Chapter 3

1838 Words
''SO this is the guy that your calling you're destiny?'' si Adam nakatingin sa kaharap na si Gregory. Nasa Canteen na sila at nagmemeryenda. ''What does it mean?'' asked Gregory, may pagtataka sa mukha nito.  ''Do you remember this face?” tanong ni Austin at hinawakan pa ang mukha ni Sabrina. “Naalala mo bang nakatabi mo siya kahapon ng umaga sa jeep? Since then hinahanap ka na niya dahil ikaw daw ang so called destiny niya,'' pagpapaliwanag ni Austin.  Siniko ito ni Sabrina na namumula sa hiya dahil sa ginagawang pangbubuko ng mga kaibigan niya sa kanya.   ''I am not really sure kung nakasakay ko nga siya kahapon... Baka naman hindi ako iyon?'' sagot ni Gregory.  ''Ouchhh your destiny doesn't even remember you Sab!'' kantiyaw ni Nathan at kunwari ay hinawakan ang sariling dibdib. ''I'm pretty sure na ikaw iyon at wala nang iba!'' Hindi makapaniwala si Sabrina na matapos ang lahat ng effort niya ay hindi naman pala siya natatandaan ng damuhong lalaki at siya lang pala itong parang gaga sa kakaisip dito buong araw kahapon at napuyat sa nagdaang gabi.  ''By the way how did the two of you know each other guys?'' tanong ni Bryan kay Gregory at Jaden. ''He is my Ninong Carlos’ son. The owner of the Montilla ranch. At nakilala ko siya nitong summer lang dahil nag-stay ako sa farm ni Ninong ng five days,'' paliwanag ni Jaden. ''Hindi ba at babae ang anak ni Carlos Montilla at two years old palang?” tanong ni  Sabrina. Inaanak kasi ng Daddy niya ang anak ng mag-asawa kaya alam niya. Alam rin niya na matanda ng labing limang taon si Carlos Montilla sa napangasawa nito na batang bata sa edad na bente kwatro. ''I'm Carlos Montilla's Bastard! Nasagot ko na ba ang tanong mo?'' ramdam ni Sabrina ang pait sa boses ni Gregory. ''I-I'm so sorry!'' paghingi naman ng tawad ni Sabrina. “I didn’t mean to offend you…”  “Nothing to be sorry about. Your sorry won't change the fact that I am a bastard!” wika ni Gregory. Natahimik ang lahat. Animo hindi alam kung paano magri-react sa nalaman.   Si Ysabel ay naiintindihan ang pinagdadaanan ni Gregory. Wala siyang ama at bastarda rin siya kung tutuusin dahil hindi naman nakasal ang ina niya sa kung sino mang ama niya bago sila nito iniwan. ''Anyway, welcome to the club Gregory!” wika ni Nathan at nakipag brother hug kay Gregory para maalis ang tension.  ''Greg nalang, pare!'' wika ni Gregory. Binati rin ito ng iba pa bilang pagtanggap ng mga ito sa barkada nila. ''I'm Ysabel pala Greg and this is Sabrina,'' pagpapakilala  ni Ysabel at nakipagkamay kay Gregory. ''Hindi niyo pwedeng isama si Gregory sa pagiging Romeo niyo boys!'' agad na wika ni Sabrina sa mga kaibigang lalaki. “Bakit naman hindi?” agad na reklamo ni Bryan.  ''Anong Romeo?'' tanong naman ni Gregory. ''That's what she call us. ''The San Martin Romeo'' kasi mga chickboy daw kami,” Paliwanag ni  Austin. ''Ano namang magagawa namin kung palay na ang lumalapit sa manok at bulati na ang nagpatuka sa ibon!'' si Adam ''Cool! Gusto ko yan...'' ani Gregory at nakipag high five kay Jaden. ''No, I won't let you!” matigas na sabi ni Sabrina. ''Why not? I don't qualify to the group?'' tanong ni Gregory ''You do pare! Sa gandang lalaki mong iyan siguradong hahakot ka ng maraming palay,' nakangiting sagot ni Jaden at nagtawanan ang mga lalaki. Si Ysabel at Sabrina ay hindi natutuwa at iniwan ang mga boys sa Canteen.  “Bahala nga kayo. Kainis! Let’s go Ysa…” inis na hatak ni Sabrina kay Ysabel.  ---- ''BAKIT hindi ka pa umuuwi, Sab?” tanong ni Ysabel sa matalik na kaibigan. Nakaupo sila sa bench sa may lilim ng puno ng Mangga. Syempre ay hinihintay ni Ysabel ang alaga nitong womanizer at nagngangalang Jaden Aragon.  ''Hinihintay ko si Gregory,'' sagot ni Sabrina. Tatlong araw palang si Gregory sa Campus ngunit mukhang marami nang palay ang gustong magpatoka.  Kaya naman tatlong araw na rin si Sabrina na inis na inis dahil nagseselos siya. Pinapansin ni Gregory ang lahat ng babae na nagpapacute dito pero hindi siya. Tatlong araw na rin niya itong nililigawan na maging escort niya sa pageant ngunit matigas ang NO ng lalaki. Pero hindi niya ito susukuan hanggang mapapayag niya. What's Sabrina want's, Sabrina gets! At hindi si Gregory ang magbebreak niyon. ''Saan ka pupunta?'' tanong ni Ysabel ng tumayo si Sabrina at naglakad sa direksyon ng mga barkada nilang lalaki. ''I will get my Romeo,'' sagot niya at kinindatan si Ysabel na napapailing nalang. Pagkalapit sa mga kaibigang lalaki ay isiniksik ni Sabrina ang sarili sa pagitan nila  Gregory at ng katabi nitong babae na nakaupo sa bench. ''Oppsss sorry... ' 'ani Sabrina ng mapilitang tumayo ang babaeng katabi ni Gregory. Malakas ang loob niya dahil sigurado naman siya na hindi siya papabayaan ng mga boys kung aawayin siya ng sino man. ''What are you doing? pabulong na tanong ni Gregory.'' ''Nothing...'' pagmamaang-maangan ni Sabrina. ''Bakit ka sumiksik diyan eh nakita mo nang may kausap ako?'' ''Eh di tayo ang mag-usap! Mahirap ba iyon?'' ''Ayaw kitang kausap! Saka sigurado ako pipilitin mo lang ako doon sa escort thing na yan,'' naiinis na sagot ni Gregory. ''Bakit naman kasi ayaw mong pumayag?'' ''Hindi ako komportable sa ganoong mga pageant.'' ''Ayaw mo noon kapag napunta ang titulo ng Mr. Sa Martin High School sayo ay mas marami kang chicks,'' pangungumbinsi parin ni Sabrina. ''Hindi ko na kailangan iyon para mapansin ng chicks! I can have them without that title.'' ''Yabang mo naman!'' ''I am just stating the fact! Hindi pagyayabang iyon.'' ''Fine then no more escort thing but  in the condition that you will date me!'' lakas loob na sabi ni Sabrina. ''Nabigla naman si Gregory sa sinabi nito. ''Why would I? Hindi kita type kaya bakit naman ako makikipag date sayo?'' buti nalang at pabulong lang ang pagkakasabi nito kondi ay napahiya na si Sabrina ng sobra sa mga babaeng kausap ng mga kaibigan niya. ''Ouchhhh! Ang sakit mo naman magsalita! Ano bang ayaw mo sa akin? Maganda naman ako. Matalino rin naman. At---”' ''At ayaw ko sa sobrang maganda na tulad mo,” dugtong ni Gregory. ''Eh di magpapapangit ako para lang magustuhan mo,” nakangising sabi ni Sabrina. Hindi siya mapipikon dahil ang pikon daw ay laging talo. ''Hayaan mo bukas hindi ako maliligo, magsusuklay o kahit maghilamos tapos papasok ako dito sa school.'' ''Kahit Hindi ka maligo at magsuklay ng isang linggo hindi ka papangit,'' sagot ni Gregory. ''Thanks! Pangalawang papuri mo na yan sa akin. Una ay sobrang ganda ko tapos ngayon naman ay hindi ako papangit kahit hindi ako maligo... Ikaw din ang pogi mo!'' pinindot pa ni Sabrina ang ilong ng lalaki na tinabig naman nito. ''Ano ka ba… Hindi ka ba nahihiya? Baka isipin nila syota kita!'' ''Bakitt naman ako mahihiya? Gusto ko nga iyong isipin nila na syota kita para wala nang lumapit sayong chicks.'' 'Hayyyy. 'Iwan ko sayo...'' tumayo ito at nagpaalam sa mga kaibigan uuwi na daw. Tuwang tuwa naman si Sabrina at nagtagumpay siyang pikunin ito para umuwi na. Nagpa-alam na rin siya sa mga kaibigan at kumaway kay Ysabel bilang paalam. Hinabol niya si Gregory at humawak pa siya sa braso nito ng maabutan ito. ''Anong ginagawa mo?'' tanong nito ''Sabay na tayong umuwi...'' nakangiting sagot ni Sabrina. Pinabayaan nalang ito ni Gregory dahil mukhang walang balak na lubayan siya ni Sabrina. Dahil pareho ang direction ng uuwian nila ay magkasabay at magkatabi rin sila sa jeep pauwi. ''Bayad po, paki abot...'' pakikisuyo ni Sabrina. Manong dalawa po at sinabi niya ang lugar niya at ang kay Gregory para alam ng driver kung magkano ang kukunin sa pera na inabot niya. ''Next time ako ang magbabayad! Hindi porket bastardo ako ay pulubi na rin ako,'' halata ang inis sa boses na wika ni Gregory. ''It's not a big deal! Magkano lang naman iyon. Saka palagi na tayong magkasabay na uuwi kaya I have to give my share sa pamasahe. ''Sino naman nagsabi sayo na sasabay ako sayo umuwi sa susunod?'' ''Ako! Sa tingin mo ba papayag ako na hindi mo ako isasabay umuwi?'' nakangising sagot ni Sabrina at walang pakialam kahit naiinis sa kanya si Gregory. ''Ako pa rin ang magbabayad ng pamasahe at subukan mong unahan ako magbayad ulit at hindi kana makakasabay sa akin!” pabulong na wika Gregory sa kanya. ''Fine!'' pagkikibit ng balikat ni Sabrina. Male pride nga naman...isip-isip niya. Konting bagay binibigyan ng issue. Pumara ang jeep at may sumakay kaya umusog si Sabrina sa tabi ni Gregory. ''I never thought na magugustuhan ko na rin pala ang siksikan sa jeep. Kung si Gregory ba naman ang katabi ko, why not?” kausap niya sa sarili. ''What did you say?'' tanong ni Gregory na naulinigan pala ang bulong ni Sabrina para sa sarili. ''Sabi ko...ang cute mo kahit galit ka,'' nakangisi niyang sabi. Lalo naman nagkunot ang noo ni Gregory. Ilang araw nang siya ang pinagtitripan ni Sabrina. Pinakaayaw pa naman niya ang mga babaeng makulit at sobrang maganda. May pagka possessive din ito at kung umakto ay pag-aari siya gayong ilang araw palang naman sila magkakilala. Hindi totoo na hindi niya ito natatandaan noong unang beses na makasakay niya ito. Paano niya ba makakalimutan ang nakakailang na mga titig nito sa kanya at syempre ay maganda naman talaga ito. Sa tingin nga niya ay ito ang pinaka maganda sa lahat ng babaeng nakilala niya ngunit iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niya dito. Masyado itong maganda katulad ng Mama niya. Masyadong confident ang Mama niya kaya hindi natutong magmahal ng isang lalaki lang. Hindi niya mabilang kung ilan ang nakarelasyon nito mula ng maliit pa siya ay nasanay siyang iba-iba ang lalaking ipinakikilala ng Mama niya sa kanya. Maski ang lolo at lola niya ay pinabayaan nalang ito at nagsawa na rin sa kakapangaral. Sa katunayan ay may Dalawa pa siyang nakababatang kapatid sa magkakaibang ama at buntis ang Mommy niya sa pangatlo niyang kapatid ng makunan ito at namatay tatlong buwan palang ang nakakaraan. Kinuha naman siya ng Daddy niya dahil mas kaya daw siyang pag-aralin nito. Matanda na ang lolo at lola niya at sa maliit na grocery sa palengke lang kinukuha ang pang araw-araw na gastusin. Naiwan pa ang dalawa pa niyang kapatid sa pangangalaga ng mga ito. Ayaw niya sana sumama sa ama dahil ayaw niyang iwan ang mga ito ngunit kinausap siya ng dalawang matanda. Mas may kinabukasan daw siya sa Daddy niya at sa tamang panahon ay makukuha niya ang mga kapatid at mabibigyan ng mas magandang buhay. Kaya naman nandito siya ngayon sa San Martin. ''Para po...'' si Sabrina at tinapik si Gregory sa binte bilang paalam. Tiningnan ni Gregory ang bahay na binabaan ni Sabrina. Tama nga ang hinala niya, anak mayaman nga ito. Kaya sanay sa what she wants is what she gets. Lalo tuloy nadagdagan ang mga inaayawan niya sa dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD