Kabanata 11

642 Words
—Angela’s POV— "Sino ka ba talaga?" tanong kay Rain ng makauwi kami sa bahay nito galing sa sementeryo. Sa bahay na namin dumeretso ang mga magulang ko, si Sunny naman ay tulog na. Ito na ang pagkakataon kong malaman ang katotohanan. Siguro naman alam ng Ulan na ito kung ano ang nangyari sa Ate ko. "Anong klaseng tanong yan?" "Bakit kilala mo ang Ate ko? Bakit alam mo ang araw ng pagkamatay niya? Sino ka ba talaga... sino ka sa buhay ng pamilya ko?" Sunod-sunod na tanong ko dito. "Ako ang partner ng Daddy mo." simpleng sagot nito. "Sinungaling! Ang Ate ko... s-siya ba ang Nanay ni Sunny?" Hindi ito nakaimik, parang may gusto itong sabihin na hindi niya masabi. Silent means YES, diba? Kung ganon ang Ate ko nga? Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng inggit, kung ganon minahal niya ang Ate ko? Mahal ni Rain ang Ate Selena ko. "Matutulog na ako." Paalam ko dito, hindi ko alam kung bakit bigla akong natamlay. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng mapansin ang kwrato ni Sunny, magkatabi lang kasi ang kwarto namin. Nagulat ako pagpasok dahil wala don si Sunny, magpapanic na sana ako pero hinanap ko na lang ito. Tiningnan ko siya sa banyo ng kwarto nito, wala siya. Sa banyo dito sa taas, wala din. Maging kwrato ni Rain pumasok na rin ako, pero wala siya, buti na lang nasa baba pa ang lalaking yon. Sasabihin ko na sana kay Ulan na wala si Sunny sa kwarto nito, pero dinala ako ng mga paa ko sa kwarto ko. Pagkapasok ay mahimbing na pagtulog nito ang bumungad sakin, piling ko sa unang pagkakataon... ngayon lang ako naging ganito kakuntento, ang makita ang mahimbing na pagtulog nito ay sobrang nakakagaan sa pakiramdam. Nilapitan ko ito at pinagmasda, may mga bahagi nga ng mukha nito na kamukha ng Ate ko. Kaya pala magaan ang pakiramdam ko ng una ko siyang makita, madalas na tinatabunan ko lang iyon ng pagsusungit dahil ayaw ko talaga sa mga bata. Pero sa kabila ng lahat ng pagsusungit at paninigaw ko dito, ngiti at pagtawa ang isinunuskli nito sakin. "Ate, kung nasaan ka man ngayon, maswerte ka. Maswerte ka dahil nagkaroon ka ng ganitong klaseng anak, napalaki siya ng maayos, Ate Selena. Maswerte ka dahil si Rain ang naging Ama niya, mahal na mahal niya ang Anak nyo." Agad kong pinahid ang mga luha ko, nakakainis, kaya ayaw kong alalahanin ang araw na ito eh, nagiging emosyonal kasi ako. Tsk. Unti-unti nitong minulat ang mga mata nito, kumurap-kurap pa ito. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. "Nanay!" "Ako nga, Sunny." Pwede bang akuin ko na lang siya, Ate? "Nanay.” *sob* hiniwalay ko ito sa pagyakap sakin. "Bakit ka umiiyak? Nakakaiyak ba ang mukha ko?" =________= "Nanaginigp ako, Nanay. I-iniwan mo po ako." sabi nito na tuluyan ng napaiyak. Niyakp ko ito. Kaya pala sabik na sabik siya sa Nanay, dahil matagal na itong nawala sa kanya. Nakikita mo ba sakin ang Nanay mo, Sunny? Nararamdaman mo ba siya sakin? "Nandito lang ang Nanay, Sunny." Hindi ko pa rin mapangako sa kanya na hindi ko siya iiwan. Pero gagawin ko ang lahat para kahit sa ilang araw pa na natitirang magkakasama kami ay maramdaman nito ang magkaroon ng isang Ina. Hindi ko alam kung paano maging isang Nanay, pero susubukan ko pa rin para sa batang ito. Nilapitan ko na ito sa higaan, tumingin ito sakin, ang mga inosenteng mata nito. Takot at pagmamahal ang makikita doon. Takot na mawalan muli siya ng isang Nanay at sobrang pagmamahal para sakin. "Goodnight, Nanay." masayang sabi nito tapos kiniss pa ako sa labi bago tuluyang pumikit. "Goodnight, Sunny." matutulog na rin sana ako pero bigla itong nagmulat. "Dito ka lang po Nanay, ha?" Niyakap ko ito ng mahigpit. "Dito lang ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD