Chapter 2

2447 Words
“PAANO mo naman nasabi na siya na nga ang destiny mo?” tanong ni Ysabel kay Sabrina. Break time at nasa Canteen sila. Kasama ang makukulit at poging mga kaklase at barkada na sina Bryan, Adam,Austin, Nathan at Jaden. ''Kase nga hmmm...'' nag iisip si Sabrina paano ipapaliwanag ang nangyari kanina sa jeep. ''Naranasan mo na ba iyong tumigil ang oras at parang kayong dalawa lang ang nasa isang lugar gayong marami namang tao? Iyong parang may slow motion noong makita mo siya?'' Nag-isip si Ysabel. ''Hindi! Mayroon ba noon?'' imahinasyon mo lang yan. Wala talagang ganyan. Imbento lang ‘yan ng mga taong baliw sa pag-ibig.  ''Oo nga naman Sab, hindi totoo ang ganyan nasa sayo ang desisyon kung sino talaga ang gusto mo makasama sa buhay,'' pakikisabat naman ni Austin at kinuha ang hindi pa nabubuksan na soft drinks ni Sabrina at ininom tapos ay nakipag high five pa kay Bryan. Pinaliwanag ni Sabrina ang hindi pagtunog ng alarm clock niya. Ang walang masakyan na jeep tapos ang makatabi ang lalaki tapos ang pagtawid ng aso at ang kuryenting naramdaman niya ng madikit sandali ang balat niya sa lalaki. ''Sa tingin niyo mga nagkataon lang ang mga iyon? Destiny ang tawag doon!''  pagpipilit nito sa mga kaibigan.  ''Nakilala mo ba kung sino at taga saan ang tinatawag mo na destiny? Baka mamaya multo pala iyon at ikaw lang nakakita,'' pagbibiro naman ni Adam.  ''Oo nga Sab. Ilang daang beses na ata ako sumakay ng jeep pero wala naman akong napansin na gayang itsura ng lalaking sinasabi mo,'' wika ni Ysabel. Si Jaden ay tahimik lang at parang iniisip ang itsura ng lalaking sinasabi ni Sabrina. Parang may kilala siya pero imposible dahil hindi naman taga rito iyon at kaya niya lang nakilala dahil nagkataong nandoon ito noong bumisita siya sa farm ng Ninong niya sa bandang dulo ng San Martin. ''Basta totoo siya at hahanapin ko siya! Determinado na wika ni Sabrina. ''Paano pala kung hindi mo na makita? Ako nalang ang sasagutin mo niyan?” pagbibiro ni Adam kay Sabrina. Matagal na siyang nagpapalipad hangin sa dalaga pero walang seryosong panliligaw. Crush niya si Sabrina pero mas gusto niya itong kaibigan baka kasi pagniligawan niya ito ay hindi naman pala niya mapanindigan ang mga tukso na lumalapit sa paligid. Si Jaden ay binatukan si Adam. ''Mangarap ka!'' Si Nathan ay binato naman ng nilukot na tissue paper ang pinsang si Adam. ''Nakita mo nang nahanap na daw si Mr. right saka ka magpaparamdam.'' ''Mas pogi ba talaga kaysa sa aming lima?'' muling tanong ni Adam na mukhang walang balak sumuko. ''Posible ba iyon eh tayo ang pinaka magagandang lalaki dito sa San Martin,'' birong pagyayabang naman ni Austin. ''Hahanapin ko siya at papatunayan ko sa inyo na totoo siya!” pagtatapos ni Sabrina sa usapan. Pinagkibit naman ng balikat ng mga kaharap at nagsitayuan na dahil tumunog na ang bell senyales na tapos na ang Reses o break time.   ---   HAPON at uwian na. Kanina pa inaaya ni Sabrina na umuwi si Ysabel ngunit ayaw pa nitong umuwi dahil naroon pa si Jaden at nakikipagharutan pa sa mga babae na sa campus. Katulong kasi ang mama ni Ysabel sa bahay nila Jaden at ang Mommy ni Jaden ang nagpapa-aral dito kay Ysabel kapalit ng pagbabantay at pag-aasikaso nito kay Jaden sa eskwela man o sa bahay. Matalino kasi si Ysabel at responsableng bata. Kaya nanghihinayang ang Mommy ni Jaden kung hindi ito makakapag-aral.  ''Sab alam mo naman na hindi pa ako pwedeng umuwi hanggat hindi pa umuuwi si Jaden eh. Papagalitan nanaman ako niyan mamaya sa bahay,'' wika ni Ysabel na may bahagya nang inis para sa alaga nito.  ''Napaka palekero kasi niyang alaga mo eh...'' wika ni Sabrina at tinaponan ng masamang tingin ang kaibigang si Jaden. Naiinis kasi ito kay Jaden sa ginagawang trato kay Ysabel. Oo at trabaho nga ni Ysabel na asikasuhin ito ngunit minsan ay sumosobra na ang kaibigan nila. Tulad nalang ng pagdidikta nito kung ano ang gagawin at hindi pwedeng gawin ni Ysabel na sinusunod naman ng dalaga dahil takot ito na mawalan ng magsusuporta sa pag-aaral nito. Maganda si Ysabel. Half American ito dahil na anakan ang Nanay nito ng isang Amerikano sa Olongapo ngunit tatlong taon palang yata si Ysabel ng mawalan ng communication sa ama kaya nagtrabaho bilang kasambahay ang ina nito sa bahay nila Jaden. ''Naiinis na nga ako eh. Kalandian lang naman ang inaatupag,” nauubusan na ng pasensya na wika ni Ysabel. Paano eh kung umuwi na sana sila eh nagawa na sana nila ang mga assignments nila at matutulungan niya pa ang mama niya sa pagluluto ng hapunan at mga gawain nito sa mansion. Ngunit dahil sa malandi niyang amo na abala pa sa pakikipag lampungan sa isang Senior student kasama syempre sina Austin, Adam, Nathan at Bryan na kanya-kanya rin ng partner ay narito parin siya at nakatanga lang at naghihintay kung kailan uuwi si Jaden.  ''Iwan mo na yan umuwi na tayo!'' suhestiyon ni Sabrina ulit. ''Bakit ka ba nagmamadaling umuwi?'' tanong ni Ysabel ngunit na kay Jaden ang mga mata nito. Nagdidikit ang mga kilay sa inis sa lalaki binata. ''Baka kasi studyante din iyong lalaking nakasakay ko kanina tapos makasakay ko ulit  siya ngayon,'' sagot ni Sabrina habang ginagala ang mga paningin sa mga estudyante sa paligid nila.  ''Eh diba sabi mo hindi naman naka uniform...'' ''Hindi nga. Pero baka sakali lang naman... Tara na, please! Sa tingin ko ay mamaya pa ang mga lalaking iyan uuwi at mukhang enjoy na enjoy sa pakikipagharutan sa mga babae na yan. ''Ang sarap talaga sabunutan ni Jaden ang landi! Tingnan mo at kulang nalang makipaghalikan doon sa kausap niya,'' gigil na wika ni Ysabel. ''Alam mo high blood ang aabutin mo sa kakatingin sa mga iyan,'' tumayo si Sabrina sa pagkakaupo sa bench. ''Halika na!'' hinila na nito si Ysabel.   --- KANINA pa sina Sabrina at Ysabel sa abangan ng jeep. Bawat humihintong jeep ay sinisilip ni Sabrina nagbabakasakali na makita ang lalaking nakasakay kaninang umaga. ''Sab naman pang anim na atang jeep iyong dumaan at pumara sa harap natin pero ayaw mo pa ring sumakay. Baka naman hindi naman talaga taga rito ang lalaking sinasabi mo at mamuti nalang mga mata natin dito kakahanap sa kanya,'' pagrereklamo ni Ysabel. ''Ysa tatlong jeep nalang kapag hindi pa natin siya nakita ay uwi na tayo,'' wika ni Sabrina at magkanda doling sa kakatingin sa mga punong jeep na dumadaan at lumalagpas sa kanila na akala mo naman ay makikita nito ang lahat ng sakay niyon. ''Paano kung kanina pa pala iyon umuwi at para lang tayong tanga rito.'' ''Promise, ten minutes tapos uwi na tayo!'' ''Bahala ka nga. Hintayin ko nalang din si Jaden at baka palabas na rin ang mga  iyon,'' turan nalang ni Ysabel at naupo sa bench ng waiting shed. Ang ten minutes ni Sabrina ay naging isang oras mahigit at nang lumabas na ng gate sila Jaden ay wala na itong choice kondi umuwi na rin dahil medyo madilim na at pinilit siya ng mga kaibigan na sumabay na rin pauwi.  Hanggang sa pag-uwi ay hindi parin makalimutan ni Sabrina ang lalaking nakasakay niya kaninang umaga. Hating gabi na ngunit hindi parin siya makatulog sa pag-iisip tungkol dito. Paano nga kung hindi tagarito sa lugar nila ang lalaking iyon. Paano kung hindi na niya ito makita? Paano kung totoo ang sinasabi ng mga kaibigan na multo pala iyon at siya lang ang nakakita? ''Arrggg, Sabrina matulog kana at baka tanghaliin kana naman ng gising bukas at lagot kana kay Mrs. Layaw at baka palabasin ka na ng klase niya!'' kausan niya sa sarili at ipinikit ang mata. Paggising ni Sabrina kinaumagahan ay agad na napuna ng Mommy niya ang pangangalumata niya dahil sa puyat sa pag-iisip kung sino at paano niya ulit makikita ang lalaking nakasakay niya nang nagdaang araw.  “Anak may problema ka ba? Bakit mukha yatang matamlay ka at ang laki ng eyebags mo. Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?”  ''Nope Mom, wala. Medyo kulang lang po sa tulog dahil nag study ako kagabi para sa long quiz namin ngayon,” pagsisinungaling niya sa ina. ''Ganoon ba? Kumain ka ng marami at para makabawi ka sa pagpupuyat mo kagabi. Ito ipinaggawa kita ng fresh orange juice. Dagdag vitamins C. Mahirap ang magkasakit ngayon kaya ingatan mo ang kalusugan mo.”  Bigla naman nakonsensiya si Sabrina at nagsinungaling siya sa ina ngunit ano naman ang sasabihin niya dito? Na napuyat siya dahil sa pag-iisip sa lalaking iniisip niyang destiney niya? Eh siguradong hindi lang kurot sa singit ang aabotin niya sa Mommy niya.  Junior high school palang siya at may nalalaman na siyang destiny? ''Sige po Mommy. Thank you po!” “Magpahatid ka nalang sa driver pagpasok sa eskwela para hindi ka na makipagsiksikan sa jeep. Ako ang nahihirapan sa ginagawa mo eh. At lalong hindi ko maintindihan kung bakit pinapahirapan mo pa ang sarili mo sa pacocommute gayong may sasakyan at driver naman tayo.”  Biglang napatuwid ng upo si Sabrina. “Nako Mommy huwag na po. Sayang ang lang ang gasolina gayong kung sasakay ako ng jeep eh sampung piso lang naman. Tsaka nag-eenjoy pa po ako kasi marami akong nakikilala at nakikita. Diba nga po gusto ko maranarasan kung paano maging simpleng estudyante lang,” paliwanag niya sa Mommy niya.  Napabuntong hininga naman ang Mommy niya. Halatang hindi ito sang-ayon sa kanya.Ngunit ipinagkibit balikat nalang ang kagustuhan ng anak.  --- ''MUNTIKAN ka na naman malate bruha ka. Huwag mong sabihin sa akin na nag-abang kana naman sa gilid ng kalsada at nagbakasakali na makita mo iyong guy kahapon?'' litanya ni Ysabel pagdating ni Sabrina. Malungkot na tumango si Sabrina. ''Hindi ko pa rin siya nakita Ysa. Baka nga hindi siya taga rito sa atin.''  ''If his really your destiny… makikita mo siya ulit kahit hindi mo siya hanapin Sab,'' pag-aalo naman ni Ysabel sa kaibigan. Tumangon naman si Sabrina bilang sagot a kaibigan at tumuwid na ng upo dahil pumasok na ang guro nila.  ''Listen class… Hindi naman lingid sa kaalaman ninyong lahat na nalalapit na naman ang San Martin Day at kailangan ng representative ng klase natin na sasali sa Mr. and Miss San Martin High School beauty and brain contest,'' agad na anunsyo ni Si Mrs. Layaw. “May napipisil ba kayong ipanglalaban natin?”  ''Ma’am isa kayla Ysabel or Sabrina at siguradong atin na ang titulo,” suhestiyon iyon ng  bakla nilang kaklase na si Sherwin ngunit Shei sa nalang daw ang itawag nila dito kapag gabi.   ''Oo nga naman Ma’am... Si Sabrina or Ysabel ang gawin nating pambato at sigurado na ang panalo,'' segunda naman ng isa pa nilang kaklase na si Rochel. ''Ma’am si Sabrina nalang po at hindi po ako pwede diyan,'' agad na sabat ni Ysabel na agad inisip ang posibleng gastusin para sa naturang pageant.  Si Sabrina ay wala sa sarili na tumango ng hindi man lang masyadong pinag-iisipan ang pinag-uusapang topic ng klase. Nagpatuloy lang ito sa paglalaro sa notebook niya at ballpen at sinusulat ng paulit-ulit ang salitang destiny. May kumatok sa pinto ng classroom nila kaya tumayo si Mrs. Layaw at sandaling nakipag-usap sa director ng eskwelahan na siyang nasa pinto. Pagbalik nito sa loob ng klassroom ay may kasama na itong binatilyo.  Agad na nagkaingay ang klase lalo na ang mga kadalagahan ng mapagmasdan ang kasama ng guro nila.  ''Attention class… We have a new student here. Transferee siya galing sa Manila,'' anang teacher nila. Hindi manlang tumingin si Sabrina sa kung sino mang ipinakikilala ng teacher nila dahil busy siya sa kakasulat na salitang destiny, pangalan niya sa mukha ng iginuhit na babae at question mark sa kung sino man ang may ari ng mukha ng lalaking iginuhit niya doon. Siniko ni Ysabel si Sabrina. “Uyy, may bago tayong kaklase…” Ngunit walang pakialam si Sabrina at itinuloy lang ang ginagawa. “Introduce yourself to the class Iho,'' utos ng guro sa bagong estudyante. ''H-Hi... My name is Gregory Montilla. I hope to get along with all of you guys,” maikling pagpapakilala ng binatilyo. Biglang nag-angat ng tingin si Sabrina ng marinig ang boses ng bago daw nilang kaklase. Tapos ay natulala ng makilala ang lalaki. Ito ang destiny niya na kahapon niya pa hinahanap. Tama nga si Ysabel kung talagang ito ang destiny niya ay makikita niya ito kahit hindi niya hanapin. ''Choose a chair from the vacants seats, Gregory,'' anang guro nila. Biglang sinulyapan ni Sabrina ang upuan sa kaliwa. Absent ang talagang nakaupo doon. ''Here! Walang nakaupo dito...'' agad na presinta ni Sabrina at itinuro ang katabing upuan. Tumingin ang lalaki sa kanya pati na rin ang karamihan ng mga kaklase nila dahil sa napalakas na boses ni Sabrina.  Tinanguan lang siya ni Gregory ngunit hindi ito lumapit sa itinuro niyang upuan bagkos ay lumapit ito kay Jaden at nakipag brother hand shake tapos doon naupo sa bakanting upuan a tabi nito. Nagkibit naman ng balikat si Sabrina sa pagkapahiya dahil hindi siya pinansin ng lalaki. ''Is he the guy you're telling us?” tanong ni Ysabel kay Sabrina.  ''Yah, he is!” nakangiting sagot ni Sabrina kay Ysabel. ''Your right, hindi ko siya kailangan hanapin dahil makikita ko siya kung talagang siya nga ang destiny ko.'' ''Okay guys back to our topic earlier. Where were we again?” tanong ni Mrs. Layaw. ''Ma’am, kay Sabrina po bilang pangbato natin sa Miss San Martin,'' sagot ng isang kaklase nila. ''Okay. It’s final si Miss Olivar ang pambato natin!” Anang teacher nila. ''Miss Olivar you may choose whom among the boys you like to escort you on that pageant.''  ''Ma’am I would like the new student Gregory to be my escort! walang ligoy na sagot ni Sabrina na nagpaingay naman sa mga kaklase nila. Si Ysabel ay siniko siya. Samantalang si Gregory ay biglang napatingin sa direction ni Sabrina na hindi alam kung ano ang nangyayari. ''Why Mr. Motilla, Miss Olivar?'' tanong ni Mrs. Layaw kay Sabrina. ''I have nothing against him but he is not yet familiar here. Do you think that's a good idea?'' ''That's the reason why Ma'am… The event will introduce him not only to this class but to the whole Campus,'' siguradong sagot ni Sabrina. Tumunog ang bell bago pa nakapagtanong si Mrs Layaw kay Gregory kung papayag ito maging escort ni Sabrina. ''Okay then kung papayag si Mr. Montilla ay walang problema sa akin! Class dismiss!'' at naglabasan na ang mga kaklase nila Sabrina pati na rin si Mrs. Layaw para sa break time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD