—Angela’s POV—
“Hindi ka naman gutom ng lagay na yan, bakla?”—natatawang tanong ni Vanessa habang pinapanuod ang paglamon ko.
*Yum yum yum yum yum yum* (Tunog yan ng lumalamon! xD)
“Waya kang pachielam!”
“Eww. Lunukin mo nga muna yang kinakain mo. Hindi kita maintindihan!”
*Gulp*
“Ang sabi ko, wala kang pakielam sa nararamdamn ko!”
“Wala naman talaga akong pakielam sa nararamdamn mong bruha ka, ang pakielam ko lang ay yung pera ko! Aba, baka nakakalimutan mong simula ng maging Alipin ka ay ako na ang bumubuhay sayo!”
“OA lang? Sa school mo lang ako binubuhay, pagkaka binubuhay mo naman sakin!”
Kapag kasi nasa school kami at nagustuhan kong kumain, ito ang sinasama ko para ipagbayad ako! Aba, sapat lang ang binibigay saking baon, pero kulang pa rin sakin. Sapat na kulang, magulo~ xD
“Binubuhay pa rin kita!”
“Kapal mo, hindi mo naman pera yan eh, sa magulang mo yan.”
“Uiiiii~ Gaya-gaya ka kay Gwapo, ha.”
“Tse! Pinaalala mo pa yung bwiset na yon!”
Pero oo nga, noh? Line nga pala ni Ulan yon! =____________=
“Sus. Ano nanaman bang ginawa sayo ng gwapo mong amo?”
“Pwede ba, huwag mo siyang tawaging gwapo, nasusuka ako.”
“My Gulay! Buntis ka?!”
“Loka! Nasusuka lang, buntis na? Bili mo akong candy, mabaho na hininga ko.”
“Ate, candy nga!” sigaw nito don sa bantay dito sa Canteen ng school. Agad naman kami nitong inabutan ng Candy.
“Aish. Magpaka adik na lang kaya ako? Tapos magpapahuli na rin agad ako, gusto kong makulong eh, wala kasi atang school don.”
“Gaga ka ba, nire-r**e mga magaganda don!”
“Paano mo nalaman? Galing kana don, noh?!”
“Baliw. Nabalitan ko lang kay Author, pero gawa-gawa lang din niya yon para may mapag-usapan tayo.”
“Tss. Siguradong ipapasok nanaman non si Sunny para lang humaba nanaman itong Kabanata niya o kaya papaasahin niya ang mga readers na magiging sweet na kami ni Ulan.”
“Pero bakit nga ba hindi kayo magkasundo ni Pogi?”
“Kasi panget siya, mainit ang loob ko sa mga panget, buti nga mabait ako sayo. Pasalamat ka, nililibre mo ako.”
“Wow, nahiya naman ako sa kagandahan mong bwiset ka. Tandaan mo, mas maganda ako sayo, nagkataon lang na malandi ka. Sabi nga nila, daig ng malandi ang maganda! Oha! Oha, ngayon mo lang nalaman yon, noh?! Taga bundok ka eh! Hahahaha!”
Binatukan ko ito. Ang ingay niya kasi, wala pa namang ibang tao dito kundi yung mga bantay ng canteen tsaka kaming dalawa lang, binatukan ko siya kasi dapat nag-iingay siya kapag maraming tao hindi yung kami-kami lang.
“Huwag ka ngang maingay, baka mahalata nung mga alipin dito sa canteen na cutting tayo.”
“At kailan ka pa nagkaroon ng pakielam kena Ate? Pagkaka ALIPIN mo nanaman, kaya ka nakakarma eh.”
“Pasensya, nasanay na eh.”
“Cutting ka nanaman!”
“Ay DIYABLO!” sigaw ni Vanessa. Napaka OA talaga ng babaeng to. Tsk.
Napatingin kami kay Zack na parang halimaw na bigla na lang sumulpot. Nakakunot nanaman ang noon nito, lagot ka Vanessa.
“Sinong Diyablo, ha!” sinakal nito si Vanessa.
“Arg! Ano ba, bwiset na to! Lumayas ka nga!” sa halip na sumunod ay lumapit pa ito kay Vanessa.
“Kaya walang kwenta ang buhay nyong dalawa dahil parehas kayong walang direksyon ang buhay. Tss.”
“Hoy, tumigil ka nga Zack Havez, bestfriend ni Vanessa, matiwasay ang buhay, masungit, at pinagpalang nilalang na katulad ko!”
“Ikaw ang tumigil, MAID.” Agad akong napalingon kay Vanessa.
“Sinabi mo sa kanya?!!!” nag-iwas na tingin sakin si Vanessa habang naka peace sign.
Arggg! Ang bruhang toooooo!!!!!
“Sawakas naman nakarma ka ng babae ka, ikaw kaya Van, kailan ka kaya makakarma?”
“Kapag patay kana, tara na nga!” hinila na nito si Zack. “Bye, bakla!”
Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Ang dalawang iyon, siguradong magtatalo nanaman sila dahil sa pagkacutting naming dalawa. Para kasing Tatay ni Vanessa yung si Zack, bestfriend pa lang sila niyan, ha!
Nakakatamad silang pag-usapan, abangan nyo na lang story nila kapag naisipan ni Author na gumawa ng Side story nila, kaya ko ito sinasabi para pilitin nyo siyang gawan sila ng side story, ayokong umeeksena sila dito sa story ko. =____________=
Pagkalipas na mahabang oras ay sawakas ala singko na kaya kailangan ko na sunduin si Sunny sa room nito. Buti na lang at hindi kami masusundo ni Ulan dahil wala siyang binigay na dahilan. Nagpadala na lang ito ng sasakyan at driver para samin ni Araw.
“NANAY!” (^__________^)//
Hindi naman palaging masaya ang Tiyanak na ito kapag nakikita ako, noh? Hindi kaya siya nagsasawa sa mukha kong maganda? Sana kahit minsan lang magsawa naman siya. Tss. Kasi ako, sawang-sawa na akong mainsecure sa gwpaong mukha nito eh. Hindi ko pa rin matanggap na mas cute ang bwiset na ito sakin. Kasalanan to nung Ulan na yon eh, bakit ba binuo pa nila ito nung babaeng umabanduna sa kanila? Aba, edi sana wala nangungulit sakin ngayon! Gawin ko itong bakla eh! =__________=
Gustong-gusto kong sabihin dito na hindi ako ang Nanay nito kaya lang nung unang beses na sinabi ko yon sa kanya, isang buong araw kaming nag-iyakan. My gulay! Tatanda agad ako dahil tiyanak na ito, iyakan daw ba ako maghapon! Yung magaling na Ama nito walang pakielam, bahala daw akong magpatahan dito dahil ako naman daw nagpaiyak. Ang gandang dahilan, diba?!
*BAHAY*
“Pagpasensyahan mo na yung anak ko.” Natigilan kami ni Sunny sa pagpasok dahil sa narinig kong yon. Boses yun nung mgaling kong Ama ah!
“Hanggang kailan pa ako magpapasensiya sa walang kwentang yon?”
W-walang kwenta? Teka, ako ba ang tinutukoy nito?!
“Pasensiya kana talaga, Anak. Pero salamat dahil tinanggap mo siya.”
ANAK?!!!!!!!!!!!!!!!
“Huwag kayong magpasalamat sakin, kay Sunny kayo magpasalamat. Kung hindi dahil sa anak ko, hinding-hindi ko patatapakin man lang sa bahay ko yang Anak mo.”
Teka… anong nangyayari?! A-anak niya si…. RAIN?!!!!!!!!!!!!! O_____________O