Kalalapag lang ng Eroplano Mactan Airport sa Cebu kung saan ako lumaki, walang pinagbago sa nakalipas na dalawang taon. pag labas ko ng airport nakita ko agad si Juni, at kumaway sakin.
Si Juni ay nakababatang kapatid ng pinsan kong si meldrid na kasama nila Ate Hannah sa bahay. lumapit siya sakin at yumakap.
Ate Hyrie kmosta?
Ang Ganda mo pa rin. sabi nito.
wag mona akong bulahin sabi ko.
Ate maganda ba ang Italy?
lalo ka kasing gumanda don, totoo hindi biro.
Halika na. sabi ko habang hila ang kanyang kamay at sa kabila kong kamay hila ko ang troley ko.
Dumaan muna tayo sa hospital sabi ko habang nasa taxi kami.
Ano nga pala ang nangyari kay ate? anong problema niya bakit siya ng suicide?
Hindi rin namin alam, katulad mo si ate Hannah ay hindi rin masyado pala kwento.
Pag dating namin sa hospital naabutan namin si ate meldrid na nakayuko sa gilid ng kama ni ate Hannah. tinapik ko ang balikat niya para malaman niya nan doon na ako.
Hyrie nan dito na pala kayo.
Ate meldrid ano po bang nangyari kay ate?
Hindi ko rin alam basta nalang siyang dinala dito kahapon wala ng malay.
Sige po ako na po mona ang bahala dito.
umowi na mo na kayo para makapag pahinga.
sige. tawagan mo nalang kami kong may kailangan ka dito, sabi ni ate meldrid.
Nakatingin ako kay ate Hannah, hindi ko lubos ma isip kong bakit niya nagawang mag suicide.
nangako kami sa isat isa noon na walang lihiman, tulongan kong ano mang problema ang kinakaharap. Simula ng umalis ako wala naman siyang ikinikwento na problema niya sa trabaho,hindi ko alam kong bakit humantong sa ganito, ang sabi ng doctor naka comatose siya walang kasigursdohan kong magigising.
Pero kahit kunting katiting na pag asa kakapitan ko, maghihintay ako kahit gano pa katagal basta magising lang ang ate ko.
Hinawakan ko ang kamay niya naka dextrose siya at may oxygen.
Kinausap ko siya.
Ate nandito na ako, alam kong naririnig mo ako ate please gumising kana, umiiyak kong sabi sa kanya. ate miss na miss na kita, nakauwi nga ako pero nasa ganitong sitwasyon ka naman.
Sige ate mag pahinga kalang mona ngayon dito lang ako sa tabi mo, hindi na pala mona ako babalik sa Italy hihintayin ko ang pag gising mo.
Dumating si ate meldrid at may dalang pag kain.
Mag haponan ka mo na Hyrie at umowi ka mona para makapag pahinga ako na mona dito, bukas ka nalang bumalik ulit.
Sige po ate meldrid hindi pa ako nagugutom sa bahay na ako kakain.