Natigilan si Rain sa paglapit kay Angela at Sunny dahil sa malutong na pagtawang naririnig galing sa Anak niya. Dahil din sa tawang iyon ay nawala ang sobrang galit na nararamdaman nito dahil sa kaalamang hindi pumasok ang dalawa.
“Nanay… Princess!” napangiti si Rain dahil sa sinabi ng Anak, pati na rin sa pinagdugtong-dugtong na bulaklak na nilagay nito sa ulo ni Gela na mukhang si Sunny mismo ang gumawa.
—Angela’s POV—
Upakan ko kaya itong batang ito? Princess pero inaalipin naman ako! Tss. Bakit kaya hindi pa nadating yung Ulan na yon? Niloloko lang nya ata akong nandito siya sa school eh. Kinabahan pa naman ako! >_________“Tatay!” napatingin ako sa bagong dating. Waaaaaaaaaaah! Speaking!
“Kamusta ang baby ko?” binuhat ito ni Ulan. Nakangiti naman tumingin si Sunny saain.
“Nanay princess!” ^___________^
Saglit na tiningnan ako ni Ulan pagkatapos ay bumaling na ulit sa Anak. “Ikaw ba ang gumawa non?” nakangiti pa ring tanong nito. Tumango-tango naman si Araw.
Ibang-iba talaga ito kapag nandyan yung Anak niya o talagang sakin lang siya masama ang ugali? Tsk! =__________=
Ibinaba na nito si Araw at parehas na silang umupo. Hindi naman ako makatingin dito dahil guilty ako! Waaaaaaaaaaah, pasalamat ako dahil nandyan si Sunny, kung wala, siguradong nasermonan nanaman ako ng wagas!
“Maganda dito.” Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nito.
“H-ha?”
“Ngayon lang nakapunta si Sunny sa ganitong lugar.” Tumingin siya sakin at ngumiti. “Salamat sayo.”
Yung… yung puso ko… nababaliw nanaman! >///////////////“B-bakit ka nagpapasalamat? Ako ba nag-alaga sa lugar na ito kaya gumanda ng ganito?”
“Nanay… Tatay!” nagulat kaming dalawa ng bigla may ikinabit si Sunny sa kamay namin ni Ulan na parang kadenang bulaklak. Tinulungan naman naming siyang maikabit iyon. Tss. Para tuloy kaming nakaposas sa isa’-isa. =_________=
Tiningnan ko si Ulan at biglang may naalala.
“Oo nga pala, bakit hindi nyo sinabing tayo ang may-ari ng school na ito?!”
“Tayo?” tumaas ang isang kilay nito.
“Oo, ang sabi ni Head, magkasosyo kayo ni Daddy.”
“Edi hindi tayo, kundi KAMI ng Daddy mo. Wala kang pinaghirapan sa school na ito kaya wala ka pang pagmamay-ari dito. Pero syempre dahil ikaw nga pala ang anak ng isa sa nagpakahirap sa pagpapalago ng school ay maari mo na rin palang sabihing iyo na rin ito.” Nginitian ako nito ng makahulugan. Para bang sinasabi nito na kahit na wala naman talaga akong ginagawa ay napapasakin ang mga bagay na hindi ko naman pinaghirapan.
Bakit ba piling ko may galit talaga siya sakin? Dahil ba sa kotse nito? Ganon ba yon kahalaga para maging ganito ang turing niya sakin?!
Sisigawan ko na sana ito dahil sa sobrang inis ng mapansing nakatulog na pala si Sunny. Napatingin din naman si Ulan dito, pagkatapos ay inayos ang pagkakahiga ni Araw sa hita nito.
Isang mahabang katahimikan ang namutawi saming dalawa. Bahala ito, wala naman akong sasabihin sa kanya eh.
“Pinakain mo na ba ang Anak ko?” pagkaraan ay tanong nito.
“Oo, huwag kang mag-alala. Tsk. Para namang gugutumin ko yang Anak mo.”
“Malay mo naman, makasarili ka, diba?” tiningnan ko ito ng masama.
“Wala kang karapatang husgahan ako, hindi kita ka ano-ano!” bigla naman itong napatawa na lalong nagpainis sakin. “Anong nakakatawa, ha?!”
“Wala naman, lalo ko lang narealize na ganyan ka pala talaga ka babaw.”
Piling ko namumula na ang buong mukha ko dahil sa inis dito! Magwa-walk-out na sana ako para makalayo dito ng maramdaman ko yung ginawang chain ni Sunny gamit ang bulaklak. Napatingin naman ako doon balik kay Ulan.
“Paano ba yan, nakaposas ka sakin at tulog pa yung taong pwedeng magpalaya sayo.” Nakangiting sabi nito.
“B-bakit? Pwede ko naman itong sirain ah!”
“Talaga? Subukan mo lang.” nawala ang ngiti nito at tiningnan ako ng seryoso.
Waaaaaaaaaaah~ ang sama nya talaga! Para bang sinasabi ng mga mata nito na kapag sinira ko yung gawa nung Anak nya ay sasakalin niya ako hanggang sa mawalan ako ng hininga. TwT
“Bakit ba ang sama mo sakin?!”
“Hahaha! Bakit may ginawa ka bang masama para maging ganon ang turing ko sayo?”
Meron nga ba?
“Wala!”
“Sigurado ka?”
“Oo! Tsk. Kung tungkol ito sa Kotse mo, sorry, okay? Sorry na!”
“Hinding-hindi kita mapapatawad.” Bakas ang galit dito. Ganon ba siya kababaw?
“Kung ganon, bakit mo pa ako inaalila?!”
“Kabayaran sa kasalanan mo.” Malamig na sabi nito.
Hindi ko talaga maintindihan ang galit nito sakin. Bahala nga siya.
“Ang sabihin mo, gusto mo lang na may nakakasama yang Anak mo! Nasaan ba kasi ang Nanay ng batang yan! Kung may galit ka sa Nanay ni Sunny, pwede ba huwag mong ibaling sakin! Garbe, hindi ko kasalanang wala yung Nanay nya o kung iniwan man niya kayo at pinabayaan! Bakit sak—” natigilan ako dahil sa tingin nito. Para bang kahit ano mang oras ay handa na nya akong patayin.
Nagagalit siya?! Bakit totoo naman lahat ng sinabi ko ah!
“Wala kang alam kaya tumahimik ka.” Mapanganib na banta nito sakin.
Naalala ko nanaman ang pakiusap ni Daddy na huwag ipapaalala dito ang tungkol sa Nanay ni Sunny. Kahit daw anong inis sa kanya at pang-aalipusta na pwedeng masabi sakin ng lalaking ito ay tanggapin na lang daw niya at mag bingi-bingihan na lang ako! Ha!
Siguro nga mabigat ang ginawa sa kanilang mag-ama ng babaeng yon, pero bakit kailangan sakin yon mabaling?! Kaya siguro walang nakakatagal na katulong sa lalaking ito dahil tinuturing niya na lahat ng babae ay masasama.
“Yun na nga eh, wala akong alam pero bakit sakin mo binabaling ang galit mo, ha?”
Nanahimik ito, akala ko hindi na niya ako sasagutin pero bigla itong nagsalita. “Dahil nakikita ko siya sayo, babaeng walang direksyon ang buhay. Babaeng tanging sarili lang ang iniisip.”
“Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin? Siguro nga makasarili ako, pero may direksyon naman ang buhay ko!”
“Talaga? Bakit ano bang plano mo sa buhay?”
Ako naman ang natigilan dahil sa tanong nito, wala akong maisip. Hindi ko alam, wala akong maisagot dahil hindi ko naman iniisip ang future ko. Kung ganon tama ito? Wala nga bang direksyon ang buhay ko?
“See? Wala kang plano sa buhay mo, katulad niya, puro pagpapasaya.” Nahimigan ko ang pait nito.
“Kung ganon, bakit nagmahal ka ng katulad ko?” tiningnan ko siya… mata sa mata.
Nailang ako ng titigan lang ako nito at halatang malalim ang iniisip.
“Dahil akala ko hindi kaya ng mga katulad mong mang-iwan ng isang batang walang kamuwang-muwang. Ikaw, ganon ka rin ba? Mas gugustuhing ipamigay na lang ang anak niya maging malaya lang ulit.” napatingin ako kay Sunny na mahimbing pa ring natutulog.
Galit…. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng galit sa babaeng yon. Kanina nasabi kong kaya kong ipamigay si Sunny, pero dahil hindi ko naman siya kadugo, pero kung ako ang Nanay ng batang ito, hindi ko yon magagawa sa kanya!
Paano nagawa ng babaeng iyon iwan ang katulad ni Sunny? Sobrang bait nito, matalino, masipag at sweet na bata.
“Hindi niya ako katulad.” Bumalik na ang tingin ko dito. “Hindi ko kayang mang-iwan ng bata lalo na kung anak ko ito.” Nakasisiguradong sagot ko.
“Sana nga.” Tumingin ito kay Sunny tapos ngumiti. makikita dito ang sobrang pagmamahal sa anak.
Sana katulad niya lahat ng mga tatay, maging bata pa ito o nasa tamang edad na para maging Ama.
Nakaramdam din ako ng inggit sa babaeng yon, napakaswerte nya dahil meron siyang mag-amang katulad ni Rain at Sunny.
Mukhang mahal na mahal din siya ni Ulan, paano niya nagawang iwan ang dalawang ito?