Kabanata 8

806 Words
—Angela’s POV— “Ayoko na, Daddy!” bungad ko saking Ama ng pumasok ako sa Office nito. Tiningnan lang niya ako saglit pagkatapos ay tumingin na ulit sa hawak nitong mga papel. “Hindi pwede.” “Pero, Dad! Pagod na pagod na ako, para akong working student na wala namang sweldo!” Isang buwan na ang nakakalipas pero suko na talaga ako! hindi ko inasahang mararanasan ko ang ganitong klase ng pang-aalipin. Palaging kailangan kong maagang magising para sa pag-aandar ng umagahan taglay na rin yung maluto naming ni Sunny para sa tanghalian. Pagka-uwi ko naman galing school hindi pa rin ako makakapagpahinga dahil kailangan kong maglinis at maghugas, kailangan ko ring magluto para sa hapunan. Paulit-ulit na ganon at ganon na lang ang nangyayari, idagdag pa yung mga pangmamaliit sakin ng Ulan na yon! Sinong hindi susuko?! “Ikaw ang pumasok sa gulong yan, sawang-sawa na akong tulungan ka. Isa pa, wala kang ibang choice dahil wala ka namang pangbayad kay Rain.” Sabi nito na hindi pa rin natingin sakin. “Fine! Babayaran ko ang lalaking yon sa sarili kong pera kung yon ang gusto niya, magtra-trabaho ako pero huwag sa kanya! Huwag lang sa lalaking yon!” Sawakas ay tumingin na ulit ito sakin. “Alam mo ba kung magkano yung sasakyang sinira mo?” “Isang daang libo o mas mababa pa?! Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sakin samantalang napakamura naman nung sasakyan niya, eh kayang-kayang nga nyang bumili ng ganong sasakyang kahit isang daan pa! Tapos halatang luma na naman yung sasakyan niya!” inis na bulyaw ko. Totoo naman kasi yung sinasabi ko, mahilig ako sa sasakyan kaya alam ko kung anong klase yung sasakyan niya. “Hindi lang ito tungkol sa pera, Angela, isang napakahalagang bagay ang sinira mo para sa batang yon. Ipinamana pa yon sa kanya ng namayapa niyang Nanay, ilang taong iningatan ng batang yon ang sasakyan niya, ang nag-iisang bagay na magpapaala-ala sa kanya sa Nanay nito. Pero sa isang iglap lang, sinira mo ito.” Natigilan naman ako dahil sa kaalamang iyon. Galing pa yon sa Nanay niya? W-wala na ang Nanay nito? Kaya ba kahit kalian ang hindi bumisita ang Lola ni Sunny sa bahay? “Kaya kung para sayo isa lamang itong mumurahing sasakyan, ibahin mo si Rain. Kung wala ka ng iba pang sasabihin, umalis kana, may mga gagawin pa ako.” “B-bakit parang kilalang-kilala mo siya, Dad?” hindi ko maiwasang itanong. “Isa pa, bakit nilihim mo sakin yung tungkol sa Unknown University?” “Nilihim? Wala akong natatandaang inilihim ko ito sayo, hindi ba’t ang sabi mo ay wala kang pakielam sa mga negosyon natin? Yung tungkol naman kay Rain, business partner ko siya, hindi mo alam kung anong kahihiyan ang dinulot sakin ng kapabayaan mo!” Kapabayaan? Ipinahiya ko siya? Lagi naman, diba? Kailan mo ba ako nakita bilang anak? Gustong-gusto ko yang itanong sa kanya, hindi ko alam kung bakit piling ko galit na galit ito sakin. Ampon lang ba ako? Bakit hindi niya ako magawang mahalin? Nagdesisyon na akong iwan ito. “Sorry po sa abala, ha?” naglakad na ako palabas ng office nito. Pilit kong pinigilan ang mga luha kong pumatak, hinding-hindi ko na hahayaan ang sarili kong mag-aksaya ng luha para dito. Kahit na ayaw ko ng makita pang muli ang mukha ng lalaking yon ay kailangan kong bumalik, wala na akong ibang mapupuntahan kundi ang bahay nito. “Nanay!” masayang bungad sakin ni Sunny. Halatang kagagaling lang nito sa pag-iyak kahit na nakangiti ito. Ang totoo, kaya ako napasugod sa Tatay ko ay dahil nagkasagutan nanaman kami ni Ulan! Sa sobrang inis ay nilayasan ko ito, medyo nasasanay naman na talaga ako sa mga gawaing bahay eh, ang hindi ko lang maksanayan ay ang mga masasakit na salitang ibinabato sakin ng bwiset na Rain Buenavistang to! “Bumalik ka pa?” manghang tanong ni Rain na para bang alam nitong babaliw ako.Tsk. “May tatlong buwan pa ako, diba?” “Bakit, kaya mo pa ba?” panghahamon nito. “Oo naman! Ble~” dinilaan ko ito bago tuluyang pumuntang kusina. Hindi ko na lang papansinin ang mga sasabihin nito. Naramdaman ko naman ang pagkapit ni Sunny sa kamay ko. Napangiti naman ako, para kasing sakin na rin siya kumampi dahil sa pagsunod nito. Mas gusto mo na si Nanay, diba? Napailing naman ako dahil sa naisip. Ano ba itong iniisip ko? Tss. Anong Nanay ka dyan, Gela? Hindi mo anak ang Tiyanak na yan! =___________= “Nagugutom kana ba?” tumango-tango naman ito. Grabe, wala na talagang kupas ang kacute-an ng bwiset na Araw na to! =___________= “Anong gusto mong Ulam?” “Gusto ko tuyoo~” (*^O^*)/ “Aaaahhh….” Natigilan naman ako at napaisip. Teka…. Ano yon?!!! (=____________=)???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD