—Angela’s POV—
“Waaaaah, bakla! Nakakaloka talaga ang buhay mo.”
“Oo na, alam kong ako na ang pinakamalas na nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw.”
“Gaga, anong malas? Ang swerte mo nga eh! Kyaaaaaaaaaaaaah! Biruin mo yon, nakatira ka sa bahay ng gwapong si Rain Buenavista?! Oh, my gulay! Tapos nagkaroon ka pa ng anak na super ka duper ang kacute-an! Aba, bakla, napakaswerte mo talaga!”
“Wala ka talaga kwento, noh? Nasaan na ba utak mo? Teka, meron ka nga bang utak? Tss. Ang tinutukoy kong pagkamalas ko ay yung pagiging alipin ko sa kanila! Tsaka, gaga ka ba? Anong gwapo? Masungit siya! Yung anak naman niyang TiyANak ay makulit! Tsk.”
“Landi mo, palibhasa tomboy ka! Kung hindi ka tomboy, malabo na yang mata mo. Ang gwapo-gwapo kaya ni Rain! Kyaaaaaaaaaaaaah! Sana pala nung araw na nabangga mo yung sasakyan nya ako pinagmaneho mo! Waaaaaaaaaaaah! Sayang talaga!”
“Mas malandi ka, ang kire mo talaga ewan ko sayo!”
“Brateña, Ferrer! Kanina pa kayo nag-iingay dyan sa likuran! Pinagsabihan ko na kayo hindi kayo marunong makinig! Labas!” sigaw nung Guro namin sa unahan.
Nasabi ko na bang pasukan na ulit? Grabe ang bilis lang! Nakakainis yung Author, kasalanan nya ito! Aba, hindi man lamang ako pinagbakasyon sa BORACAY! Bwiset talaga! =__________=
Dahil isa kaming masunurin at hindi maramdaming studyante, maluwag naming tinanggap ang sinabi nitong pagpapalabas samin. Akmang aalis na kami nang magsalita ulit ito.
“Kayong dalawa, tawagin nyo ang mga magulang nyo, gusto ko silang makausap bukas!”
“Pero—”
“Walang pero-pero, labas!”
Saktong paglabas naming ay nagtext si Ulan.
Buhos ng Ulan: Si Sunny, isabay mo sa pagkain mamayang lunch.
Grabe, pang sampong beses na nya ata itong pinapaalala sakin. Una sa bahay, mga limang beses tapos ngayon sa text, lima ulit!
Hindi naman siya takot na gutumin ko anak niya, noh? May kutob na kaya siyang may galit ako sa Tiyanak na yon? =__________=
“Bakla saan na tayo ngayon? Ang laki-laki pa naman nitong Unknown Universeity! Tara, cutting school!” ngumiti pa ito na parang isang demonyo.
“Hindi ako pwede, kailangan kong mapakain yung Tiyanak baka ulanin ako ng sermon kay Ulan kapag ginutom ko anak nya!”
“My gulay? Ikaw magpapakain kay Sunny? Kyaaaaaaaaaaaah! Sama-sama! Pasama! Pasama!” (^_____________^)/
“Hindi pwede! Tsaka anong ako ang magpapakain sa tiyanak na yon? Never! Aba, putol ba kamay ng batang yon? Duh. Kung gusto nyang kumain, aba, matuto din siyang magpakain sa sarili nya!”
Bigla tuloy akong nanlumo, waaaaaaaaaaaaaaah! Yung Araw na yon, hindi nya nga pala kayang kumain mag-isa, palagi kasi itong tinutulungan ni Ulan na kumain. Kapag kasi mag-isa lang ito ay nagsasabog-sabog yung kanin nito. TwT
“Naman eh! Gusto ko lang makita si Sunny, siguradong cute siya kasi gwapo yung Tatay nya eh! My gulay, mahintay na lang kayang lumaki si Sunny?” *u*
Baliw—perfect description kay Vanessa Ferrer!
Grabe, malala na ang babaeng ito. Pagnasahan daw ba ang bata?! =________________=
Lalong hindi ko hahayaang makita nito si Sunny, kahit naman may galit ako sa batang yon dahil pabigat siya sa buhay ko ay ayaw ko naman masira ang buhay nya. Duh. Ang tamad kaya nitong si Vanessa, kung magiging sila ang magkakatuluyan, kawawa naman si Araw! >____________—Pagkalipas ng mga 1000+ segundo—
“Kyaaaaaaaaaaaaaaaah! Ang cute nya nga!”
“Nanay,” nagtago si Sunny sa likuran ko.
“Huwag kang matakot, alam kong mukha syang Ogre pero hindi yan nangangain ng Araw, huwag kang mag-alala.” Bulong ko kay Sunny, pinantayan ko yung height nito. Tss. Ang liit nya talaga.
“Tsalaga po?” maamong tanong nito sakin. Waaaaaaaaaaaah! Ang cute talaga ng Tiyanak na ito! Nakakabwiset yung ka-cute-an nya, dinaig pa kasi nya yung ka-cute-an ko nung bata pa ako. =___________=
“Oo, nagugutom ka na ba?”
Tumango ito habang nakangiti na. Bakit ganon, ang sarap nyang batukan, lalo kasi syang naging cute. Tss. Buti na lang hindi siya naging babae, kung naging babae ito edi magkakaroon na ako ng karibal bilang nangungunang maganda sa mundong ito!
“Hoy! Anong Ogre ka dyan! Sa ganda kong ito… Ogre?! Aba, aba, Angela Brateña, isa kang malaking bad influence kay Sunny!” tinabig ako nito at nilapitan si Sunny. “Hi, Kiddo. Ako nga pala si Vanessa, ang future wife mo, hohohoho—Aray!” binatukan ko kasi ito. “Hoy, loka ka! Bakit mo ako binatukan?!”
“Nagtanong ka pang bruha ka, huwag mo ngang sinasabihan ng mga ganyan yang Araw na yan. Aba, eh kung makarating yan kay Ulan?!” hinila ko na si Araw papuntang Canteen.
Pagkapasok na pagkapasok namin ay pinagtinginan ako ng mga tao. Nasabi ko na bang maganda ako? Oo, yun yung dahilan kung bakit nagsitinginan sila sakin.
“Bakit kasama ni Angela si Sunny?”
“Magkaano-ano sila?”
“My gulay, baka siya ang Mommy ni Sunny ah?”
Napataas naman ako ng isang kilay, so hindi dahil sa ganda ko kung bakit sila nakatingin?
Teka, paano nila nakilala si Sunny? Sikat ba ang Tiyanak na ito? O___________O