Kabanata 2

1154 Words
—Angela’s POV— "NANAY!" "Ice creeeammm~ hmmmm, daming iceee cream!" "Naaaaaaaaaaay!" unti-unti akong napamulat. May nakita akong cute na ice cream tsaka gwapong anghel sa tabi nito. "Hoy, gumising kana dyan, marami ka pang dapat gawin." napakurap-kurap ako ng ilang milyong beses dahil gusto kong magpaka-OA. Agad akong napabangon sa banig na kinahihigaan ko. Oo, banig! Gusto kong magpaawa sa mga mambabasa kaya nagpipiling akong pinahiga nila ako sa banig kahit na ang totoo ay sobrang lambot nitong kamang tinutulugan ko. Dito na rin kasi ako nakatira sa bahay nung mag-amang umampon este umaalipin sakin. Kasama ito sa usapan, para daw hindi na ako mahirapang magpabalik-balik sa bahay namin tsaka sa bahay ng mag-amang salot na ito ay dito na lang nila ako pinatuloy! Grabe, hindi ko alam kung talaga bang ibinigay na ako ng Ama ko dito sa kanila o talaga ayaw na lang nya akong makita! "Ano ba? Linggo naman ngayon ah! Pahinga naman, pwede?!" naiinis na reklamo ko habang tinatanggal yung muta ko sa mata. Nakakainis, panira ng panaginip itong mga bwiset na ito! Ayon na eh, nandoon na ako! Makakakain na sana ako ng ice cream eh, konting-konti na lang kaya lang umeksena itong maliit na duwendeng ito! Halos dalawang linggo na rin pala akong nagpapaalila sa kanila, nung lumipat kasi ako dito ng SAPILITAN ay tinanggalan din ako nung magaling kong Ama ng LUHO! Waaaah, impyerno! Luho ko ang kinondisyon nito para mapapayag nya akong magpaalipin sa dalawang ito, pumayag ako kasi akala ko madali lang maging ALIPIN pero nagkamali ako! MALING-MALI! T________T "Pero, magchichiimba po tayo neyon, Nanay." ^u^ "Ano?! Simba?! Nagpapatawa ka bang Araw ka? Mukha bang may pakielam ako sa pagsisim..." napatingin naman ako kay Mr.Sungit ng tumikhim ito sabay lipat ng tingin sa paiyak nang mukha nung bwiset na TiyANAK nito! "Magbihis kana, ayaw kong mahuli sa church." pagkasabing yon nung bwiset na Ulan na yon ay umalis na ito akay-akay yung anak nyang araw! Waaaaaaaaaaaaaaaah! Seryoso? Nananaginip pa rin ba ako? Ako, ang babaeng never pang nakatungtong sa simbahan ay basta-basta na lang aakayin nung mag-amang yon?! Eh kung masunog ako don? Duh, hindi pa ako ready na mamatay! Marami pa akong hindi nasusubukan sa buhay ko! NO WAY... AS IN, NO WAY, HIGH WAY! HINDING-HINDI AKO SASAMA SA DALAWANG YON SA SIMBAHAN!!!!!!! Magunaw man ang mundo hinding hindi ako— —Church— "Hoy, umayos ka nga." napahikab nanaman ako. Tiningnan ko naman si Ulan ng masama. "Tandaan mo, pinilit nyo lang akong sumama dito." naiinis na sabi ko habang naalala ko nanaman ang pangba-blockmail nito sakin kanina na kapag hindi ako sumama sa kanila ay ipapalinis nya sakin ang buong bahay nila. Duh. Mansyon kaya tirahan nito! Aba, baka maaga akong malosyang! "Hindi kita pinilit dahil pinapili kita, pinili mong magsimba kesa mahlinis, remember?" hamon nito. Tsk. "Ganon na din yon, sumbong kita sa anak mo eh, inaapi mo ako!" sumbat ko dito. Waaaaah, bakit ba ang init ng dugo sakin ng Ulan na ito?! Pinanganak ata ito para pahirapan ako. "Para namang may pakielam sayo si Sunny." nakangising sabi nito. Agad itong sumimangot ng mapansing nakatingin lang ako sa mukha nito. So, marunong pala itong ngumiti?! "Rain?" napatingin kami sa babaeng tumawag dito. "Kamusta kana?" infairness, maganda sya pero syempre mas maganda ako. "Girlfriend mo?" tanong nito habang nakangiting nakatingin sakin. Napalingon naman ako sa likod, tabi, at kung saan pang pwedeng lingunan tapos napatingin ulit don sa babaeng maganda. Teka, ako ba tinutukoy nitong girlfriend ni Ulan?! O________O "Hindi, kaibigan ko lang siya." KAIBIGAN?! KAMI?! Wow ha, kailan pa?! =____________= "Ahh, sorry, akala ko girlfriend mo na. Hehe, matagal-tagal na rin kasi nung magdala ka ng babae dito. By the way, I'm Chelle," iniabot nito sakin yung isa nitong kamay, nakipagkamay naman ako dito dahil mukha naman syang mabait. "Angela Bretaña, pero Gela na lang, hindi kasi bagay sakin yung Angela." nakangiti ring bati ko dito. "Mommy!" napatingin ito sa batang babaeng tumawag dito. "Sige, nice meeting you, Gela. Tinatawag na ako nung baby ko. Welcome dito sa church, sana makita pa kita dito." napatingin ako sa cute na batang babaeng nasa kabilang dulo ng kinauupuan namin. May anak na sya? "Sige, Rain." nakipagbeso ito samin at umalis na. Hmmm. Hindi naman pala masamang magsimba. I look around and whenever I meet their eyes, they smile at me like welcoming me. "Sino sya? Ex mo?" tanong ko kay Rain. Para kasing close na close sila. "Hindi, ex sya nung kaibigan ko." "Ahh." "Nanay, Tatay!" sabay kaming napalingon kay Araw na kararating lang, galing ito don sa tinatawag ditong Children's Sunday School kung saan tinuturuan silang magpakabuting bata, para rin hindi sila makaabala sa mga nakikinig sa sermon nung Pastor. Pagkalipas ng napakahabang parusa sakin at patama ni Father ay sawakas natapos na rin ang service. Nakakaloka, wala akong naintindihan! Paano naman kasi, antok pa ako! "Uuwi na ba agad tayo?" tanong ko kay Sungit. Sa halip na sagutin ako ay binalingan nito si Sunny. "Gusto mo na bang umuwi? Saan mo pa gustong pumunta?" nakangiting tanong nito sa anak. Hindi ko maiwasang mainggit sa kanila, kahit na naiiyamot ako sa lalaking ito dahil siya ang dahilan kung bakit naghihirap ako ngayon ay humahanga pa rin ako dito. Paano nya kaya napagsasabay ang pagiging Ama at pagtatrabaho nito? Bakit kaya hindi yon magawa ni Papa ng sabay? Agad ko namang pinaalis ang lungkot ko! Tsk. Bwiset talaga ang dalawang ito! "Mall!" masayang sabi ni Araw. "Okay, Sunny. Basta palagi ka lang makikinig sa Teacher mo sa church, ha?" nakangiti pa rin sang-ayon nito sa anak. Tumango naman si Tiyanak. Bakit ganon, ini-spoiled nito yung anak nya? Inispoiled din naman ako nung Papa ko pero bakit parang in a good way yung kanya?! Nabwi-bwiset akong tingnan silang mag-ama! =__________= "Tara na," sabi nito na hindi man lamang ako tinanong kung gusto ko nga bang pumunta sa Mall! Hinawakan naman na ito ni Araw pero nagulat ako ng abutin nung Tiyanak na ito ang kamay ko. "Wow. Ang cute naman nung baby nila." "Ang cute nilang tingnan. Perfect family." "Ang gwapo nung lalaki, sayang lang may asawa at anak na." Rinig kong sabi nung mga chismosa sa tabi-tabi. Napatingin naman ako kay Rain kung anong reaction nito, alam ko naman kasing naririnig nya rin yon. Maliban na lang kung bingi sya! Nagulat ako ng ngitian ako nito, teka, simula ng magkakilala kami... iyon ang unang ngiti nito sakin. Tinaasan ko lang ito ng isang kilay at tumingin sa ibang direksyon. *Dubudubdubdubdub* (Tunog yan ng pagtibok ng puso! xD) My Gosh, hearty?! Bakit bigla kang naghisterikal dyan?! O____________O Isang ngiti pa lang yan?! Paano kung dumalawa pa?! Pumangatlo?! Pumang— “Sasama ka ba o hindi?” tanong nito. Hindi ko napansing napatigil ako dahil sa gulat dahil marunong pala itong ngumiti… kahit sakin. “May choice baa ko?” bulong ko. “Wala, kaya tara na.” he smirks again. Tsk! PANGET!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD