Welcome to Acelina University
Hello. I'm Celeste, 18 years old. Isa lang akong ordinaryong estudyante.
Nagsisintas ako ng sapatos ng may humarang sa akin na lalaki. "Miss, i heard that you were the new student here", sabi ng lalaki sakin. Matangkad naman siya, maputi, matangos ang ilong at may mapupulang mga labi. "I warned you, don't install any apps or else baka madamay ka pa", dagdag pa niya."Okay po, mister..". "Dion Alejo, Dion na lang for short".
Narinig ko na nagring na yung bell kaya dali-dali akong tumakbo para makahabol sa klase. Ngunit sinalubong ako ng matanda. "Iha, mag-iingat ka sa unibersidad na iyan" sabay ngiti nito na ang creepy. "Nakikita ko na ikaw ang maglalabas ng sikreto na tinatago nila", dagdag pa niya. Bigla akong nangilabot sa sinabi ng matanda.
Ipinagsawalang-bahala ko na lamang ito at dali-daling tumakbo papunta sa klase ko. Hingal na hingal ako habang naglalakad sa madilim na corridor ng 4th floor ng paaralang ito. Nakita ko na ang room ko. "Room 41", pagkakabasa ko dito.
Nakita ko na nagtuturo na yung teacher namin ng tanungin ako nito kung bakit ako nalate. Sinagot ko naman siya na natraffic ako kaya ako nalate. Pagkapasok ko sa room ay nakita ko ang mga estudyante dito na tahimik at namumutla, na para bang minsan lang sila kumain.
"Introduce yourself first". Nakatitig lahat ng mga mata nila sa akin."I-I'm Celeste Alvarez, 18 years old", naiilang kong sambit. "Give me your cellphone, ms. Alvarez", saad niya na nagpakaba sa akin."Hindi ko sayo ibibigay cellphone ko".
"This app will lead you to our lesson", saad niya. Wala akong nagawa kung hindi ibigay ang cellphone ko. Pagkatapos nun ay binigay niya ang cellphone ko. "You will sit beside Cindy, have a seat", sabi niya. "I forgot to say my name, I'm teacher 41". Pagkatapos ay umupo na ako sa tabi ni Cindy.
"Hello, I'm Cindy Alejo",sambit niya. "Nice to meet you!, so kapatid mo pala si Dion", sabi ko. "Yeah!, kilala mo na pala yung kuya ko", dagdag pa niya.
Habang nagkaklase ay biglang may nagsalita sa speaker. "All of you, open the app now!", sabi nung nagsalita sa speaker na parang lalaki at may katandaan na ang boses.
Pagkaopen na pagkaopen ko ng app ay may nakalagay na "once you play the game you need to finish it". Tinanong ko naman si Cindy patungkol dito ngunit ang sinabi niya sa akin ay tuwing tatatak ang araw ng biyernes sa ikalawang linggo ng buwan ginagawa nila ito.
Would you like to continue?, sabi ng app. Pagkatapos ay lumabas ang button na continue at pinindot ko naman ito. Ganoon din ang ginawa ng mga classmates ko na narito.
May iba na namumutla na at may iba na takot na takot na sa kung anong mangyayari mamaya. Habang yung teacher namin ay may hawak na-. Kutsilyo? Para saan? Anong klaseng university to na nagpapayag gumamit ng kutsilyo habang may klase.
You need to answer the following questions, at nag pop up naman yung mga questions at answers so no need na magtype. May narinig ulit kami na nagsalita sa speaker. "This time, you will answer the questions on that app".
Are you a student of Acelina University?. May nakalagay sa choices na yes or no kaya pinindot ko yung yes. Tapos nun lumabas ang isa pang tanong.
Do you really want to continue the game? At may nakalagay na yes or no sa game kaya pinindot ko yung yes. Siguro wala namang mangyayari dito pag pinindot ko yung yes. Parang normal na app lang ito eh.
Welcome player 21! Here is your first task today. "What? Player 21?", pagtataka ko. So kaming mga students yung magiging player sa larong ito. Madumi pa naman ako makipaglaro.
Burn the papers in principal's office or you'll get your punishment. "Okay madali lang ito", pagmamayabang ko. You have 1 hour to do your task. "Isang oras? Parang ang tagal naman nun, eh andali dali lang naman pala nito".
Tinanong ko si Cindy kung ano yung task na meron siya. Ang nakalagay naman daw sa kaniya ay pumatay ng estudyante gamit ang ballpen na meron siya. Kinabahan ako sa task na gagawin niya. Sinabi ko sa kaniya na tutulungan ko siyang pumatay ng kapwa naming estudyante.
Kasalukuyan akong naghahanap ng lighter or posporo para sunugin yung mga papel sa principal's office. Habang naghahanap ay may tumawag ng pangalan ko mula sa likod kaya lumingon ako para hanapin yung boses na iyon.
Pagkababa ko sa hagdan ay naabutan ko yung isang lalaki na nakatalikod habang sinisigaw ang pangalan ko. Kinalabit ko siya at pagkaharap niya ay-. "Dion?", sambit ko. "Pinapahatid ko nga pala itong lighter sa'yo, my task". Nagpasalamat ako kay Dion.
Sinabi ko sa kanya na kailangan ng tulong ng kambal niya. Kailangan naming humanap ng isang estudyanteng papatayin namin. Sumunod naman si Dion sa akin.
May nahanap kaming maliit na babae at sakto na kaya na namin siyang buhatin. Kumuha muna si Dion ng lubid para pantali para sa babae. Itetext nalang daw niya ako kung may nahanap na siyang lubid.
Habang sinusundan itong babae na ito ay nasalubong ko si teacher 41. Parang may tinatago siya sa likod. "My task. Is. To. Kill. You. Run sweetheart".
Tumatakbo ako mula sa corridor ng third floor hanggang makababa ako sa second floor. "Dead end", saad ko na may halong kaba. Kinakabahan ako. Nanginginig ang katawan ko
Naririnig ko na may papalapit na footsteps. Siya na ata iyon. Patuloy pa rin akong kinakabahan habang papalapit si teacher 41. Tinext ko na rin si Dion na papatayin ako ni teacher 41. "Ms. Alvarez", saad niya na may halong pang-aasar.
Wala na akong mapupuntahan pa. Ito na ata ang huling hantungan ko. Akmang tatalon ako ng banggitin ni teacher 41 ang pangalan ko. "Ms. Alvarez", saad ni teacher 41. "Don't worry, di kita papatayin kasi may kailangan pa ako sa'yo", dagdag pa niya.
Nawala ang panginginig ko sa sinabi ni teacher 41. Tinanong ko siya kung ano ang kailangan niya. Ang sinabi niya sa akin ay kailangan ko daw ungkatin ang sikreto ng university na ito or else gagawin niya ang pagpatay sa akin. Pumayag naman ako sa nais niya. Umalis na rin siya kasama ang kaniyang kutsilyo.
Habang naglalakad at tulala sa nangyari kanina naumpog ako sa chest ni Dion. Tinanong niya ako kung ayos lang daw ba ako at sinabi ko naman na kaya ko pa.
Humanap ulit kami ng bagong papatayin at saktong pagkarating namin ay nakita namin yung maliit na babae na sinusundan ko mula pa kanina. Sinapak naman ni Dion yung babae hanggang sa mahimatay ito.
Binuhat ni Dion yung babae. Pagkarating namin sa likod ng building na ito ay tinali namin ang babae sa upuan. Naawa naman si Dion at iniba niya ang plano. Bumili siya ng dugo ng baboy.
"Hindi na lang natin siya papatayin, we will put dugo ng baboy on her body para magmukha siyang dead in just few seconds", saad ni Dion. Pumayag naman ako sa sinabi niya at ayaw ko rin namang pumatay ng kapwa estudyante.
Tinext ko na si Cindy na pumunta sa meeting place namin. Dumating naman si Cindy. Sinabi ni Dion kay Cindy na itusok kunwari yung ballpen na hawak niya. And after that, "your task is done comeback tomorrow to do another task".
"Yehey tapos na yung task", pangchecheer ko kay Cindy. Nagising yung maliit na babae mula sa pagkahimatay nito. "Ano to? Iwwww, wth? Anong ginawa niyo sa akin? Sino kayo?", . "Don't worry, we will not hurt you, I'm Dion"
"I'm Cindy" "and I'm Celeste, what's your name po", saad ko. "Bat ko sasabihin name ko? Pakawalan niyo na ako dito, saad nung babae. Pinakawalan na lang namin siya at pagkatapos-.
"Wait- Haayst hindi pa natatapos yung task ko", saad ko na may halong inis. Tinulungan naman ako ni Dion at Cindy na makahanap ng bagong lighter. "Salamat ulit Dion", sabi ko.
Dali-dali akong pumunta sa principal's office para sunugin yung mga papel, pagkarating na pagkarating ko naman doon ay may nakakalat na papel kaya agad ko itong sinunog lahat. "Your task is done comeback tomorrow for another task".
"Buti nakaabot pa ako, 3 minutes nalang matatapos na ang time sa mga tasks". Maraming tanong ang bumagabag sa isip ko mula pa kanina. Ano kaya yung sikreto na tinatago ng school na ito? Bakit kaya yung task ay kailangan sunugin ang papel sa principal's office? Anong meron sa mga papel?.
Dapat kong alamin ang lahat ng katanungan na bumabagabag sa isip ko. Lahat ng ito ay dahil sa pagpasok ko sa university na ito. Totoo kaya yung sinabi ng matanda sa akin? Na ako ang maguungkat ng sikreto nila.
Dion's P.O.V.
Wala pa namang klase and it's almost time na para mag breaktime. Habang naglalakad ako papunta sa canteen ay may nakita akong mga estudyanteng nakakumpol sa entrance ng canteen. Dahil isa akong dakilang chismoso ay nakichismis ako sa kung ano ang kanilang pinaguusapan.
"Yung mga papeles daw sa principal's office ay mga pekeng dokumento na galing sa isang estudyante". "Baka napatay na yung estudyante na yun".
What?! Fake Document? From one of the student? Dapat kong alamin ang lahat patungkol dito. Baka ako na ang makapagbabago ng patakaran ng school na ito. Pupuntahan ko lang sila Cindy at Celeste.
Celeste's P.O.V.
Nandito kami ngayon ni Cindy sa locker namin ng dumating si Dion. Sabi niya na yung mga papeles na sinunog ko ay mga pekeng dokumento na galing sa isang estudiyante. Tinanong ko siya kung anong name ng estudyante ngunit wala siyang nakalap na impormasyon mula dito.
"Magtatanong na lang ako kay teacher 41", sabi ko. "Baka mapahamak ka lang sa gagawin mong iyan. Naalala mo muntik ka ng patayin ng lintik na teacher na iyan, nagaaala na sinabi ni Cindy. "Pero may kasunduan naman kami at sigurado akong mapagtatagumpayan ko iyon at di na niya ako papatayin. "Sige, sana may makalap kang impormasyon", sabi ni Dion.
Habang papunta ako kay teacher 41 ay nakita ko siya na nagbubuklat ng mga libro sa library. Anong ginagawa niya doon? Baka inaalam lang niya ang history ng school na ito para malaman ang sikreto.
Tinawag ko ang pangalan niya. "Teacher 41", saad ko na nagpagulat naman sa kaniya. Napaharap siya sa akin. "Ano ang kailangan mo", saad niya. "I just want to know about the fake documents in principal's office, sino ang may gawa non".
"Wag ka ng magtanong wala yang kinalaman sa sikreto ng university na ito". "I just want to know lang po". "Ang may gawa nun ay si Clyden Fallera, masaya kana?" "Salamat po ulit, makakaasa ka ma'am na magagawa ko yung hinihiling niyo". "Dapat lang", sabi niya.
Matatapos na ang breaktime at magkaklase na ulit. Kaya pumunta na ako sa room namin at ipagpapaliban muna ang sikreto ng school na ito. Habang naghihintay ng klase ay binuksan ko ulit yung app na nakadownload sa cellphone ko.
Nakalagay pa rin dito ang "your task is done comeback tomorrow for another task". Napapaisip ako kung ano ang sunod kong task. Nakita ko na rin si Cindy na papunta na ngayon sa tabi ko.
"Oo nga pala Cindy, kilala ko na yung nagbigay ng pekeng dokumento". "Sino?", sagot niya. "Si Clyden Fallera". "Teka, kaibigan ko siya dati pero hindi na niya ako pinansin magmula nung araw na nalaman niya na yung pamilya namin yung nagtayo ng school na ito".
"Kayo yung nagpatayo ng school na ito, so kayo yung may-ari", naguguluhang saad ko. "Oo pero-" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin ng dumating yung professor namin. "Kuwento ko nalang sayo maya".
"Good Afternoon class, I'm teacher 41 or Sir. Ramos nalang". "Let's start the class now". Habang nagtuturo ay panay ako take down ng notes para mataas ang score ko sa exam.
Tapos na ang klase at pupunta na kami sa kaniya-kaniya naming room at ang room number ko ay 54. Papunta na ako sa room ko ng makasalubong ko si Dion. Sinabi niya sa akin na ang curfew ng school na ito ay 7 pm.
"Kayo pala ang nagpatayo ng school na ito?", sabi ko. "Yeah, why?". "Gusto ko lang malaman kayo pa rin ba ang may-ari ng school na ito".
"Hindi na, bata pa lang ako binili na ito ni Ferdinand Hacinto at pagkatapos nun hindi ko na alam kung kanino napasailalim ang school na ito. Kaya nung narinig ko ang balita na may masamang nangyayari sa school na ito ay dali-dali akong nagenroll. Sige, malapit na ang curfew go to your room na".
Gusto kong alamin kung sino na ang may hawak sa school na ito kaya napagdesisyunan ko na pumunta sa library bukas. Naglalakad ako ngayon papunta sa room namin. "Room 54", pagkakabasa ko dito.
Nakita ko yung roommates ko na naghahalikan. Nagulat naman sila nung nakita ko silang naghahalikan kaya napatigil sila. Napalunok naman ako ng laway.
"What's your name po", sabi ko. "Wag mo ng alamin baka stalker ka pa", pagmamataray nung babae. "My name is Matthew and her name is Cristella, wag kang mataray babe ordinary student lang din siya", sabi ni Matthew. "Whatever", pagmamataray ulit ni Cristella.
Inayos ko na ang gamit ko para bukas at ang kama ko. Nagluto na rin ako para sa magiging dinner namin mamaya. Natapos ko ng lutuin itong dinner namin at nagsimula na rin kaming kumain. Pupunta na rin ako sa kama upang matulog.
Habang inaantay ang antok ay nagscroll muna ako sa f*******:. Nakita ko naman ang page na Dyk? kaya cinlick ko ito. May isang post ang nakakuha ng atensyon ko at nagpalaki ng mga mata ko.
"Dyk? May isang babaeng nagpakamatay sa Acelina University. Wala namang naging problema ang babae na nagngangalang Camille. Sinarado agad ang kaso pagkatapos mamatay ng dalaga noong 2016".
Madaming bumagabag sa isip ko ngayon. Una yung mga fake documents na binigay ng isang estudyante at pangalawa itong nagpakamatay na estudyante dito sa Acelina University. Nakatulog na ako sa dami kong iniisip.
Pagkagising ko ay nasa harapan ko si Cindy. Ang sabi niya gusto daw niya akong makasama magbreakfast. Tinanong ko siya kung alam ba niya na may nagpakamatay sa unibersidad na ito. Pero sinabi niya sa akin na wala daw siyang alam at 2018 sya nag enroll sa university na ito.
Kasalukuyan akong nagluluto ng breakfast namin ng magchat si Dion. "Nandyan ba si Cindy? She's mad at me kasi". Sinagot ko naman ng oo. Teka?! Bakit galit si Cindy kay Dion.
"Cindy, bat ka galit kay Dion?". "Huwag mo ng alamin", pagsusungit ni Cindy. Hindi na lang ako makikialam sa pag-aaway nilang magkapatid.
"Narinig ko pala na matatapos na yung pinapagawang malaking gate sa school natin, ipapasara na ata ito", sabi ni Cindy. Kinakabahan ako sa susunod na mangyayari sa unibersidad na ito.
*Fast forward
Maghahanda na kami para sa klase namin. Ready na rin kami para sa task na gagawin namin mamaya. Tinanong ko rin si Cindy kung ready na ba siya sa next task niya. Sinabi niya sa akin ay ready na din daw siya.
Pumunta na kami sa classroom namin at umupo na sa kanya-kaniyang seat. Si teacher 41 ang professor namin ngayon. Nagsimula na ang klase at as expected may maririnig kami na nagsasalita sa speaker.
"Your tasks are getting b****y for its second day, half of the population will died". Nanginig ang buong katawan ko at nanlamig ang mga paa at kamay ko sa sobrang kaba.
"Open the app now, students of Acelina University". Pagkabukas ko ng app ay may nakalagay na "would you like to continue the game?" at pinindot ko yung NO. Bumalik ulit yung question na "would you like to continue the game?".
At yung choices nalang ay yes. Kaya pinindot ko yung yes ng may alinlangan. Kinakabahan ako. Ayoko pa mamatay. Bakit ba nila ito ginagawa. "Your task is to kill the person who gave fake documents". Papatayin ko si Clyden Fallera.
Tinanong ko si Cindy kung ano yung task niya pero sinabi niya lang na kayang kaya na niya iyon. Pinuntahan ko agad si Clyden Fallera. Habang nakatalikod siya ay kinalabit ko siya at kinausap.
"Bakit ka nagbigay ng fake documents?", sabi ko. "Hindi ko alam kung ano laman nun maniwala ka sa akin", natatakot na sabi niya. Sinaksak ko siya sa dibdib kaya siya napatumba sa sahig.
"M-may nagp-paabot s-sakin nun", naghihingalong sabi niya. "Sino?", saad ko. Ngunit namatay na siya dahil sa tinamong saksak sa dibdib. Ano kaya ang laman ng fake documents?!
"Your task is not completed". May isa ng namatay dahil sa task na ito. Naguguluhan ako. Sino ang nagbigay nun sa kaniya? Baka isa ring estudyanteng may alam ng sikreto ng unibersidad na ito.
Hinahanap ko naman si Dion para tulungan ako sa task ko. Pagkarating ko sa first floor ay nakita ko siyang nakasandal sa pader. Iniintay niya ata akong bumaba.
Kaharap ko ngayon si Dion at mukhang may sasabihin siya. "May aaminin ako sayo ngayon", kinakabahang sinabi niya. "Sige, makikinig ako ano iyon?". "Ako talaga ang tunay na Clyden Fallera". Ano?! Niloko niya ako.
Kaagad ko naman siyang sinaksak gamit ang kutsilyo na ninakaw ko kay teacher 41. "This is my task, magpanggap na si Clyden Fallera". Nagulat ako sa sinabi niya na task lang pala yun. Nilamon ako ng katangahan ako.
Uniiyak ako ngayon habang inaalalayan si Dion papunta sa Clinic. Pero hindi na niya kaya. "May aaminin ako sayo, si Cindy ang pumatay kay Camille, hindi talaga siya nagpakamatay. Ayoko ng alalahanin pa ang nakaraan namin ni Camille ngunit sinabi ko lang sa iyo para mapagtagumpayan mo ang pagbabago sa unibersidad na ito".
Hindi na nakayanan pa ni Dion at nawalan na siya ng malay-tao. May narinig akong boses mula sa likuran ko kaya tiningnan ko ito. "Anong ginawa mo sa kuya ko?", saad niya. Napatahimik na lang ako sa isang tabi habang umiiyak. Kinakain ako ng kahihiyan ko.
"My task. Is. To. Kill. You. Celeste.", galit na galit na sabi ni Cindy. Sinaksak niya ako ng tatlong beses sa dibdib. Nagsusuka na ako ng dugo. Ito na ata ang huli kong hantungan.
Bago pa ako mawalan ng malay. Nakita ko si Sir Ramos na sinaksak si Cindy. Sinabi niya sa akin na siya ang nagbigay ng mga fake documents kay Clyden Fallera. Marami ng nagsipatayan at mga namatay dahil sa mga task ng unibersidad na ito. Hindi na ata natin makakamit ang inaasam na pagbabago.
Third Person's P.O.V.
Sinaksak ni teacher 41 si Sir Ramos. Binuhat ng mga alagad ni teacher 41 si Dion, Cindy at si Celeste. Papunta sila ng clinic para gamutin yung tatlo. Pero si Cindy ay namatay na.