bc

Seducing Mr. Prince Charming (Filipino)

book_age18+
3.9K
FOLLOW
17.7K
READ
possessive
second chance
playboy
sweet
bxg
childhood crush
first love
friendship
rejected
stubborn
like
intro-logo
Blurb

FOR LOVE:

What are you willing to give?

How much pain are you willing to take?

What are you willing to risk?

And when should you just let go and give up?

Fearless Sabrina Olivar is willing to do and gamble everything she has just to be with the man she thinks is her prince charming. Unfortunately her beauty has no effect on Gregory Montilla. The newest and the hottest guy on campus. The more she tries to be close to him the more Gregory avoids her. But Sabrina will do anything and everything just to prove to him that she is the right girl for him. Even if it means to seduce him!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
KANINA pa nag-aabang ng sasakyang jeep si Sabrina. Rush hour kaya naman mga puno ang dumadaang mga jeep. Malilate na siya sa unang klase niya. Third year siya sa San Martin High School. Ang pinaka malaki sa lahat ng pribadong paaralan sa lugar nila. Karamihan ng nakaangat sa buhay na taga San Martin at mga kalapit na lugar ay doon nag-aaral.  “Arggg! Ano ba yan. Bakit naman kasi tulog mantika ka Sabrina! Ayan late ka na,” kausap niya sa sarili.   Bawat dumadaan na jeep at pinapara niya ay nilalagpasan lang siya patunay na puno ang mga ito at wala nang bakanteng upuan. Noong preschool siya hanggang ikaapat na baitang sa elementarya ay hatid sundo siya ng katulong at driver nila. Nang mag grade five siya ay pinayagan na siya ng Mommy niya mag-school bus hanggang mag second year high school siya ngunit ngayong Junior high school siya ay ayaw na niya mag school bus. Para sa kanya ay bata lang ang nag school bus. Pinilit niya ang Mommy niya na payagan siyang mag commute. Kahit ayaw nito ay napilitan nalang siyang payagan dahil sa Daddy niya. Sabi ng daddy niya ay kailangan niya rin maranasan ang mga ganoong simpleng bagay para matuto siyang maging independent.  Galing sa mahirap na pamilya ang Daddy niya at kung ano man ang naabot at mayroon ito ngayon, iyon ay galing sa sariling pawis at pagsisikap nito. Ang Mommy niya ay galing sa may kayang pamilya. Sanay sa magarang buhay at may palagay siya na hindi pa nga nito naranasan sumakay sa pampublikong sasakyan tulad ng bus at jeep kaya naman laking pagtutol nito ng sabihin niyang mag commute nalang siya at ayaw na niya mag school bus.  Muling sinulyapan ni Sabrina ang oras sa weistwatch niya. Sobrang late na talaga siya. Nangangawit na rin siya sa kakapara sa mga dumadaan na jeep. Wala pa naman ang driver nila para ihatid siya dahil kasama nito ang Mommy niya sa Madrigal resort sa San Vicente kung saan pag-aari ng Daddy niya ang ilang porsyento nito. Nang makita niyang may paparating na jeep ay inihanda niya ang sarili na parahin ito. Laking pasasalamat niya ng sa wakas ay may humintong jeep sa harap niya. Puno rin iyon ngunit pinausog ng driver ang mga pasahero kaya nagkaroon ng maliit na espasyo at naisiksik ni Sabrina ang pang upo niya. Napapailing siya ng halos malaglag ang pang upo niya dahil hindi na siya kasya sa upuan. Nakaramdam naman ang katabi niya at iniusog nito ang sarili at nakaupo si Sabrina ng mas maayos kaysa kanina. Ngunit kung kailan naman hindi na siya nakahawak sa mahabang stainless na hawakan ng mga pasahero ay saka naman biglang nagprino ang driver at sumubsob siya sa matigas na braso ng katabing lalaki.  “Pasensya na! May bigla kasing tumawid na aso sa kalsada,” paliwanag ng driver sa mga pasahero dahil sa biglaan nitong pag preno.  'Sorry, sorry...'' paumanhin ni Sabrina sa katabi niya ng  makabawi sa sa pagkasobsob niya sa braso nito.  Tumango lang ang lalaki bilang sagot. Tiningnan ni Sabrina ang lalaking may ari ng matigas na braso kung saan siya sumubsob. Pakiramdam niya ay tumigil ang oras at nawala ang lahat nang mga pasahero sa jeep na sinasakyan nila at tanging ang lalaki lang at siya ang naroroon. Ang gwapo ng lalaki at hindi lang basta matatawag na gwapo. SEXY with capital letters ang tamang description sa lalaki. Sa Tingin niya ay kaedad niya ito o di kaya ay matanda ng isa o dalawang taon sa kanya. Liban sa matigas na braso ay malapad at matikas din ang dibdib nito. Macho ito ngunit sa tingin niya ay hindi sa pagbubuhat ng mabibigat na bakal sa gym. Mukha kasing natural ang paglaki ng katawan nito hindi tulad sa mga kaklase at mga kakilalang lalaki na alam niya pumupunta sa gym. May pagka singkit ang mga mata nito. Hindi matangos ang ilong nito pero hindi rin naman matatawag na pango. Matapang ang itsura ngunit mas lalo iyong  nagpalakas sa s*x appeal nito. Naamoy niya rin ang mabangong pabango nito na humalo na sa pawis dahil sa init sa loob ng jeep. Hindi niya pa ito nakita noon at mukhang bago ito sa lugar nila. Sa hindi mabilang na pagsakay niya sa jeep ay halos kilala na niya ang mga mukha ng mga nakakasalamuha niya araw-araw. Sigurado siyang hindi pa niya ito nakikita noon dahil ang mukha nito ang hindi basta madaling makakalimutan. Mataas ang standard niya sa physical na itsura at ito ang klase ng lalaki na deserve makakuha ng second look mula sa kanya. ''Miss paki abot ng bayad...'' boses ng kung sino at iniaabot kay Sabrina ang pera. Wala pa sa tamang huwesyo at nalilitong tinitigan ni Sabrina ang pera na nasa kamay pa ng kung sinong nag-aabot sa kanya. ''Pakiabot ng bayad Miss...'' boses ng babae ulit ngunit parang wala parin sa sarili si Sabrina kaya ang gwapong lalaking katabi niya ang kumuha ng pera. Walang pakialam na nagkibit ng balikat si Sabrina.  Natawa naman siya ng marealize na mukha na pala siyang tanga. Ipinagkibit niya lang iyon ng balikat. “Eh ano kung para akong tanga… Nakaka stars struck naman talaga ang kapogian niya eh.” Sa isip-isip niya.  Kumuha siya ng barya sa pitaka ng maalala na hindi pa nga pala siya nagbabayad. ''Paki abot!'' aniya sa katabing machong lalaki. ''Thank's!'' pagpapasalamat niya ng abutin naman iyon ng lalaki. Parang may kuryente ang kamay nito ng madikit sandali sa balat niya ng kunin nito ang pera sa kamay niya. Bigla niya tuloy nabitawan ang mga baryang ipinaabot niya rito. Mukhang hindi naman iyon pansin ng lalaki at mabilis na nasalo ang mga baryang pambayad ni Sabrina. Samantalang si Sabrina ay parang tulala pa sa nangyari at iniisip kung ano iyon. ''San Martin High na po tayo para sa mga baba diyan...'' anang driver na nagpabalik sa katinuan ni Sabrina. Dali-dali siyang bumaba ngunit sinundan ng tingin ang papalayong jeep. Nanghihinayang siya at baka hindi na niya muli pang makita ang lalaki. Malakas pa naman ang pakiramdam niya na nahanap na niya ang kanyang destiny. Sa dami ng araw na pwedeng maubusan ng battery ang alam clock niya ay ngayon pa. Sa dami ng jeep na dumaan kanina ay ang jeep pa na sinasakyan ng lalaki. Sa dami ng makakatabi niya ay sa tabi pa nito siya napaupo. Sa dami ng jeep na dumaan as ay nagkataon pa na sa pagdaan ng sinasakyang jeen nila dumaan ang aso na dahilan para masubsob siya sa lalaking nakatabi. “It’s definitely destiny!” nakangiting bulong ni Sabrina sa sarili.  Halos hindi na matanaw ang sinakyang jeep bago siya naglakad papunta sa loob ng gate ng eskwelahan. Nang tingnan niya ang orasan ay agad na siyang nagmadali.  Pagdating niya sa classroom nila ay late na siya ng lagpas kalahating oras.  ''Miss Olivar, your too early for your next class,'' anang terror na teacher na si Mrs. Layaw nang makita ang pagpasok ni Sabrina ng clase nito. Pigil naman ang pagtawa ng mga kaklase niya at baka sila naman ang mapagalitan. ''Sorry po Ma’am! Hindi na po mauulit,'' naka yukong paumanhin ni Sabrina. ''Sit down but make sure this won't happen again!'' ''Yes Ma’am!'' sagot niya at naupo na. ''Bakit mukhang masaya ka pa yata kahit muntik kanang napagalitan ni Mrs. Layaw?'' bulong na tanong ni Ysabel kay Sabrina. Katabi niya ng upuan at best friend niya. Parang wala naman narinig si Sabrina at nakatulalang nakangiti pa at parang nangangarap. ''Hoy! Sabi ko, bakit mukhang masaya ka?'' marahan na siniko siya ni Ysabel.  'Believe it or not--- Nakilala ko na ang destiny ko!'' nangangarap parin na sagot ni Sabrina. ''May sakit ka ba? Bakit parang wala ka ata sa sarili at may nalalaman ka pang destiny diyan?'' natatawang tanong ni Ysabel ''Girls is there something you want so share with us?'' tanong Mrs. Layaw ng mapansin ang pagbubulongan ng magkaibigan.  ''No Ma’am,'' sabay na sagot nilang dalawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook