Kabanata 12

688 Words
—Angela’s POV— "Oh, my gosh! Magpapakananay kana?!" "Ang OA mo, Vanessa." "Kasi naman, akala ko ba ayaw mong magkaanak? Isa pa... hindi mo naman anak ang batang yon, diba?" "Hindi nga, anak syi ni Ate Selena." "H-ha? Sinong may sabi?" "Si Rain." "Si Rain?!" "Oo, pero hindi nya as in sinabi na ang Ate ko ang nanay ni Sunny at ang a-asawa ni Rain." "Imposible." "Bakit imposible?" "Ha? Wala! Haha! Goodluck sa pagiging Ina. Magiging ilaw kana, Bakla!" "Ilaw?" "Oo, tawag yon sa mga Nanay. Basta ilaw ng tahanan, ewan ko nga ba kung bakit ilaw. Pwede namang apoy o kaya star para mas cute, pero sabagay walang star sa loob ng bahay. Hay, ewan!" "Baka kasi ang Nanay ang nag-aalaga sa mga bata ng tahanan?" "Bakit ang mga Tatay, nag-aalaga din naman sila ng bata ah? Bakit haligi at hindi ilaw din ang tawag sa kanila?" "Baka naman dahil sila ang... ang... ano... teka, malay ko! Bobo tayo, huwag na nating isipin, mas masarap tanggaping bobo tayo kesa mahirapan tayo pag-iisip!" "Sige, mahirap nga mag-isip, nakakakalbo daw yon." "Saan mo naman nalaman yan?" "Ewan, iisipin ko pa ba? Eh kung makalbo ako?" "Tss. Wala ka talagang kwenta." "Kesa naman sayo, kakaunti ang utak." "Hoy, Vanessa Ferrer, kung kakaunti lang ang utak ko, ano na ang utak mo non? Wala na." "Okay lang, kapag naman nagkazombies dito ligtas ako dahil hindi nila pag-iinteresan ang utak ko dahil wala naman pala ako non. Bwhahahhahahaha!" "Kapagnagkazombies dito... teka nga, anong meron at napasok zombies sa usapan?" "Nanunuod si Author ng The Walking Dead." "So? Walang may pakielam!" "Edi sige, pinapahaba niya itong Kabanata Labingdalawa." =______=" "Tsk. Sabi naman kasing idaan na lang sa SPACING!" "Ang sungit mo ata ngayon, ANGELa? Meron kaba ngayong regla o talagang ganyan lang kapag Nanay na?" "Tse! Bahala ka nan ga! Susunduin ko na si Sunny." "Waaaaaaah, sama ako!" ^w^ "Huwag na, wala ng maisip yung Author na sasabihin mo. Puntahan mo na lang yung Bestfriend mo, baka sakaling magkaroon kayo ng sariling Story, extra ka lang dito, Ineng. Kailangan ko lang ng bestfriend na magpapatawa kaya binuhay ka dito." "Daming sinabi? Aaalis naman talaga ako sa ayaw at sa ayaw ko, noh! Babuh~ ikiss mo na lang ako kay Rain para makascore ka naman! Hihihihi!" "Baliw!" Naghiwalay na kami nito, siya papunta don sa Bestfriend niya, ako naman sa Building kung saan nandon yung Room ni Sunny. Tulad ng sinabi ko sa Ate ko, ako muna ang aako sa Anak niya, pero hindi ito habang buhay, kapag tapos na yung usapan namin iiwan ko na si Sunny. Tatlong buwan na lang makakatakas na ako sa mag-amang ito. "Nanay!" salubong na bati sakin ni Sunny ng makalabas na ito. "Kamusta na ang Araw ko, este mo?" Takte, nasanay na akong tinatawag siyang Araw. >___> "Ayos lang, Nanay, maming nipagawa si Miss. Turo niya ko kulay at hugish!" utal na sabi nito. Ang panget talaga magsalita ng mga bata, buti na lang hindi ko na tanda yung mga panahong utal pa ako. "Very good, Araw este Sunny. Halika na, baka umusok ang ilong ng Ulan na yon kapag di pa tayo nakauwi agad." Inakay ko na ito palabas ng gate ng Unknown University. Nagtaka naman ako dahil wala pa rin si Manong sa Parking lot dito sa labas ng School. Akmang itetext ko na si Ulan ng may lumapit saming magandang babae. "Wow, siya na ba yung anak nyo ni Rain?" "Ha?" "Tita Agnes!" napatingin naman ako kay Sunny dahil sa pagtawag nito don sa Babae. "Kilala mo siya, Sunny?" tumango naman ito. "Hindi mo na ako-" "Agnes!" napalingon kami sa kadadating lang na si Rain. Napatingin naman sakin si Rain at ngumiti tapos umakbay pa sakin. "Rain, ang laki na ni Sunny ah." "Oo nga, pasensya kana, Agnes, nagmamadlai kasi kami ngayon." "Ganon ba? Kamus—" "Oo, sige, una na kami." Inakay na ako ni Rain papunta sa sasakyan nito, ganon din kay Sunny. "Sino siya?" agad kong tanong nung nasa sasakyan na kami. “Kaibigan ni Selena.” Pinili ko na lang tumahimik dahil mukhang ayaw na nitong magtanong pa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD