Chapter 1
Kasalakuyan akong nasa fashion show sa bagong gawa kung sapatos nang tumawag ang pinsan kung si meldrid na siyang kasama ng ate Hannah ko sa pilipinas.
Hello Hyrie komusta ka diyan?
Hello Ate meldrid Okey lang ako bakit ka napa tawag sa ganitong oras, komusta kayo si ate Hannah komusta?
Tanong ko pero kinakabahan, Alam kong emergency iyon, sa 2 years kong pamamalagi sa Italy ngaun palang sila tumawag ng ganitong oras, kadalasan pag tumawag mag chat mona si ate Hannah para sabihin na tatawag sa ganitong oras para daw makapag handa ako.
Emergency ito Hyrie wag kang mabibigla at tatagan mo ang loob mo. Ang ate mo nag tangkang magpakamatay mabuti nalang naagapan at nadala agad sa hospital kagabi pero hindi pa rin nagigising hangang ngaun.
Garalgal na ang boses nito at halos hindi na din maintindihan ang iba pa niyang sinasabi, Isa lang ang tumatak sa isip ko na ang ate Hannah ko ay nag suicide daw at nasa hospital hindi pa din na gigising.
hello hyrie jan ka pa ba?
ouwi ako ate bukas.
sige susundoin ka ni Juni sa airport mag iingat ka.
opo salamat.
Parang nawalan ako ng lakas matapos maputol ang tawag ni ate meldrid.
Unti-unti akong umopo sa tabi habang walang humpay ang agos ng luha ko.
Dumating naman ang kaibigan kong si Danny na isang bakla, naging kaibigan ko siya nong nag masteral ako ng shoe design at nagkasama kami sa isang apartment.
Madam anong nangyari sayo? tanong niya.
Ang ate ko nag suicide daw at nasa hospital hindi pa daw nagigising. Umiiyak kong sagot.
Ouwi ako bukas. paki book mo ako ng ticket please.
Sige halika na, umowi na muna tayo para makapag pahinga ka.
Inalalayan akong tumayo ni Danny at sabay kami lumabas sa building na ginanapan ng fashion show.
Pag dating namin sa apartment na tinuloyan namin ni Danny ay nag pa alam itong aalis para bumili ng pag kain namin.
Hindi naman ako makatulog.
Halos araw araw kaming nag vevedio call ni Ate Hannah pero hindi naman niya nabangit na may problema siya, dahilan para kitilin niya ang sariling buhay.