Chapter 28

2810 Words
NAGHANDA kami ng maaga ni Sky para sa pagdalaw kay daddy sa mansion kahit na maghihintay muna kami ng signal galing kay Kuya Mikael bago dumiretso sa mansion. Magkikita rin si Kuya Mikael at Hera sa kanila. Kahapon pa lang ay bumili na kami ng mga prutas at kung anu-ano pa para maging healthy agad si daddy. Alam kong may sama rin ng loob si Sky dahil sa nangyari pero nanaig din ang awa niya. Bonus na lang ang makukuha namin tungkol kay Helena. Maya-maya pa ay nagmessage na si Kuya Mikael kaya nagsimula na rin kami ni Sky sa pagbiyahe. Nauna kaming nakarating ni Sky sa mansion. Sinalubong lang kami ng mga katulong. "Good morning po Ma'am at Sir. Mabuti na lang po dumalaw kayo." Masayang sabi ni Ate Lorna, isa mga kasambahay sa mansion. Bakas sa mukha niya ang labis na pagkatuwa ng makita kami. "Nasaan po si Dad?" "Nasa taas po. Sa kwarto niyo." "Kwarto k-ko? Di ba may kwarto sila?" Nagtatakang tanong ko. "Gusto ko daw po niya doon para kahit papaano daw po ay maramdaman niya na kasama kayo. Kaya nga po natuwa kami ng makita namin kayong dumalaw." Parang may kung anong kumurot sa loob ko dahil sa sinabi ni Ate Lorna. All this time he's been longing for her daughter pero wala man lang siyang pasabi. Kung hindi lang din ako sinabihan ng isa sa mga tauhan niya, wala din akong alam. Napahawak naman ng mahigpit sa kamay ko si Sky. He's trying to help me calm. "Sige Ate Lorna, akyat muna kami ng asawa ko." Pagpapaalam ko. "Ano pong gusto ninyong kainin? Ipaghahain po namin kayo." "No need ate. Hindi naman kami magtatagal, dinalaw lang talaga namin si daddy." Hindi pa man kami nakakaakyat ay narinig na naman namin ang boses ng pinakasusuklaman kong nilalang sa buong buhay ko. Hindi na rin ako nag-abala pang lumingon. Diretso lang kami sa paakyat sa hagdan pero maagap niya akong hinila. "What is it again this time, MOMMY?" Masungit na turan ko sa kanya. "Who gave you permission to land your feet inside MY MANSION?" Mayabang na turan niya. Nakakairita talaga ang trying hard na kamalditahan niya. "Your mansion? Seriously? It's also mine. Baka naman nakakalimutan mong anak ako ng asawa mo? So technically, may karapatan din ako sa ari-arian niya." "Don't try to be funny my dear daughter. Anak ka niya pero wala kang pinanghahawakan na kahit anong kasulatan na may karapatan ka sa properties na meron siya. But me? I am his legal wife. Whatever he has, it is mandated by law that it's conjugal." Hindi ko ako nagpatinag sa sinabi niya. Hindi ko rin napigilan ang matawa ng malakas. "Ikaw ang nakakatawa, Helena! Sino bang may sabi sayo na karapatan sa ari-arian niya ang ipinunta ko dito? He is still my father and he's sick. Masyado ka ng haling sa kayamanan ng daddy ko kaya kahit ako na sarili niyang anak ay iniisip mong kaagaw mo sa yaman niya." "Trying to be a good daughter? Bakit? Nararamdaman mo na bang malapit na sa hukay ang pinakamamahal mong daddy?" Hindi ko na talaga mapigilan ang galit ko sa kanya. Sinampal ko siya ng ubod-lakas. Napangiwi siya at may kaunting dugo sa gilid ng labi niya. "Don't you dare say things like that about my dad in front of me. Wag mong ipasa sa akin ang toxic mindset mo. Ikaw ang naghahangad ng masama sa kanya." Tinangka rin niya akong sampalin pero maagap kong nahawakan ang kamay niya. "Masyado ka ng matapang Chanelle!" "Ikaw ang nagturo sa akin na maging ganito. Ikaw ang puno't-dulo ng problema sa pamilya ko. Palibhasa kasi walang may gustong pumili sayo ng boluntaryo kaya idinadaan mo sa maruming gawain para makuha ang gusto mo." "Who are you to say that?!" Hindi ko na maipaliwanag ang itsura niya ngayon. Napahiya siguro siya sa sinabi ko sa kanya. "You shut up Helena! Sawa na ako sa mga drama at arte mo. Wag kang mag-inarte dahil hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito." Tinalikuran ko na siya at nagmadaling umakyat papunta sa dating kwarto ko. Sumunod lang sa akin si Sky. Naabutan namin si daddy na nakahiga at mukhang hinang-hina. Hindi ko napigilan ang emosyon ko nang madatnan siya sa ganitong kalagayan. Niyakap ko siya ng mahigpit kahit alam kong hirap siya sa posisyon niya. Para akong bata na humahagulhol dahil nakita muli ang tatay sa isa pang pagkatataon.. masakit na pagkakataon. Narinig ko rin ang hikbi niya mula sa pagkakayakap sa kanya. Ramdam ko ang pagsisisi niya sa mga mahigpit na yakap na isinusukli niya sa akin. "What happened to you dad?" Tanong ko sa kanya sa pagitan ng mga hikbi ko. "Lying now in a sick bed. Karma ko na siguro ito dahil sa mga kasalanan ko." Patuloy lang din ang pagtulo ng luha niya. "Sssh.. don't say that. Hindi totoo ang karma. Magpalakas ka. Nasaan na ba ang daddy kong sobrang tapang?" Tumawa siya ng bahagya. "Wala na anak, laos na ako, mahina at wala ng pakinabang." Nasasaktan ako na nakikita ko siya sa ganitong sitwasyon. "Gagaling ka. Magpapagaling ka, dad. Wag ka na mag-isip ng kung anu-ano." Bumaling naman siya kay Sky. "Thank you for marrying my daughter. Thank you for loving and taking care of her." "It's okay tito. Kahit hindi niyo hilingin.. mamahalin at aalagaan ko siya hanggang sa pagtanda naming dalawa." Paninigurado naman ni Sky. "I'm sorry for not giving you my blessing before. Masyado akong kumontra sa pag-iibigan niyo." "Sshh.. dad stop it. Para ka namang namamaalam eh." "Bunso ko.. I deserve this. Lahat ng nangyayari sa akin ay deserve ko. Gusto ko lang itama lahat ng pagkakamali ko sa inyo." Dumaloy ang masaganang luha sa mga mata ko dahil sa mga sinasabi ngayon ni daddy. Matagal ko ring hinintay na marealize niya lahat ng ginawa niya. Mukhang blessing in disguise ang pagkakaroon niya ng sakit. Malungkot man pero masaya rin. "Kung talagang gusto mong makabawi dad, magpagaling ka. We are planning to have a church wedding. I want you to walk with me in the aisle." "Okay. Magpapagaling ako para sayo. Pasensya ka na dito ako nag-stay sa kwarto mo, nami-miss na kasi kita." "I missed you too dad. At sobrang saya ko ngayon. Kung pwede nga lang magpakasal na kami ulit agad bukas eh." "You're too excited my daughter, but don't worry bibilisan ko ang pagpapagaling para hindi na matagalan ang church wedding niyo." Natatawang sabi ni dad. "Just take your time dad." Nakangiting sabi ko. I can't contain my happiness, finally okay na kami ni daddy. Yo'n naman ang mahalaga sa akin, no'ng malaman ko na hindi ko tunay na ina ang Helena na yo'n nawalan na rin ako ng pakialam sa kanya. Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Kuya Mikael at Hera. Nagmano sila kay daddy at inilapag sa lamesa ang mga dala nilang prutas. "Mukhang mabilis akong gagaling ah? Napakadami ninyong dala para sa akin." Natatawang sabi ni dad. "It's okay tito. Mas maganda nga yo'n. Kumusta na po ang pakiramdam niyo?" Sagot naman ni Kuya Mikael. Napatingin naman si dad kay Hera. Nakailang ulit din siyang kumurap na parang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Kahit ako rin ay naguguluhan sa reaksyon ni daddy. Magkakilala na ba sila? Parang tumigil ang mundo ko ng magsalita si Hera at lumapit din kay dad. "Are you okay dad?" Casual na tanong niya. Tumingin muna si dad sa akin na parang sinisiyasat ang bawat detalye ng mukha ko at inaabangan ang magiging reaksyon ko. Hindi rin ako nakaimik agad. Hindi ko alam kung saan hahagilap ng irereact ko. "Chanelle..." Mahinang sabi ni daddy. Ramdam ko rin na nagsisimula ng magtubig ang mga mata ko. This can't be happening. Alam ko na kasal ang Helenang yo'n kay dad pero hindi ko inasahan na magkakaron ako ng kapatid sa Helenang yo'n. "She called you dad? Ibig sabihin ba kapatid ko siya? Bakit kailangang itago mo?!" Nagiging hysterical na ako. Ito na ba yong sinasabi ni Kuya Mikael na baka magbackfire sa akin ang plano ko? Imbis na si Helena ang masurprise, mukhang ako pa ang sobrang nabibigla ngayon. "I'm sorry, Cha. Sorry dahil nilihim ko sayo.. sa inyo ng ate Chesca mo. Yes, she is your sister. Mas matanda siya sayo ng 2 years." Thirty-two years na palang nag-eexist ang anak nila ni Helena pero wala man lang kaming kaalam-alam. Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Sky sa balikat ko pero hindi ko magawang kumalma. Mas matanda siya sa akin? Kasunod siya ni ate? "What do you mean dad? May affair ka na sa nanay niya kahit buhay pa si mommy? Niloko mo si mommy?!" Hindi ko na napigilan pa emosyon ko at napagtaasan ng boses ang daddy ko. I can't believe na matagal na niyang mistress ang Helena na yo'n. "Alam mo na pala ang tungkol sa mommy mo... naalala mo na ba yung nangyari? Tinago ko rin yo'n sayo dahil hindi magandang karanasan yon. Naisip ko na baka magsuffer ka ng matinding trauma. Kaya nong wala kang maalala hindi na rin namin inungkat pa, para makapamuhay ka ng normal." "NORMAL DAD? SA TINGIN MO NORMAL ANG NAGING BUHAY KO? NAGING SUNUD-SUNURAN AKO SAYO SA MAHABANG PANAHON! BINIGAY KO ANG RESPETO SAYO AT SA KABIT MO KAHIT HINDI NAMAN NINYO DESERVE. YES, ALAM KO ANG TUNGKOL SA AKSIDENTE, NALAMAN KO MISMO KAY ATE CHESCA." Sinubukan ni dad umupo at sumandal sa headboard ng higaan niya. Kita sa kanya na hirap siya pero pinipilit niya. "C-Chesca?? alam mo kung nasaan ang ate mo?" Hindi ko mawari kung masaya ba sya o parang naiiyak pagkabanggit ko sa pangalan ni ate. "Why dad? Hindi mo alam? Di ba ikaw at ang magaling mong kabit ang nagpatapon sa kanya sa Europe?" "Oo, but it's part of her punishment. Inilayo lang namin siya sa lalaking inaakala niyang tama pero pera lang ang habol sa kanya. Nagrebelde ang ate mo at pinutol ang communication sa amin." "Yan ba ang sabi sayo ng magaling na Helena?" Pagkabanggit ko ng pangalan ng bruhang yon ay agad din siyang iniluwa ng pinto at nag-aastang taka sa nangyayari sa loob ng kwarto. "What's happening here? Di pa man ako nakakapasok ay rinig ko na ang malakas na boses ng walang galang na si Chanelle. Wala ka na bang natitirang kahihiyan man lang sa katawan? Can't you see? Your father is sick and resting pero nag-aasal kalye ka dito." Maarteng turan niya habang nakatingin ng masama sa akin. "Oh there you are my great and loving mother! Complete family na pala tayo eh." Sarcastic na sabi ko. Napatingin naman siya Hera at gaya ni dad ay parang hindi rin siya makapaniwala sa nakikita. "Hera?! What are you doing here?" Gulat na tanong ni Helena. Si Kuya Mikael at Sky ay nananatili lang tahimik. Hindi pa rin siguro nagsisink-in sa kanila ang eksena namin ngayon. "Visiting dad?" Maarteng sagot ni Hera. No wonder, may pinagmanahan naman eh. "Hera!!!" Sigaw niya dito at pinandilatan. Sabagay, itinatago daw eh kaya siguro super shocked siya na kasama namin ang anak niya dito. "Why mommy? Ano pa bang ikinakagulat mo eh alam naman na nila." Lalong napamulaga si Helena sa sinabi ng anak niya. Napatingin din siya kay dad na parang humihingi ng kasagutan. "Stop whining Helena. Alam na ni Chanelle ang lahat." Mahinahong turan ni dad. Pero ako? Gusto kong kalbuhin si Helena. Napakaarte at mapagmataas niya eh dakilang kabit naman pala siya. "You told her already?" Kunot-noong tanong niya kay dad. Ako na sumabat dahil gusto kong aminin niya sa harapan namin ang lahat ng kahayupan na ginawa niya sa pamilya ko. "Actually hindi, isinama lang ni Kuya Mikael si Hera dito and to our surprise anak din pala siya ni daddy. Napaka-taas ng tingin mo sa sarili mo pero kabit ka lang pala. You're nothing but a gold-digger whore." Pagkasabi ko non ay sinampal niya ako ng sobrang lakas. Napasigaw din si daddy dahil sa ginawa niya. "Helena !!" "Kaya ganyan ang anak mo ay dahil lagi mong kinukunsinti. Wala siyang pinagkaiba sa ate niyang si Chesca." Tila wala sa loob niyang sabi kay dad. "About Chesca, nakapag-usap na raw sila ni Chanelle at alam niya kung nasaan ang ate niya." Gulat at pagkatakot ang rumihistro sa mukha ni Helena. "W-where is she? It's a good news. Bakit hindi niyo siya pauwiin dito." Sabi niya habang ngumingiti ng pilit. Bumaling naman si daddy sa akin. "Where is she Chanelle? Nasabi niya ba ang exact address niya?" Tumingin muna ako kay Helena at ngumiti ng nakakaloko. "Bakit hindi mo tanungin ang asawa mo dad? I'm sure mas alam niya kesa sa akin." "Just be direct to the point Chanelle. Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?" Medyo inip na sabi ni dad. "Ate Chesca is now in Paris. Kuya Marco hired a private investigator to locate her and we found her in a mental institution. After knowing her location, nagpunta kami agad ni Sky para bisitahin siya." "Mental institution? Anong ginagawa ng ate mo do'n?" Puno ng pagtataka na tanong ni dad. Slow din pala siya. Sa dami ng sinabi ko wala man lang siyang nahalata? Wala pa rin siyang idea kung bakit nanggagalaiti ako kay Helena? "Having a vacation, I guess? Mukhang mas tahimik at masarap siguro ang pagkain sa mental." Sarcastic na sagot ko. "Watch your words Chanelle." Seryoso na ang mukha ni daddy. "Ipinatapon niyo siya sa Europe pero wala kayong idea kung saan siya nag-istay? Parang nakakapagtaka naman yon. Sinagot naman ni Helena ang sinabi ko. "Kumuha kami ng hotel kung saan siya mag-i-stay pero tumakas at wala na kaming balita pa. Masyado siguro niyang dinibdib ang nangyari sa kanila ng ex-boyfriend." Concerned na sabi niya. Pumalakpak ako ng malakas. Napakagaling talaga niyang umarte. "Ex-boyfriend? You mean si Kuya Calvin na sinuhulan niyo ng malaking halaga para iwan si ate? Nakakalungkot man pero palpak ang plano mo Helena. Magkasama ngayon si Kuya Calvin at Ate sa Paris. Yung perang suhol niyo? Ginamit niya para sundan si ate. Sweet di ba?" "How is that possible? Pera lang ang habol ng lalaking yo'n kay Chesca." Di makapaniwalang turan ni daddy. "Sabi ni? Helena? Natural yon ang sasabihin ng magaling mong asawa dahil may pinagtatakpan siya na alam ni ate." "You're talking nonsense Chanelle. Bakit sa akin mo sinisisi ang pagiging rebelde ng ate mo?" Pagdedepensa ng walang-hiyang Helena. "Ibang klase ka rin ano? Huli ka na magsisinungaling ka pa rin." Pailing-iling na sagot ko. "What?!!!!" "Helena, ikaw ang may contact sa hotel na tinuluyan ni Chesca sa Paris at sabi mo kinontak ka nila at sinabing umalis na siya doon." "That's true.. baka naman nag-adik yung anak mo kaya nauwi na sa mental." Very funny. Talking about herself? Mas adik pa nga siya kesa sa mga tao sa paligid niya. "Imposibleng mangyari yon.. Chanelle, okay lang ba siya?" Baling ulit sa akin ni Daddy. "So far.. okay naman. Thanks to Kuya Calvin, the gold-digger. May nag-aalaga sa kanya sa mental kahit hindi naman siya dapat nandoon." "Bakit hindi pa siya umalis doon kung wala naman pala siyang deperensya sa pag-iisip?" "Wala siyang problema sa pag-iisip pero yung nagkukulong sa kanya doon ay meron. Kung wala sana ang siraulo mong asawa na nanggigipit sa kanya doon edi sana matagal na siyang nakauwi dito." "Stop calling names to my mom! Sobra ka na ah? Pinipigilan kong sumagot dahil alam kong labas ako sa mga issues ng family niyo pero hindi ako makakapayag na insultuhin mo ang mommy ko." Aba palaban din pala. The hell I care. May paiyak-iyak pa si Helena. Tsk. Masyadong paawa. "Exactly! It's all about me, my sister and my mom who passed away because of this lunatic!" Sabay duro ko kay Helena. "Bakit ba si mommy ang sinisisi mo sa lahat?" "Bakit hindi mommy mo ang tanungin mo? Gusto ko ring malaman ang mga dahilan niya eh." Maarteng sagot ko sa kanya. "Hera and Chanelle! Will you stop arguing? Hindi man lang ba kayo nahihiya?" "Why would I dad? Matagal ng agrabyado ang pamilya ko dahil sa mga choices mo sa buhay. Kung may balak kang magbulag-bulagan pwes ako hindi. Kukunin ko ang dapat na para sa pamilya ko lalo na ang hustisya sa pagkamatay ng mommy ko." "Anong hustisya ba ang sinasabi mo anak? Aksidente ang nangyari sa mommy mo. 'Wag mong husgahan ang mommy Helena mo dahil wala kang alam sa mga totoong nangyari dati." Mahinahong sabi ni daddy. Wala akong alam? Oo wala akong maalala pero nagkaron ako ng muwang sa totoong kulay ng asawa niya dahil sa nangyari sa baby ko, kay ate at kay mommy. "Excuse dad. Aalis na ako. Magpagaling ka po. Sorry to bring you so much stress today. Let's talk some other time. Papasyal ako ulit dito." Pagpapaalam ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon, hinang-hina ako sa mga nalaman ko at mga gusto kong sabihin pa sana pero kulang sa ebidensya. Kung andito lang sana si ate. Nagdesisyon na kaming umuwi ni Sky para makapagpahinga na. Sinamahan daw muna ni Kuya Mikael si Hera..na ate ko pala. I need to regain my energy dahil paniguradong mas malala pa ang susunod na kakaharapin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD