Kabanata 10

963 Words
—Angela’s POV— “Anong kalokohan ito?!” bungad ko sa kanila pagkapasok namin ni Sunny. “Anak mo si Rain?! At sino saming dalawa ang ampon… ako pa?! Grabe, anak mo siya sa labas, noh? Niloko mo si Mommy! Ang laki pa naman ng tiwala niya sa inyong dalawa! Mga wala kayong puso!” “Ano bang pinagsasasabi mo dyan?” =________= “Lalo ka ng Ulan ka! Ikaw ang anak sa labas! Hindi pwedeng ako! Hindi ko ito matatanggap!” “Sino bang may sabing anak ka sa labas?!” “Ahmmm….” Teka, sino nga ba??? Tiningnan ko si Sunny, nakatingin lang ito ng inosente samin, halatang wala siyang maintindihan sa pagda-drama ko, siya pa naman sana ituturo ko. (___ _____”) “Wala kana talagang ipagbabagong bata ka.” Sabi nung Ama ko habang umiiling-iling pa. Bumaling naman na ito kay Sunny. “Halika, Apo! Tayo na lang ang mag-usap.” “Lolo!” agad namang lumapit dito si Sunny. LOLO?! =__________= “Bakit nandito ka, Dad?!” sa halip na pansinin ako ay inakay na nito si Sunny pataas. Kami na lang tuloy ni Ulan ang natira. Tiningnan ko naman ito ng masama. “Anak ka ba niya?! Anak ka ba ng TATAY ko?! KAPATID KITA?!” “Anak niya ako, pero hindi kita kapatid, mas gugustuhin ko pang mamatay kesa maging kapatid ang isang katulad mo.” malamig ang boses na sabi nito. Tinalikuran na ako nito! Argh! Sumusobra na siya, aba, kotse lang ang nasira ko kung husgahan niya ako akala mo naman buong pagkatao niya ang nasira ko! Kung ayaw niya akong maging kapatid…. LALO NAMAN AKO!!!!!!!! Ikaw na Ulan kaaaa…. Inihanda ko ang aking magagandang pangil at agad na lumapit dito…. Then…. “AAARAAAAAYYYYYY!!!!!!!!” Kinagat ko siya sa leeg! Hohohohoho! Owkie na ako, wala na ang sama sa loob ko para dito, bati na kami. “IKAW NA BABAE KA!!!!” Uh-oh! 1… 2… 3…. TAAAAAKBOOOOOOOO!!!!!!! >______________“Nanay… Tatay!” sabay kaming napalingon kay Sunny na papalapit na pala sa direksyon namin. Waaaaaah, sige, Sunny, lapit kay Nanay at Tatay! Este samin. Ano ba itong iniisip ko?! Masyado na ata akong nasasanay sa dalawang ito! “Hindi pa tayo tapos.” Kinuha naman ito ni Ulan at kinarga. Tss. Nagbanta pa ang panget! “Anong kailangan ng Sunny ko?” Maka “Sunny KO” naman si KUYA… wagas! May aagawa lang? =________= Bigla naman akong tinuro ni Araw. Eehhh? Ako? Tiningnan naman ako ng masama ni Ulan, takte, huwag niyang sabihing pinagseselosan niya ako? O___________O “Nanay, dusto ko dito lang chi Nanay!” (^O^)/ Tiningnan ko naman si Daddy ng ‘pinapaasa-nyo-yung-bata-look’ Apat na buwan! Apat na buwan lang ako dito, noh! Kahit na ayaw pa akong paalisin ng Tiyanak na ito, ang usapan ay usapan! “Pupunta na po ba tayo?” tanong ni Ulan na nakatingin sa Tatay ko. “Pupunta saan?” tanong ko. “Wala ka talaga kwenta.” Sabi naman ni Ulan. Tss. Mahal na mahal niya talaga ako! =___________= “Kay Selena.” Natigilan naman ako dahil sa pagbanggit ng Tatay ko sa pangalang yon. Sa pangalang matagal ko ng kinalimutan. “Mag-ayos na kayo,” Kung ganon kaya siya nandito para sa pagpunta namin sa kanya? Walang imik na pumunta ako sa kwarto ko dito para magbihis. Bakit kailangan pang alalahanin ang ganitong mga araw? *—SEMENTERYO—* “B-bakit?” *snip* “B-bakit ang anak ko pa? A-ang bata-bata pa niya… S-selena… ang Selena ko…” Hindi ko napigilang hindi tumalikod, hindi ko kayang nakikita ang Mommy ko na umiiyak. Ilang taon na rin pala ng mawala ang Ate ko, hindi ko na matandaan kung ilang taon na, maging ang dahilan ng pagkawala nito. Gusto kong tanungin ang mga magulang ko kung bakit pero ayaw kong maalala pa nila. Ayaw kong maalala nila na hindi isa, kundi dalawa kaming anak nila. Ayaw kong dagdagan yung sakit na dala-dala nila sa tuwing maaalala nila ang Ate ko. “Bakit, George? Bakit kinuha siya agad satin? Bakit ang anak pa natin?” muli akong lumingon sa kanila, nakaluhod si Mommy sa puntod ni Ate, habang ang Daddy ko naman ay nakaagapay dito. “G-george… *snip* h-hindi ko pa rin maintindihan…. B-bakit?” tanong pa rin ng Mommy ko habang masaganang pumapatak ang mga luha nito. Maging ang Daddy ko ay papaiyak na, alam kong pinipigilan lang nito para sa Mommy ko. Hindi umiimik ang Daddy ko, patuloy lang siya sa paghagod sa likod ni Mommy. Hindi ko alam kung anong gagawin, kung paano ko sila matutulungan mabawasan man lang yung sakit na nakikita ko sa kanila. Maging ako ay umiiyak na din, hindi ko mapigilan, sobrang sakit din sakin nito, pero alam kong mas masakit para sa kanila. Sa mga nakalipas na taon, ito na lang ulit ang muli kong pagpunta sa lugar na ito. Gusto ko sanang umiwas na alalahanin ang araw na ito pero wala na akong nagawa dahil si Daddy na ang pumunta at nagyaya. Napatingin ako kena Ulan at Sunny, nasa sasakyan lang sila, sabi kasi ni Ulan, kami daw muna ang lumapit, tsaka na lang daw sila lalapit dito sa puntod ni Ate Selena kapag okay na kami. Siguro alam nitong ganito ang magiging reaksyon ni Mommy. Pero bakit ganon? Bakit parang close na close talaga siya sa pamilya ko? Iniisip ko tuloy kung ang Ate ko ba… Siya ba? Ang Ate ko ba ang Nanay ni Sunny at asawa ni Rain?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD