PAGDATING nila sa Villa ng mga Montilla ay wala ngang tao. Kahit ang mga katulong ay hindi nakita ni Sabrina. "Nasan ang mga katulong niyo bakit wala yatang tao dito?" tanong ni Sabrina at palinga linga habang paakyat sila sa malaking hagdan ng Villa. "Nasa kusina sigurado ang mga iyon at nanonood ng teleserye," sagot naman ni Gregory habang patuloy sila sa pag-akyat. Oo nga pala gabi na at ganoong oras nag-uumpisa ang mga teleserye na palabas sa telebisyon. Kahit ang mga katulong nila ay nag uumpukan din sa harap ng TV sa kusina kapag ganoong oras lalo kung wala naman masyadong ginagawa. Dahil sa pag-iisip niya sa mga katulong ay hindi niya namalayan na nakarating na pala sila sa kwarto ni Gregory. Nagulat pa siya at napatili nang bigla siyang buhatin ni Gregory at ilapag sa malaking

