. Maayos naman ang itsura namin kaya lumakad na kami papunta sa grocery store. Hindi naman siguro kailangang bongga ang outfit pamimili. Mabuti naman at na-divert na ang atensyon ni Sky at hindi na ipinagpipilitan ang gusto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD