Kabanata 6

1304 Words
KABANATA 6 —Angela’s POV— “Imposible.” Kulang na lang lumabas na ang mga mata ko sa gulat dahil sa nalaman ko. “Hindi mo ba yon alam, Miss Brateña?” “Hindi. Alam ko, sobrang alam ko! Duh. Hindi mo ba kita reaksyon ko? Gantong mukha ba ang may alam? Tss!” iniwan ko na yung Head ng school. Hindi pa rin ako makapaniwala. Paanong hindi ko alam na kami pala ang may-ari ng Unknown University? Hindi lang yon, maging si Ulan ay may share din dito. Business partner pala siya ng Daddy. Kaya pala tiwala dito ang Tatay ko, maging si Mommy, magkakakilala pala sila! Kainis, bakit hindi nila sinabi sakin? Bakit din nilihim nila na kami ang may-ari ng school?! “Nakakainis talaga!” “Nanay, bakit po?” napatingin ako kay Sunny na hawak-hawak at kasama ko parin pala hanggang ngayon. “OMG!” bigla kong naalalang may panghapong klase pa nga pala kaming dalawa. Hala~ hindi na kami makakapasok. Lagot ako kay Ulan! Kanina kasi, naging curious ako kung bakit halos lahat ng studyante ay kilala si Sunny pati na rin si Ulan, eh hindi naman napasok dito ang masungit na yon. Pumunta ako sa Office ni Head para alamin ang lahat, sinabi nito sakin ang mga bagay na hindi ko alam. Isa na nga don ang kaalamang pagmamay-ari pala naming ang school na ito, pati na rin ang pagiging magkahati nila Daddy at Ulan dito. Ngayon alam ko na rin kung bakit kilala ako ng ibang studyante, kaya pala kahit na gaano man ako kapasaway ay hindi pa rin ako napapatalsik sa school na ito. Ang nakakainis lang, akala ko kilala nila ako dahil sa ganda ko, yun pala dahil sa apelyido ko! Bwiset na yan. =_______= Dahil hindi na nga kami makakapasok ng Tiyanak na ito ay nagpasya na lang akong tumambay kami sa garden. Bago kami pumunta don ay bumili muna ako ng mga makakain KO. Oo, ako lang, bahala itong Tiyanak sa buhay niya. Biglang nanginang ang mga mata ni Araw ng makapasok kami sa Hardin ng school. Huwag niyang sabihing first time nyang makapasok sa Garden? Kung ganon nga, aba, kawawang bata! Sa pagkakaalam ko hindi din ito nakakahalubilo sa ibang bata maliban sa mga kaklase nito. Ang Ulan na iyon, masyado syang abala sa trabaho. Tss. Nakaramdamn naman ako ng awa para sa Tiyanak na ito. Nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanya nung bata pa ako, isang batang maraming nalalampasang masasayang kaganapan na dapat nararansan nya bilang bata. Nung lumaki na ako tsaka ko lang narealize na ang dami ko palang hindi nagawa at na-enjoy nung bata pa ako. Pero may isang bagay kaming pinagkaiba ni Sunny… “Nanay… butterfly!” maligalig na sabi nito habang tinuturo yung lumilipad na butterfly sa may ulunan nito, sinusubukan nitong abutin iyon pero masyado pa itong maliit. Yan ang pinagkaiba namin, hindi siya yung klase ng bata na malungkutin at maramdamin… palagi siyang masaya at inosente. Siguro dahil na rin sa Tatay nito, kasi kahit abala ang Ulan na yon, gumagawa pa rin siya ng paraan para makapag bonding silang mag-ama. Bagay na hindi nagawa sakin ng Tatay ko. Sa pagligo, sinasabay nito si Sunny para magawa nyang mapaliguan ang Anak ng hindi siya nale-late sa trabaho. Sa pagkain, palagi itong nakagabay kay Sunny lalo na kapag isda ang ulam. Sa homework, hindi niya basta na lang sinasagutan iyon, tinuturuan nito si Sunny para maunawaan lalo ni Sunny yung mga lessons nito sa school. Hayy. Posible pala iyon? Ang pagsabayin ang trabaho at alagaan ang anak? O si Rain lang ang may kakayanan na gawin iyon? Bigla akong nataranta ng madapa ito, lalapit na sana ako dito kaya lang sa halip na umiyak ay tumawa pa ito. Tapos mag-isa siyang tumayo, hindi ko maiwasang mapangiti, natutuwa ako dahil hindi siya iyaking bata. Pero teka nga, bakit ba ako natutuwa sa batang salot na ito? Tss. Gutom lang ito, Gela! =_________= “Hoy, halika na, kumain na tayo.” Waaaaaaaaaaah! Oo nga pala, hindi ko siya napakain ng tanghalian nang maayos! Kasi naman ang daming tao sa canteen, pinabayaan ko siyang kumain mag-isa. Buti na lang hindi isda ulam namin, kundi sunog na manok. Ako kasi ang nagprito, pero kinain pa rin naman nito, hahaha! Kaya love na love ko ang batang ito eh, pero syempre JOKE LANG YON! Love ah aba! NEVER! Lumapit naman na siya sakin, buti na lang girl scout ako kaya may dala akong panlatag para makaupo kami sa sahig, may mauupuan naman dito sa garden, trip ko lang talagang sa lapag umupo at kumain. Para tuloy kaming magpi-pinic na dalawa. xD “Ahh.” Ibinuka naman nito ang bibig para masubuan ko siya ng pagkain. Hindi nito naubos ang baon namin kanina kasi pinagmadali ko siya para makapunta na kami agad sa Head Office kanina. Dahil may konsensya pa naman ako kahit kaunti, nagdesisyon akong pakainin siya, kahit ngayon lang. “Masarap ba?” Umuo ka! Tumango-tango naman ito habang nakangiti. “Mabuting bata.” Bigla naman nyang nilahad sa harap ko yung dalawang kamay nito. Anong kailangan nito? “Bawal daw sayo ang pera.” Umiling naman ito. “Hugas.” Ahhhh! Maghuhugas pala sya ng kamay! =__________= Sorry naman, baguhan pa lang sa pagiging Nanay! Wait, pagiging Nanay?! Napailing-iling ko. Nababaliw na ata ako, kung anu-ano ng naiisip ko dahil sa batang ito. Binuhusan ko naman yung kamay niya ng tubig galing don sa inumin namin. Tinatamad kasi ako pumunta sa gripo. Nagulat ako ng umangan ako nito ng piraso ng ulam pagkahugas na pagkahugas ko sa kamay niya. Teka, sinusubuan nya rin ba ako? Ang sweet na bata! Kyaaaaaaah~ ako na lang sana Nanay nito, pero syempre, joke lang yon. Duh. Ipamigay ko siya kung ako Nanay nito. xD Naiilang na tinanggap ko naman iyon. At kelan pa siya natutong magkamay? Pero okay na rin, naghugas naman eh. “Mababait ba ang mga kaklase mo?” tumango naman ito habang abala pa rin sa pagkain. “Walang nang-aaway sayo?” tumango ulit ito. Mabuti naman. “Kapag may umaway sayo, sasabihin mo sakin, ha!” “Bakit po nila ako aaway?” inosenteng tanong nito. “Kasi…” natigilan naman ako sa sasabihin. Dapat ko bang sabihin dito na hindi lahat ng mga bata ay katulad nito na mabait? Hindi lahat ng bata maari nyang pakisamahan dahil may mga batang maaring maimpluwensyahan siya ng masama? Pero baka mag-iba ang tingin nito sa ibang mga bata at kaklase niya? Tss. “Kasi… wala. Basta kapag lang may umaway sayo, sasabihin mo agad sakin, ha?” tumango naman ito. Kasabay non ay ang pagguhit ng ngiti sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang protektahan, kung bakit ayaw ko siyang masaktan. Biglang parang naging napakahalagang tao sakin ng batang ito. Biglang, ayaw kong makitang masaktan siya, ayaw kong lumaki siya na may galit sa lahat, ayaw ko siyang mapabayaan… in short, ayaw ko siyang matulad sakin. *Phone rings* Buhos ng Ulan Calling… “Bakit?” “Anong bakit?! Nasaan kayo?! Bakit hindi kayo pumasok?!” Patay… paano nya nalaman? O_________O “A-ahh… kasi…” Waaaaaaaaaaaaah! Anong sasabihin ko?! >_________“Nasaan kayo?! Pupuntahan ko kayo dyan!” “H-ha? Teka, nandito ka sa school?” “Oo! Nasaan kayo?! Bakit tinuturuan mo ang Anak ko na magcutting?!” halatang galit nag alit ito. Waaaaaaaaah, lagot ako! T___________T “Hindi ko siyang tinuturuan, noh!” “Anong tawag mo dyan?!” “Nalate kasi kami kaya—” “Nasaan kayo?!” Grabe nakakarindi naman ito. “S-sa garden.” “Hintayin nyo ako dyan!” Yun na eh, maligaya na ang buhay namin ni Sunny, maaraw na sana kaya lang umeksena pa itong ULAN na ito! Waaaaaaaaaaaah! Katapusan ko na! Good bye Earth! TT___________TT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD