—Angela’s POV—
"N-NANAY?!"
"Mga bruha kayo, OA lang? Ngayon lang nakarinig ng batang nagsabi ng salitang NANAY?!"
"Oo este, gaga ka! Ano kami ngayon lang nakakita ng bata?! Bakit tinawag kang NANAY?! Oh, my gulay! Aminin mong anak mo yan!" demand ni Mia.
"Oo nga, aminin mo para mablockmail ka namin na hindi namin ipagsasabi sa buong campus nang Unknown University na may anak kana tapos hihingi kami ng kapalit, daliiiii~" pang-aasar naman ni Glaiza.
Yung totoo, uso ba pambla-blockmail ngayon?! Una si Ulan tapos ngayon naman itong dalawang asungot na ito! =____________=
"Hindi ko sya anak! Mga gaga kayo, magkamukha ba kami?! Mukha bang may s*x life ako? Duh. Virgin pa ito, noh!"
"WEEEEEEEEEEH?!"
"Gusto nyong masapak?!" =____________=+++
"Okay.... hindi pa rin kami naniniwala, sige nga, sino yan? Wala ka namang kapatid ah? Tsaka, duhhh, ikaw ang babaeng saksakan ng kaartehan at katarayan sa katawan kaya imposibleng lumapit ka sa bata o magsama ng bata!"
"Bakit kapag maarte at saksakan ng katarayan bawal ng magsama ng bata? Ewan ko sa inyo, sige na, kalimutan nyong nakita nyo ako dito at kakalimutan ko ring nakita ko mga mukha nyong nakakairita." hinawakan ko na si Araw.
Kailangan kong mapalayo sa dalawang salot na ito. Pero syempre dahil mayroon ata akong balat sa puwet bigla namang dumating si Ulan! WAAAAAAAAAAAAH! Ayon na eh, pagkakataon ko ng makalayo sa dalawang ito eh!!!!! Ipaalala nyong kailangan kong bisitahin kung may balat nga ako sa puwet mamaya! T___________T
"Tara na."
"TATAY!!!" tawag ni Sunny dito sabay lapit kay Ulan.
Oh, Lord, gusto mo na ba akong makapiling? Hala sige, ito na ako, kunin mo na ako. NOW NAAAAAAA! T__________T
"T-TATAY?!"
Parang nirewind lang nila yung reaksyon nila kanina nung sinabi nila yung "NANAY" ! Mukha talaga silang baliw. =___________=
"Waaaaaaaaaah! Bakla gwapo, pakilala mo kami!!!!!" bulong nila sakin na rinig naman din.
Napatingin naman si SUNGIT don sa dalawa, pero parang balewala lang ang mga ito dito.
"Tara na. Akayin mo na si Sunny, may mga dala ako." sabi nito sakin na para bang wala sina Mia at Glaiza.
Nasabi ko na rin bang SNOB ang lalaking ito?! WAAAAAAAAAAAAAH! Mabuhay siya, sa unang pagkakataon nagustuhan ko yung ugali nya! Nginisian ko yung dalawa.
"Bye~!" dinilaan ko pa sila bago tuluyang inakay si Sunny. Bahala sila kung anong isipin nila tungkol sakin. Aish. Mas kailangan ko ang LUHO ko kaysa sa ichi-chismis ng dalawang iyon. Mabuti na lang at hindi nila nalamang nag-aalipin ako sa mag-amang salot! Dahil kung nalaman nila yon, katapusan ko na! Sobrang mapanlait pa naman ako sa mga ALIPIN. Ito na ba ang KARMA ko?! =__________=
Kung dati minamaliit ko sila noon dahil akala ko ang babaw lang ng ginagawa nila pero ngayon naranasan ko nang mangatulong, I salute them now. How can do these things every day?! Tapos ang baba pa ng sweldo nila! Hustisya!
"Hindi ko sila mga kaibigan." sabi ko kay Ulan kahit na hindi naman nya talaga ako tinatanong. Wala na kasing maisip yung Author na conversation para mapahaba itong kabanata. Tsk.
"Tinatanong ko ba?" masungit na sabi nito.
"Hindi, nakikita ko lang sa mga matang mong gusto mo itanong kung sino sila sa buhay ko." palusot ko. Kami lang kasi may alam nung Author na gusto nya itong pahabain para sipagin yung mga mambabasa na magbasa at tapusin ito hanggang epilogue.
"Tss. Wala akong pakielam sa buhay na meron ka, ang mahalaga lang sakin ay yung pag-aalaga mo kay Sunny."
Ang bait nya talaga, noh? Kapag kaya nalaman nyang TiyAnak ang turing ko sa anak nya maging masama na kaya siya sakin? Tss.
Buti na lang hindi pala sumbong si Sunny, ang bait kasi nung salot na yon eh. Hindi ko tuloy magawang saktan, sa isip ko na lang sinasaktan yung Araw na iyon para maging maluwag naman sa kalooban ko pang-aalipin nila sakin.
"Tatay, eksayted na po ako sa skuullll~!" walang galang na singit ni Sunny sa pag-uusap namin. xD
Sunny smile at me and I smile back because he’s more human than his father. Buti na lang.
Nginitian naman ito ni Ulan. Grabe, ang plastik nya talaga! =_________=
"Si Tatay din excited na, papasok na ang baby ko."
Kadiri. Ewww. Hindi bagay sa kanya! Buti na lang talaga pinabayan ako nung Papa k nung bata ako, hindi ko kasi narinig sa kanya ang mga word na yan. Yung mga, 'Anak, masaya din akong papasok kana.' 'Mag-ingat ka sa school' 'Galinga mo, ha!'
Ayan tuloy, lumaki akong tamad pumasok sa school! =_____________=
"Si Nanay po ba, makakasama ko sa school?"
"Oo naman, Sunny."
Nagulat naman ako dahil sa sinabi nito.
"WHAT?!!!!!!" hindi makapaniwalang tanong ko. "Sa Unknow University din papasok ang anak moooo?!!!!"
Oh, my gosh! NO WAY! Sa kusina, sa banyo, kwarto, at sa bahay kasama ko na ang Tiyanak na ito, pati ba naman sa school?! T____________________T