—Angela’s POV—
"Bakit tayo nandito?" tanong ko kay Ulan habang abalang namimili ng Bag na panglalaki.
"Anong gusto mo, Sunny, Superman o Spiderman?" tanong nito kay Araw na aliw na aliw dito sa shop ng mga school supply.
Pinakita pa nito yung hawak nitong dalawang bag na may design na Spiderman at Superman.
"Spiderman! Spiderman! Spiderman!" (^_________^)/
Para talagang bata, well, bata pa nga pala itong bulinggit na ito. Ang alam ko limang taon na sya. Hindi ako sure kasi binase ko lang sa kaliitan nya yung edad nito, obvious bang wala akong pakielam kay Araw?!
"Obvious ba, edi bibili tayo ng mga gagamitin ni Sunny para sa pagpasok nito sa school next week." sagot ni Ulan sa tanong ko kanina. Tsk.
Ganyan sya palagi, laging late reaction! =__________=
Nasabi ko na bang apat na buwan akong magtya-tyaga sa mag-amang ito?! Nakakadalawang linggo pa lang ako! Dahil sa sinabi nito ay naalala ko tuloy na magpapasukan na nga pala! Waaaaaaaaaaah! NAKAKATAMAD PA! Hindi ko man lamang naenjoy ang buhay bakasyon ko!
"Speaking of school, hindi mo ba ako pauuwiin muna?!"
"Bakit, hindi ka ba makakapasok kapag nasa bahay ka?"
"Ayaw mo talagang mahiwalay sakin, noh?" ~____________~
"Masyao kang bilib sa sarili mo, ayaw ko lang mawalan ng kasama si Sunny dahil palagi akong wala sa tabi nya."
"Ako na lang ba ang pwede nitong maging kasama? Aba, ang dali namang kumuha ng ibang katulong ah?! Tsaka, bakit ba ayaw mong pabayaran na lang yung damage sa kotse mo? Kaya naman yang bayaran ni Papa ah!" naiiinis na sabi ko dito.
"Yun na nga eh, pera yon ng Papa mo, hindi yon sayo. Nagkakatulong ka samin ni Sunny dahil kailangan mong pagbayaran ang problemang ikaw mismo ang may kasalanan. Wala kang sariling perang maiibayad sakin kaya kailangan mo yong pagtrabahuhan."
Natahimik naman ako dahil sa sinabi nito. Sa unang pagkakataon wala akong masabi sa isang tao, masyado akong natamaan sa sinabi nito. Bigla rin akong nanliit dahil tama ito, never pa akong nagtrabaho para magkaroon ng sariling pera, palaging sa mga magulang ko ako umaasa.
How can he do that?
Ito ang unang taong nagparamdam sakin na ang liit liit ko. But at the same time— the only person who point out something that is not a lie.
Dahil lumaki ako sa mayaman na pamilya hindi ko na kailangang magtrabaho, but at the same time piling ko para lang akong bangka na walang laman— palaging nagpapatangay lang sa alon.
Isa pa, I should be offended, right? But why— why it felt like he’s encouraging me to be functional?
"Mamili ka na rin ng mga gamit mo, sisingilin ko na lang yan sa Papa mo." pagkasabing yon ay hinila naman nito si Sunny sa iba pang gamit na kailangan ng anak nito para school. “Remember to pay it with study and hard work. Buti na lang hindi kita anak o kapatid. Tsk.”
Bwiset na to! Yun na eh! Akala ko okay na ito! Encourage me?! Utot niya! Muntik ko ng malinlang sarili ko na may pakielam to sakin! Tsk!
Wala talaga syang puso! Ganya ba talaga kapag nagkakaroon ng Anak?! Isa pa, nasaan ba ang nanay nung Tiyanak na yon?! Sabi ni Papa, bawal akong magtanong ng tungkol kay Rain, ayan tuloy hindi ko ito matanong ng tungkol sa tunay na Nanay ni Sunny. Nakakamatay pa namang magtiis na hindi magtanong! >_________"Nanay, look oh! Spiderman na pencil!" nakangiting lumapit sakin si Sunny habang pinapakita sakin yung hawak nitong lapis.
Nagulat naman ako dahil mag-isa lang ito.
"Nasan tatay mo?" tanong ko dito.
"Nasa cashier po Nanay!"
Kahit sobrang naiirita dahil sa pagtawag nito sakin ng Nanay ay wala akong magawa, baka kasi kapag pinagbawalan ko sya magalit nanaman sakin yung hinayupak nyang Ama!
Ang nakakainis lang kasi, hindi ako ang nagpakasarap sa pagbuo sa batang ito. Aba, anong karapatan nyang tawagin akong Nanay?! Nasaan ang hustisya doon?! T___________T
"Gela?" napalingon ako sa dalawang babaeng tumawag sakin.
"Glaiza, Mia!" tarantang tawag ko sa pangalan nila. Oh, my gosh! Mga schoolmate ko! Napatingin ako kay Sunny na biglang kumapit sa damit ko. Matatakutin kasi ito sa mga hindi nito kilala.
"Sino sya?" tanong ni Mia habang nakaturo pa kay Sunny.
"Ang cuuutteee~"—Glaiza
Lalo namang humigpit ang hawak sakin ni Sunny. "Ahmm, excuse lang mga bakla, ha. Mahiyain kasi itong Ara-- este si Sunny."
"Kapatid mo?"
"Ha? Hindi, noh! Ano ko siya--"
"Nanay…" mahinang tawag sakin ni Sunny na halatang natatakot sa dalawa.
"N-NANAY?!" Sabay na bigkas nung dalawa kong chismosang schoolmate!
WAAAAAAAAAAAH! PAKTAY!