Kabanata 1

1010 Words
—Angela’s POV—  "Nanay, ito pa oh!" tiningnan ko ng masama yung tiyanak na nag-aabot sakin ng isa pang plato. Kahit nabwi-bwiset ay pinigil ko na lang ang sarili kong masapak ito. Tinuon ko na lang ang pansin sa paghuhugas ng pinggan! Sa nakalipas na isang linggo ay kahit papaano naman ay natututo na ako sa mga gawaing bahay. Pero syempre kahit papaano lang yon! *c***k* (Tunog yan ng may nabasag! xD) Napatingin naman sakin itong Tiyanak na ang sarap ihulog sa bangkong pinagtutungtungan nito. Kapag kasi naghuhugas ako ng pinggan ay tinutulungan niya ako, ito yung taga abot sakin ng hugasin. "Ano? Bakit nakatingin ka?! Aba, hindi ko kasalanang madulas yung sabon!" inis na sabi ko kahit na wala naman talaga pa syang sinasabi o reklamo dahil nakabasag nanaman ako ng isang pinggan. Sa halip na umiyak tulad nung unang dumating ako dito dahil sa sinabi ko ay tiningnan lang ako nito ng inosente tapos bumungisngis. Dati kasi nung mga unang araw ng pagiging alipin ko ay umiiyak ito kapag pinagsasabihan o sinisigawan ko siya pero ngayon mukhang nasanay na ito. Sinubukan kong pigilang mapangiti na din. "Sorry, Nanay." nakangiti sabi nito, nawala naman yung inis ko dahil sa kacute-an ng Tiyanak na ito. Hindi ko na lang pinansin ang pagtawag nito sakin ng Nanay. Tsk. Unang-una sa lahat hindi ko sya anak! Tss. Ewan ko ba kung bakit ako nito tinatawag na NANAY! *Phone ring...* Agad kong kinuha yung phone ko sa bulsa nitong Apron na suot ko. "BAKLAAAAAAAAAAAAA!” nailayo ko ang phone dahil sa sigaw nito. “Goodbye!” akmang papatayin ko yung tawag ng pigilan ako nito. “Wait lang! Oh, my Gosh! Nabalitaan ko yung nangyari! ALIPIN KANA NGAYON?!" bungad ni Vanessa sakin— bestfriend ko. "Tss. Chismosa ka rin talaga, noh?" "So, totoo nga?!" kahit hindi ko ito kita kasi nga magkatawagan lang kami, naiimagine ko na ang paglaki ng mga mata nitong matagal ng malaki! "Oo nga, sino ba nagsabi sayo? Bakla ka, huwag kang maingay na nag-aalipin ako ngayon!" "Oh, my gulay! Ikaw, Angela Brateña, 19 yrs old, nag-aaral sa Unknown University, SINGLE, mayaman, maarte, walang kwenta ang buhay, at higit sa lahat sakit sa ulo ng mga magulang nya ay isa na lang ALIPIN ngayon?! Bakla, bakit? Itinakwil ka na ba ng pamilya mo?!" "Kailangan CAPS LOCK yung SINGLE?!" =______= "Aba, sisihin mo yung Author!" "Tss. Gagalou ka, anong itinakwil? Hindi ako itinakwil! Kasalanan ito nung... " Napatingin ako don sa Tiyanak na tahimik na nakatingin sakin. Tss. ang cute talaga ng bwiset na ito. "Kasalanan ito nung lalaking nabangga ko yung sasakyan!" "Si Mr.GWAPO?!" "Oo, este hindi! Anong gwapo?! MASUNGIT sya! Walang modo, maiinitin ang ulo! Palibhasa may anak na! Tsk!" "May Anak na sya?! Waaaaaaaaah, sayang!" "Oo, kaya tumigil kana sa pagpapantasya sa masungit na yon!" "My Gosh, sayang talaga sya, pero ano na nga? Ano naman kung nabangga mo yung kotse ni Mr.Gwapo," "Mr.Sungit." "Okay ni Mr.Sungit, bakit hindi mo na lang binayaran at nagpakaalipin ka pa?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Sa tingin mo ginusto ko ito? Si Papa ang may kasalanan nito! Ang matandang yon, pumayag sa gustong mangyari nung bwiset na Mr.Sungit na ito na maging alipin ako! Ayaw daw nya ng cash kaya ito ako ngayon— Yaya na nitong Tiyanak nyang anak! Alipin pa nung damuhong RAIN BUENAVISTA na yon!" hininaan ko lang yung pagkakasabi nung Tiyanak, baka kasi umiyak itong bulinggit na ito, wala pa naman yung Tatay nyang panget! "OH, MY GOD! RAIN BUENAVISTA?! Diba mayaman yon?! Oo, mayaman nga sya! Narinig ko dating pinag-uusapan sya dati nung Daddy ko at nung kumpare nya, hangang-hanga sila sa lalaking yon kasi daw ang bata-bata pa ay matagumpay na! My gulay, bakla! Hot isuue yang sinasabi mong may anak na sya, teka, sigurado ka bang anak nya yan? Baka naman kapatid?!" "Anak nga! Tss. Basta, sige na, bye na nga, chichika ko na lang sayo kapag nagkita na tayo! Naghuhugas pa ako ng pinggan, baka dumating na si Mr.Sungit, magluluto pa ako! BYE!" binabaan ko na agad ito. Napatingin naman ako sa tatlong pinggan, tatlong baso at tatlong pares ng kutsara at tinidor na hinuhugasan ko ngayon! Nanlumo nanaman ako ng makita yung isang pinggan na nabasag ko. WAAAAAAAAAAAAH! Lagot nanaman ako sa Masungit na yon! Eh kung sabihin ko na lang kaya na yung anak nya ang nakabasag? Napatingin naman ako kay Tiyanak. "Chicken!" nakangiting sabi nito. Ang tinutukoy nito ay yung ulam na lulutuin ko mamaya. Kahit papaano ay nakakaintindi na ako ng Children Language! Tipong isang word lang yung binanggit nila pero ang haba nung interpretation. "Masusunod, Tiyanak este, Araw." minsan Araw ang tawag ko dito kasi yung pinangalan nung bwiset nyang Ama dito ay Sunny Buenavista! Grabe, sinong matinong taong magpapangalan sa anak nya ng Sunny? Buti nga hindi naging Sun lang eh. Tss. Take note, Rain pangalan nung panget na yon! Hindi naman nya masyadong itinambal sa pangalan nya, diba?! =__________= "Araw?" inosenteng tanong nanaman nito. "Wala, tara na nga, magluluto pa ako!" ibinaba ko na ito sa bangkuan since tapos na naman kaming maghugas, bahala na mamaya kung magalit nanaman yung masungit nyang Ama dahil don sa nabasag ko! Aba, pasalamat nga ang lalaking yon kasi isang plato lang eh, dati nga lahat! Tss. Sana lang maidahilan ko yon sa lalaking yon! Hay! Oras naman ng pagluluto! WAAAAAAAAAAAAH! Lagot nanaman ako sa tilamsik ng langis! Oh, Lord. Bakit? Bakit nangyayari sakin ang mga paghihirap na ito? Ganon na ba ako kasamang nilalang para mangyari sakin ang parusang ito?! T________T Napatingin ako sa kay Sunny, buti na lang nandito ang batang ito. Hindi naman kasi siya alagain, halatang pinalaki ito ng maayos nung panget nitong Tatay. Sa tuwing nakikita ko ang cute na mukha nito ay kahit papaano ay natitiis ko yung mga gawaing hindi ko nakasanayan noon. “Nanay.” Itinaas nito ang dalawang kamay, hudyat na nagpapabuhat ito. I smile and carry him. “Pasalamat ka cute ka.” “Salamat, Nanay.” I just ignore what he called me. Para iwas iyak. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD